Trial and Error#5

2056 Words
******************** Kody's POV "Kody! Uy!" tawag ni Chemay sa'kin pero hindi ko siya nilingon. "Anong ginagawa mo?" "Nag-aaral ng black magic, kukulamin ko na lang si Thorne." Sagot ko kahit Vogue magazine ang binabasa ko. Ganito talaga ang gawain ng mga walang trabaho. Buong araw tambay sa bahay. Alas-once ang umagahan, alas-tres ang tanghalian at alas-diyes ng gabi ang hapunan. Magbababad ng isang oras sa tub bago maligo. Manonood ng TV sa tanghali o magbabasa ng kung anu-ano. At sa remaining time? Tumunganga. Kaya kahit isang oras ko ng kaharap ang magazine na 'to, hindi ko pa din tinitigilan. Ini-imagine ko na lang na mukha ni Salvatore ang nakalagay sa mukha ng mga models ditong naka-bikini. Humilata ako sa sofa. Katamad din dito sa bahay. Balak ko din namang maghanap ng trabaho kaso hindi ko pa feel. Marami namang modelling agency na nag-aalok sa'kin kaso parang ayoko na ng ganong trabaho. Saka na siguro. "Grabe ka, anti-Salvatore ka talagang babae ka. Mag-ingat ka, Nekoda Rose... baka kainin mo yang galit mo sa kanya. Mamaya nyan...ma-in-love ka sa kanya!" In-love??? Sisimangot sana 'ko nang bigla akong may naisip... "Tama ka! May napupulot talaga ko sa mga pinagsasabi mo, Chemay!" "Talaga? Tama ako? Sabi ko na nga ba in-love ka kay Thorne eh!" "Psh! Hindi 'yun.." "Eh ano?" Napangisi ako at initsa ang magazine sa center table. "Paiibigin ko siya at magpapakasal kami! Pag nangyari iyon syempre sa'kin na din lahat ng ari-arian niya bilang asawa niya di ba? At mababawi ko na 'tong lupa at building ko!" Napatango-tango siya at saka nagcross-arms. "Yan ang plano mo? Paano kung ikaw ang ma-in-love sa kanya at makalimutan mo ang plano mo?" "Tss! That will never happen cousin dear, dahil masyado pa 'kong in-love sa ex ko." Nanlaki ang mga mata niya at lumapit sa'kin. " Syet, Kody! Baliw ka na talaga, dalawang taon na yun!" "So? Gibriel's another story. Mabalik tayo kay Thorne." "Eh pano kung gumawa siya ng prenuptial agreement na wala kang makukuha sa mga kayamanan niya? At ang malaking tanong... pakasalan ka naman kaya niya?" "Kaya nga papaibigin ko siya di ba? At aakitin..." Nakagat ko ang labi ko sa excitement. Grabe, gusto ko ng simulang magplano! "Eh paano kung makasal nga kayo at may kontrol ka na sa mga ari-arian nya... what's next?" "Next is pagiging biyuda.. papa-assassinate ko si Salvatore!" "Baliw ka na talagang babae ka. Baka nga ikaw 'tong ipa-chukchakchenes niya. Di ba may dugong Italian ang mga Salvatore? Mamaya niyan... Mafia pala sila!" "Kaya nga uunahan ko siya di ba? Ano ka ba? Bakit ka ba kontra ng kontra sa'kin? Maki-ayon ka na lang, okay?" Bumalik ako sa pagkakahiga sa sofa at nag-concentrate. Pero naramdaman kong umupo sa sahig si Chemay paharap sa'kin. "Nekoda, uy, seryoso ka ba talaga? Kung nakikipag-reconcile ka na lang sa kanya? Idaan mo na lang sa mabuting usapan. Pagbibigyan ka naman nya." "Sa tingin mo ba hindi ko na 'yan ginawa?" "Ginawa mo nga pero gano katagal? Isang beses lang. Kulang ka kasi sa tiyaga. Trust me, pagbibigyan ka nun. Mahal ka ni Thorne." Bigla kong nilingon si Chemay. Seryosong seryoso ang pagkakasabi niya at gusto kong matawa. At dahil ginusto ko... ginawa ko nga. Mamatay-matay ako sa kakatawa. Nahulog na 'ko sa sofa pero tuloy pa rin ako sa pagtawa. "Chemay...Chemay... Hahahahaha!" "Pustahan pa tayo, Kody!" "Chemay, ano ka ba? Mahal? Mahal, my ass! Mahal ba 'ko niyon eh gusto niya nga 'kong patalunin sa building nya?!" "Dahil hinamon mo siya." "Kinulong niya 'ko sa elevator?!" "Hindi niya sinasadya, nag-malfunc ang elevator, ayon sa source ko." "Nakalimutan mo na ba iyong mga away namin nang bata pa kami?" "Pinapatulan mo kasi. At saka way niya lang lahat ng iyon para magpapansin. At ikaw na rin ang nagsabi 'away-bata'. At ang tagal ninyo ding magkapitbahay di ba? Sa lahat ng pinasukan mong gulo nong nag-aaral pa kayo, lageng nandyan si Thorne kahit aso't pusa kayo. Alam ko lahat hindi dahil sa'kin ka nagsusumbong kundi ka-chikahan ko din si Tita Shana. Lage kang tino-tolerate ni Thorne, hindi lang halata dahil suplado siya. At kung makatitig sa'yo, nakuuu! Makalaglag egg cells! Masyado ka nga lang absorbed sa ibang bagay at marami kang ka-dramahan sa buhay kaya hindi mo mapansin. At saka... basta, kahit tanungin mo pa nanay mo, berks berks sila ni Thorne eh. Manhid ka kasi, maldita, self-centered, tamad etcetera, tecetera chuvaler!" Natahimik ako. Hindi dahil umaayon ako sa sinabi ng babaeng 'to. At hindi rin dahil tinamaan ako sa mga sinabi niyang negative sides ko. May naririnig kasi akong ingay sa kalsada sa ibaba. Pero hindi ko na lang inintindi. Guni-guni ko lang siguro. Masyado kasi akong paranoid na ide-demolish na ang lugar na 'to. "Okay. Magpustahan na lang tayo." Sabi ko na lang. Grabe, gusto ko pa ding matawa sa mga sinabi niya. Masyado talagang hopeless romantic ang babaeng 'to. Hindi lahat ng magkakaaway ay nagkaka-in-love-an lalo na sa kaso namin ni Thorne. Me and him? No way! "O sige kapag nanalo ako, napatunayan nating in-love nga sa'yo si Tho---" Hindi na natapos ni Chemay ang sasabihin niya dahil may narinig kaming katok sa pinto. Nagkatinginan kaming dalawa at nag-unahang tumakbo papunta sa pinto. "Kody! baka si Thorne na yan, magtatapat sa'yo ng pag-ibig!" "Imposible! Baka si Gibriel yan, miss na miss na 'ko at gusto ng makipagbalikan!" Ilang segundo din kaming nag-agawan sa doorknob. Ako din ang nanalo. Dahan-dahan kong binuksan.... None of the choices. Naka-over-all suit na kulay gray ang lalake. Mukhang minero o nagtatrabaho sa construction at may hawak din na papel. "Magandang araw po, Ma'am. forced evacuation po ito, ide-demol---" Malakas kong binagsak ang pinto at tumakbo sa bintana. Gusto kong mapamura! Hindi ko lang guni-guni ang narinig ko kanina! May mga sasakyan na gamit sa pagde-demolish sa ibaba at marami ding kalalakihan na nakasuot ng katulad sa napagbuksan ko kaninang lalake. "Kody! Papatayin ba nila tayo? Ililibing ng buhay?!" "Kumuha ka ng lubid!" sigaw ko sa kanya. "Magbibigti ka?" "Hindi! Itatali ko ang sarili ko sa entrance! Ewan ko lang kung matuloy pa sila!" "Mag-empake na lang tayo, pinsan!" "No!" Tumakbo ako palabas at bumaba sa hagdanan. Muntikan pa 'kong madapa. Bwiset! 'Langya ka, Thorne! Ito ba ang sinasabi mong truce noong isang linggo? At ngayon ko napatunayang mas tama ako kesa kay Chemay. Mahal daw ako ng lalakeng 'yon? Mahal na mahal niya 'kong galitin! Aaaaaah!!! ******************** Gabi na. At wala akong balak umalis sa kotse ko na basta na lang nakaparada sa tapat ng limang palapag kong building. Building ko na gumuho na. Malalaking tipak na lang ng semento ang nakabunton at ilang bakal. May ilang mga lalake pa din ang nandoon. Gusto ko sanang umiyak. Pero hindi ko magawa. Nayayamot ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa kanina. Pinipigilan ko sila pero binuhat lang nila 'ko at halos igapos na matigil lang ako sa pagwawala kanina. 'Kala ko dadating din si Thorne para humalakhak. Katulad ng mga kontrabida sa palabas kapag nakikita nilang nagdudusa ang mga bida. Pero wala siya. Tama! Wag nga siyang magpapakita sa'kin! Nakita ko si Chemay na papalapit sa kotse ko. Inalis ko sa pagkaka-lock ang pinto ng passenger seat. Pumasok siya. "Kody... nalagay ko na sa compartment ang mga damit at personal things mo. Yung mga appliances at furniture, saan 'ko--" "Ibenta mo na lang, o iwan mo na lang dyan, bahala na." "Okay.." mahina niyang sagot. "Kody... doon muna tayo magpalipas ng gabi sa bahay ni Eric, kung ayaw mo pang umuwi kina Tita." Tss! Si Eric ang current boyfriend niya. Gusto ko sanang sabihin kay Chemay ang nasa isip ko pero nagpigil lang ako. Nagmamalasakit lang naman siya. Pero sa bahay ni Eric? Magaling kung tanggapin ako ng lalakeng iyon eh galit siya sa'kin. Kasalanan ko din naman siguro dahil nilalait ko siya lage. Hindi kasi mayaman si Eric at sinusuportahan pa ang mga kapatid. At lage kong pinapahalata na ayaw ko sa kanya para kay Chemay. Haay... ngayon ko naisip na kina-karma siguro ako. Dahil sa mga kasamaan ko sa ibang tao, ganito ang nangyayari sa'kin. Pero sabagay, hindi ako ang pinakamasama kundi si Salvatore! Ini-start ko ang kotse at nagsimulang umalis sa 'ex-property' ko. "Chemay, ihahatid na lang kita sa bahay niya kung gusto mo." "Eh ikaw?" "Don't mind me. Marami akong pwedeng tuluyan." Sabi ko na lang kahit wala naman. "Ayokong iwan ka, pinsan! Baka mapariwara ka! Baka ma-depress ka dahil sa nangyari!" "Tss! Dadalawin kita, ano ka ba? Atsaka balak mong maghanap ng trabaho di ba? Do that. Hindi mo iyon magagawa kapag kasama mo 'ko." Dahil mahahawa ka lang sa kamalasan at katamaran ko... gusto ko sanang idagdag. Twenty-minute drive lang at nasa tapat na kami ng bahay ni Eric. Nagpaalaman kami sa isa't isa at umalis an din agad ako. Now, my cousin s***h only friend is gone... Mas ngayon ko naramdaman na nag-iisa ako. Wala 'kong matawagang kapatid o kaibigan. Si Mommy at Tito Ben ay nagbabakasyon sa Europe. Si Lola Marcianna naman nasa Palawan. I let out a long sigh and focused on my driving. Now, I'm off to our old place. Sa subdivision na kinalakihan namin ni Salvatore. Twenty-five minutes had passed and I'm about to park my car in front of Tito Ben's house. Pero natanaw ko ang kapitbahay namin, ang nag-iisang pinakamataas na bubong sa mga bahay dito at pinakamalawak na bakuran. Tanaw na tanaw din ang bahay dahil sa mataas na lugar iyon nakatayo. May kumislap na ideya sa isip ko at nilagpasan ang bahay namin... ******************** Kody's POV "Hey, Mang Isko!" nginitian ko ang security guard ni Salvatore. "Miss Kody, kayo pala." "Nandyan po ba ang boss nyo?" "Wala pa po. Tuloy po kayo." At bumukas ang malaking gate kaya pinasok ko ang sasakyan ko sa bakuran ni Thorne at nakiparada sa garahe, sa parteng hindi agad makikita. Grabe ang bilis kong nakalusot kay Mang Isko. Wala pa 'kong sinasabi masyado, pinapasok na agad ako, Lumabas ako sa kotse at kinuha ang mga gamit ko sa compartment. Hmm... Ang bigat. Ang dami ko palang gamit. Saktong naibaba ko lahat ang maleta ko nang makita ko si Nay Lydia, ang matandang mayordoma sa mga Salvatore at nanny ni Thorne. Alam kong mainit ang dugo niya sa'kin mula ng mga bata pa kami ng alaga niya. Syempre, si Thorne ang kinakampihan niya kapag magka-away kami ng lalakeng iyon. Pero kahit alam kong inis at asar sa'kin si Nay Lydia, civil naman ang pakikitungo niya sa'kin. Siguro paggalang na din para sa mabait kong mommy. "Good evening, Nay!" "Miss Kody... ano pong ginagawa nyo dito." "Inaasahan po ako ni Thorne ngayong gabi. Pwde po bang pakitulungan ako sa mga 'to. Ambigat po kasi." magalang kong pakiusap... na puno ng kaplastikan. Kitang-kita ko na nagulat siya sa sinabi ko at di napigilang magtaas ng isang kilay. Ngumiti naman ang kasama niya pang katulong na mas bata. "Ikokompirma ko muna kay senyorito." "Ay, no! No... No need, Nay Lydia... Katatawag nya lang po sa 'kin..." Hmp! Ni hindi pa nga ako tuluyang nakakapasok sa bahay mabubuking na agad ako? Pinalungkot ko ang mukha ko. "Nay Lydia talaga... alam ko naman pong ayaw nyo sa 'kin... Pero nagmamahalan po kami ng senyorito nyo!" "N-Nagmamahalan? Hindi ko alam, hija.." parang bigla siyang nalito. Hahahaha! "Opo. Matagal na... hindi lang po sinabi ni Thorne sa inyo kasi alam po naming mas boto kayo kay Charm at parang ayaw nyo sa 'kin. Ayoko naman pong umuwi sa bahay kaya sabi ni Thorne dito na lang ako... Pero kung ayaw nyo..." Akma kong ibabalik ang mga gamit ko sa kotse. "Tess..." tawag niya sa katabi niyang katulong. "Dalhin mo ang mga gamit ni Miss Kody sa isa sa mga guest room." "Sige po." At nagwalk-out sa garahe si Nay Lydia. Bwahahahaha! Ang galing ko talaga! "Hello, Tess! Matagal ka na ba dito?" friendly kong tanong. "Mga isang taon na po, Miss Kody." ngumiti siya at pumasok na kami at umakyat sa third floor. Gusto ko sanang 'makipagkaibigan' kay Tess pero masyado akong na-hook sa pag-oobserba sa loob ng bahay ni thorne. Bwiset! Ang ganda masyado! Walang cheap! Lahat kayamanan. Eh kung ito kaya ang ipa-demolish ko? Tumigil si Tess sa isang pinto. "Tess... saan ang master's bedroom?" "Uhm... pagliko po sa kanan. Bakit po, Miss kody?" "Nakalimutan kong sabihin... sa mismong kwarto ni Thorne niya ko inaasahan..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD