Nekoda's POV
Hinila ako ni Mommy sa sulok at kinurot sa tagiliran.
"Aw! That hurts Mom!"
Grabe ang talas ng kuko ng nanay ko.
"Ba't ba ganyan ang damit mo?" sita niya sa'kin at nameywang.
"Why, Mom? Angkop naman sa okasyon di ba?"
Umikot-ikot pa 'ko at sumayaw ng platypus dance. Naka-retro attire kasi ako. Ewan ko dito kay Mommy, kabukod tanging hindi naka-appreciate sa suot ko. Samantalang ang mga matatanda dito sa luncheon party na 'to ay tuwang tuwa nang makita ako. Naalala siguro ang kabataan nila.
"Stop that Kody. Matutuwa sana 'ko kung hindi ka nila napagkamalang inarkilang performer. For crying out loud, you're my daughter not some crazy loon dancing in my front yard."
Hindi na 'ko nagsalita. Nasa menopausal na yata siya kaya iritado lage.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong bahay ng Sales. It's Lola Marcianna's 75th birthday. And my mom threw this lunch party. Ayoko sanang um-attend pero wala ng mas kukulit pa sa makulit kong nanay. Gusto ko ng umuwi dahil hindi ako mapakali. Baka pag-uwi ko na-demolish na pala ang bahay ko. Iiwan ko sana si Chemay pero kung kilalang party-thrower si Mommy, kilala ding party-goer si Chemay, walang pinapalagpas kahit alam niyang puro mga oldies ang mga tao dito.
Nakita ko si Lola Marcianna na pinasok ng nurse niya sa kwarto niya.
"Teka, 'My, tapos na ba ang party? Ba't wala na si Lola sa labas?"
"Matanda na ang Lola mo at madali ng mapagod. Why don't you change upstairs, hija? May mga damit ka pa sa kwarto mo di ba? I'll go back na sa party, and please, wag mong pasakitin ang ulo ko." iyon lang at lumabas na siya ng bahay.
Pupunta nga sana 'ko sa taas, na-miss ko din ang kwarto ko dati pero nagbago isip ko. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Lola. Tiningnan lang ako ng mukhang antipatikang nurse at saka lumabas na.
"What's up, 'La?" Nakangiti kong tanong sa matandang nakahiga sa kama at manghang-manghang nakatingin sa'kin.
"Do...I...know...you, c-child?"
"Yes, Lola, I'm Paris Hilton!"
Pero hindi bumenta ang joke ko kay Lola, hindi niya yata kilala si Paris Hilton. Sino bang sikat nong panahon niya?
"Lola, ako si Kody, anak ni Mommy na asawa ng anak nyong si Ben." Panlimang beses na yata akong nagpakilala sa kanya mula nang dumating ako dito kanina.
"Kody? Is that you, hija? How's the farm? Maganda ba ang benta ng kape? It's the mating season for the cattle, how are they?"
H-Huh? Farm? Kape? Cattle? Mating season...?
"Kayo talaga Lola, mukha ba 'kong haciendera at ranchera?"
Comedy talaga siya kahit kelan. Kung anu-anong sinasabi dahil sa katandaan.
But chatting with her now made me realized how much I've missed this old wonderful woman. Kahit mali-mali siya o hindi na makakilala.
"Haciendera?" parang nalito siya at nag-isip at saka lumungkot ang mukha. "I was..."
"Talaga, Lola? May hacienda kayo? Pero kala ko ba nasa textile at shipping ang family business ng mga Sales?"
"Of course not. We have lands in Batangas and Cavite. Taniman ng kape at rancho ng mga baka. I really love living in the countryside!" nagkaroon ng ibang sigla si Lola at parang napunta sa outer space. Parang may binabalikang mga memories.
Hinubad ko ang sapatos ko at umupo sa tabi niya.
"Eh, Lola nasan na?" tanong ko.
Tumingin siya sa 'kin at umiling-iling. "Gone... Gone with the wind..."
Kanta iyon ah? At saka line din 'yon ni Sen. Miriam? Hehe, si Lola talaga.
Hindi ko alam kung maniniwala 'ko sa kanya. Wala naman akong naririnig na may lupa ang mga Sales sa Batangas at Cavite. Ang alam ko sa Palawan ang probinsya nila at niyog at kopra ang pinagkakakitaan doon.
"Suzie, I want my land back!" sabi niya mayamaya.
Teka, sino si Suzie?
Kinuha ni Lola ang dalawa kong kamay at pinagsalikop sa kanya. Okay... I am Suzie.
"Kody po Lola at saka mahirap po yung gusto ninyo..."
Gone with the wind na nga eh, hehe.
"Sa amin ang lupa! Naisangla lang sa kaibigan ng pamilya at ginipit nila kami kaya nawala sa amin ang lupa. But it's all mine!"
"Okay, Lola, calm down."
Gusto kong mag-alala dahil parang napagod si Lola sa outburst iya, humihingal siya at nagsimulang lumuha.
"It's okay, Lola, mapapabalik sa inyo ang lupa."
"Suzie, promise me you're going to give my land back!"
"P-Promise..."
Hanla! ba't ko ginawa iyon? Ilang pangako na ba ang nakalimutan ko? Wish ko lang di na niya maalala bukas ang mga sinabi niya.
" 'La, sino po bang pamilya ang tinutukoy nyo na nanggipit sa inyo dati?"
"The Salvatores!"
H-Huh? Kung ugali ni Thorne Salvatore ang pagbabatayan ko... pwede... Pero magkaibigan ang mga Salvatore at Sales.
"Sigurado kayo Lola?"
"Of course! I'm not that old, Molly! I clearly remember things!"
Okay...I am Molly. Pssh! Ang layo sa Kody ah.
"Naniniwala po 'ko sa'nyo." Sabi ko na lang.
Ano pa bang magagawa ko kundi makisakay na lang. Pero parang gusto kong maniwala lalo na't involved si Thorne!
"Molly, my land! Please...! Gusto kong nasa pangalan ko ang lupa bago man lang ako mamatay. Please..."
Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.
Dang!
Maldita ako, inaamin ko pero mahina ang puso ko sa mga matatanda lalo na kay Lola. Matagal ng patay ang mga grandparents ko sa parehong side at siya lang ang Lola ko. Twenty years ago, nang bagong kasal pa lang sina Mommy at Tito Ben ay hindi pa masyadong malala ang alzheimer niya. At ako lang din ang apo niya, kahit di niya 'ko kadugo, lalo pa't hindi naman nagkaanak sina Mommy.
"Sssshhhh, don't cry Lola."
Nag-angat siya sa akin ng mukha at hinaplos-haplos ang pisngi ko. It was the same sweet gesture she's always giving me since I was a small child. Lage man niyang nakakalimutan ang pangalan ko pero hindi itong gesture na 'to.
Papatak na sana ang luha ko dahil sa ka-dramahan ng sitwasyon pero saka naman umentra ang antipatikang nurse ni Lola.
"Magpapahinga na si Donya Marcianna, pwede ka ng umalis."
"Pahinga ka na, Lola, ha, I'll be back soon..."
"Lucy, my land..."
Tumango lang ako at tinulungan siyang makahiga ng maayos.
Hinintay ko muna siyang makatulog atsaka hinarap ang nurse.
"Makakalabas ka na, Miss La Voie."
"Lalabas ako kung ipapantay mo yang kilay mo." pinandilatan ko siya.
Geez! Ang lakas ng loob na pagtaasaan ako ng kilay. Ako lang ang antipatika sa bahay na 'to at maging sa subdivision na 'to.
Sumunod naman siya. Nilagpasan ko lang siya at lumabas na ng bahay. Lumapit ako kina Mommy at tito Ben na nagsasayaw sa dance floor.
"Kody, I told you to change!"
"Honey, 'yaan mo na si Kody."
"Mommy, Tito Ben, where's Thorne? Kapitbahay ninyo lang siya pero bakit wala siya dito?"
Tumawa si tito Ben. "Sa ganitong tanghaling tapat, hija? Malamang nasa kalagitnaan ng trabaho. Dumaan siya kanina dito to greet your Lola, di mo nga lang naabutan."
"Is he in his office in Makati?"
Well, kung nasa SGC ang giant kamoteng iyon, wala pa 'kong balak na umapak ulit sa building na iyon. Naalala ko pa din noong isang araw nang makulong ako sa elevator. Kainis!
"No, hija. Nasa bahay lang niya siya."
Good.
Nagpaalam ako sa kanila at lumabas ng bakuran. Naglakad ako sa harap ng gate ng bahay ni Thorne. Nagdoorbell ako at sumilip si Manong Isko. Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Parang hindi ako nakilala.
"Sorry, Miss, may order si Sir na wag magpapasok ng mga babaeng mukhang wala sa tamang pag-iisip at lalo na kung isa ka sa mga girlfriends niya."
"Mang Isko, it's me Kody! At hindi niya 'ko girlfriend, kaaway nya po ako!"
Nagliwanag ang mukha niya at binuksan ang malaking gate.
"Miss Kody, kayo pa la 'yan, pasok po kayo."
Hehe, hindi siguro siya nabigyan ng order na wag akong papasukin. Kung alam ko lang na madali pala 'ko ditong makakapasok dito sana 'ko naghasik ng lagim.
Ilang metro pa ang layo ng bahay at sobrang init kaya sumakay ako sa lawn mower para mapabilis ako.
Sabi ni Mang Isko nasa pool daw si Thorne kaya lumigid ako at doon itinigil ang lawn mower.
"Thorne!" Tawag ko sa kanya.
Ganito ba ang nagtatrabaho? Nakaladlad ang katawan sa tabi ng pool sa ilalim ng araw? At naka-trunks lang ang loko.
Hmn... Ganda ng katawan, I'll give him credit to that. But what the heck, hindi lang siya ang nag-iisang hunk sa mundo! I even had a chance to work with the male supermodels.
"Salvatore!!!"
Tulog 'ata tong lalakeng 'to. Hindi ko masabi, naka-sunglass kasi.
Lumapit ako sa kinahihigaan niya at kinurot siya sa abs,hindi dahil nanggigigil ako kundi para magising siya. Umungol lang si Thorne at marahang kumilos para... dumapa.
Syet! Laglag ang panga ko. Dang! Nice butt!
Teka... Mali, mali! Ba't ko ba binibigyan ng description ang ungas na 'to?
Nainis ako sa sarili ko at dahil nandito si Thorne... Sinabunutan ko siya para magising.
"Aw! Stop it! Sh*t!"
"Ganti ko 'to sa pagkulong mo sa'kin sa elevator, you bastard!"
Sumakay na 'ko sa likod niya at dahil sa posisyon niya ay lalong hindi niya mahagip ang mga kamay ko.
But Thorne rolled over... kaya ang nangyari ay nakakubabaw ako sa kanya. I'm sitting flat on his stomach!
"Enjoying yourself there, pumpkin? Ride me all you want... I'm now at your mercy, baby." He said seductively.
At parang nararamdaman kong namula hindi lang pisngi ko kundi buong katawan ko... Remember hubad siya at kapiraso lang ang suot... at manipis lang din ang suot ko...
Pero hindi ako si Nekoda Rose La Voie kung wala akong ganti sa mga sinasabi at ginagawa ni Thorne Salvatore!
Hinagip ko ang juice na nasa gilid, tinapat sa mukha niya at dahan-dahng binuhos.
"Of course, Thorne baby, I'm enjoying myself."
"B*tch!" he uttered while wiping his wet face with his towel.
Umalis ako sa ibabaw niya at nag-dive sa pool.
Teka, ba't ba 'ko bigla nagswimming? Uhm yes, para maalis ang ano mang makating mikrobyo na nagpa-init sa katawan ko.
Inangat ko ang ulo ko para makita lang si Thorne na nakalangoy na pala palapit sa'kin.
"Wala ka bang sabon, Salvatore? Nangati ako sa pagkadikit sa 'yo." I said with sarcasm.
"Really? Ilang segundo lang ganyan na agad ang reaksyon mo sa'kin? Paano pa kung ilang oras pa?"
"Gagalisin ako!" Tinalsikan ko siya ng tubig sa mukha at mabilis na umahon.
Now, what have I done. Bumakat na ang dress ko sa hubog ng katawan ko dahil sa tubig. Napansin kong sa'kin nakatingin si Thorne.
Aba't!
"Bastos ka!" sigaw ko sa kanya.
"Yeah right. Ikaw itong pumasok sa bahay ko, inaway ako at parang lokang basta na lang tumalon sa pool at ako pa ang bastos dahil tinitingnan lang kita?" Umiling-iling siya at sumandal sa gilid ng pool.
Naiinis kong kinuha ang bathrobe at sinuot.
"You looked sexier in my robe."
Napa-angat ang tingin ko sa kanya. "That's s****l harassment!"
"Damn it, Kody! That's a compliment. Ba't ba minamasama mo lage ang mga sinasabi ko sa'yo?"
"Masama ka kasi!"
Hindi siya nagsalita. He just gave me a dagger look and swim a lap. At pagkatapos ay umahon na at naglakad palapit sa'kin.
Mukhang hindi na galit. O nagpipigil lang ng galit?
"Ba't ka nga pala nandito? May party sa kabila ah."
Oo nga pala! Nakalimutan ko na ang tungkol kay Lola!
"Dahil mas ganid ka pa sa mga prayle nong panahon ng Kastila! Kinamkam mo ang lupa ni Lola Marcianna!
"Woah! Wait, woman. Wala ka na bang maibintang sa 'kin kaya pati kasaysayan ng Pilipinas ay nire-review mo? Baka gusto mo ding isisi sakin kung bakit bumabagyo?"
"Totoo naman eh! Kinuha ng mga Salvatore ang lupa nila Lola sa Batangas at Cavite."
"That stuff was between my ancestors and Sales family eons ago. You really get on my nerves, Kody. Pati ba naman ang bagay na nangyari di pa man tayo naipapanganak ay isisi mo pa din sa 'kin? You really hate me that much."
"Of course."
Tiningnan lang niya 'ko ng walang ekspresyon sa mukha.
"O baka nman way mo lang 'to para magpapansin sakin?"
"Ugh! Dream on, as*h-----"
"No cursing in my house." Pigil niya.
"Eh di wag! Basta ibalik mo ang lupa ni lola."
"I cant."
"Yes you can, ayaw mo lang."
"Tama ka. Dahil nakaplano na ang gagawin ko sa lupang iyon."
Gah! Ba't ba si Thorne na lng ang natitirang Salvatore sa angkan nila. Siya tuloy ang nagmana lahat. Pano na si Lola? At totoo talaga ang kwento niya sa 'kin. Di naman kinumpirma o pinasinungalin ng lalakeng 'to.
Thorne pinched the bridge of his nose to contain his irritation then sighed harshly. "Let's make a truce, Kody."
"Truce?" ulit ko.
"Yeah, para matapos na 'tong mga pagaaway natin.
"Truce your face, Salvatore. Ikaw tong gumagawa ng gulo dyan. And if I know eh enjoy na enjoy ka na nakikita akong miserable. Makikipagsundo lang ako kung papayag kang bayaran ko ang property ko sa'yo at kung ibabalik mo din ang lupa ni Lola!" Nagmartsa ako papunta sa lawn mower at sumakay.
"Hey, that's my robe!" tawag ni Thorne.
Hindi ko na sya nilingon at pinatakbo ang lawn mower.
Sus 'kala naman niya gusto ko 'tong suutin. Ayoko din no pero ayoko ding bumalik sa bahay nang bakat ang dibdib ko...