Kung ayaw akong papasukin sa loob, pwede naman akong pumuslit di ba? At kung hindi pa din ako makapasok... pwede namang sa labas ako maghasik ng lagim di ba?*Evil grin
********************
Nekoda's POV
Tumanaw ako sa labas ng bintana ng kotse at tiningala ang building ng Salvatore Group of Companies. Pinigil ko ang ngiti dahil sa anticipation. Ka-excite!
Akala naman ni Thorne eh mapipigilan niya 'ko? Ha! Wa-is ata 'to.
"I'm really glad to see you, Kody. Ang tagal din nating hindi nagkita." si Charm 'yan, ang aking mahiwagang ticket para makapasok sa imperyo ni Salvatore.
Hindi na 'ko nagtaka na dito siya pupunta sa SGC. Ka-schoolmate ko siya dati, at kinder pa lang kami, kine-claim na niyang siya ang pakakasalan ni Salvatore. Haay, poor girl , allergic sa kasal ang ungas na 'yon eh.
"Yeah, ako din. Salamat sa pagpapasabay mo sa'kin ha? Kundi lang coding ang kotse ko..." labas sa ilong kong sagot. Hehehe, syempre, pinlano ko nga to di ba?
"Don't mention it." mahinhin niyang sabi.
She's very kind naman, iyon nga lang minsan nakakayamot na dahil nasosobrahan madalas. Charm's also came from one of the old rich clans here in the country. At tinalo pa si Lucy Torres sa kahinhinan. Maganda din siya pero walang dapat ika-insecure, mas maganda 'ko sa kanya.
"So...sino nga pala ang sadya mo dito sa SGC?" tanong ko kahit alam ko na naman kung sino.
Tumawa muna siya nang mahinhin at parang kinikilig at saka sumagot. " My fiance, si Thorne." at tumawa ulit.
Muntikan ko ng iikot ang mata ko pero dahil magaling akong artista... nginitian ko na lang siya at sinakyan ang kabaliwan niya. "Alam niyo, nakaka-intriga talaga kayong dalawa, so, when'll be the wedding? Bagay na bagay talaga kayo eh! He-He-He!"
Buti na lang din at hindi chismosa si Charm kaya hindi niya alam ang animosity sa pagitan namin ng kinababaliwan niyang lalake.
"Ikaw, talaga, Kody, hayaan mo babalitaan kita."
At umasa talaga ang babaeng 'to no? Hindi ba niya alam na magiging miserable ang buhay niya sa giant kamote na yun?
Niliko ni Charm ang kotse papasok sa basement ng SGC. At pasimple akong yumuko para ayusin kunwari laylayan ng pantalon ko. Mahirap na...baka ,makilala pa ko ng security guard na chinika pa ng sandali ni Charm.
Pumarada siya at sumunod ako sa paglabas ng kotse.
Whew! Sinong may sabing blacklisted ako dito?
"So, Kody, anong floor ba nag-oopisina ang friend mo na bibisitahin mo dito?"
"Ah... sa 50th."
"Huh? Eh sakop ng buong opisina ni Thorne ang floor na yun eh?"
"I mean, 40th pala, yeah sa 40th floor nga. He-He-He!!!"
Muntikan na 'kong mabuking ah.
"C'mon sabay na tayo." nakangiti niyang yaya sa'kin.
Nilibot ko ang paningin sa buong basement at nakita ko ang ilang security guard na malapit sa elevator. Binalik ko ang tingin kay Charm. " You go first, Charm, mag-C-CR muna 'ko."
"Oh... okay. Sige! Miss ko na din si Thorne eh, bye Kody, see you around!"
Kinawayan ko din siya at naglakad papunta sa CR na nasa kaliwa pero hindi ko hinihiwalay ang tingin sa kanya.
Nakita ko pa siya na lumapit sa isang Bugatti Veyron at hinaplos-haplos ang hood niyon habang masuyong tiningnan.
Bingo! Sinong mag-aakala na mapapakinabangan ko ang kabaliwan ni Charm kay Thorne?
Hinintay kong makapasok si Charm sa elevator bago 'ko lumapit sa Bugatti.
Ibig sabihin, ito ang sasakyan ni Salvatore???
Hmmm... Astig! Maangas din katulad ng may-ari. Pero wala akong nararamdamang awa sa mga pag-aari ni Thorne. Marahan kong inikutan ang kotse at nag-isip kung anong design ang gagawin ko dito gamit ang mga dala kong spray paint.
********************
Thorne's POV
I massaged my nape to contain my irritation. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga hidden cameras na naka-install sa iba't ibang parte ng building na 'to.
Damn it!
All I want is to work and work and make money and get laid if I want to. At iyong biological need lang na iyon ang silbi ng mga babae sa'kin. Nothing more, nothing less.
Pero may mga sinilang talagang mga babae para guluhin ang araw ko. First was Charm, who proclaimed herself as my girlfriend. Nakita ko na nasa receiving area siya ng opisina ko... ready to ruin my entire day.
At ang isa pang babae... lumapit ako lalo sa monitor para makita ang ginagawa ni Kody sa basement.
Sh*t! That's my car!
Mabilis akong tumayo at pumasok sa private elevator ko.
********************
Nekoda's POV
Umupo ako sa gilid ng kotse para hindi ako makita ng mga guard sa di kalayuan at tinapos ko ang ginagawa ko.
Gusto ko sana na rainbow colors ang gawin sa kotse ni Thorne pero kulay dilaw at matingkad na green na spray paint lang ang dala ko kaya ang kinalabasan ng mga designs ay parang nilandi at nilamutak na avocado. Bwahaha!
Ayos na din 'to. Pasalamat pa nga siya dahil hindi ko binasag ang salamin ng windshield o ginasgasan o f-in-lat ang mga gulong.
Mabaet pa 'ko sa totoo lang. Para lang akong naghuhuramentadong teenager na libangan mang-vandal.
"Satisfied?" said the voice behind me.
Mabilis akong tumayo at humarap sa nagsalita.
"Of course. Ito lang pala ang makakapagpalabas sa'yo eh. So, pwede na ba tayong mag-usap and... you know, settle things?"
Tiningnan niya lang ang kotse at binalik ang tingin sa'kin. His face was devoid of emotion. Hindi ko alam kung galit o ano.
"You haven't change, Kody. Madalas ka pa ding mag-tantrums. O baka naman iniisip mo na six years old ka pa din?"
"Of course, I've changed." Umikot ako sa harap niya at nag-pose. "See? I have grown to a very beautiful woman, Thorne. At hindi yan tantrum, hobby ko lang talagang mag-paint, malas lang ng kotse mo, siya ang nakita ko. So... can we talk now?"
"Matapos ng ginawa mo sa kotse ko? I'll take it to the casa, at kokontakin kita para ipaalam kung magkano ang babayaran mo sa pag-papa-ayos niyan. At iyon lang ang magiging pag-uusap natin. Good day to you." Naglakad siya papunta sa tapat ng elevator.
"Hey! Saan ka pupunta?"
How stupid of me to ask, syempre pabalik sa opisina niya. Mabilis akong tumakbo at isiningit ang sarili ko sa papasarang pinto ng elevator.
Hinarap ko siya. He just smirked and tucked his hands in his slacks pockets.
"Alam mo, Salvatore, ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ko 'to ginagawa, kung kinausap mo siguro 'ko dati pa, nag-behave na sana 'ko at hindi gumawa ng mga bagay na---"
"Like the stunt you pulled last week, ang pangha-hack sa website ng kompanya ko noong Lunes, ang pagpapadala sa'kin ng mga death threats nong Martes at Myerkules at ngayon... ang kotse ko, right?"
"Yeah, those things. Pero wala akong nakikitang masama sa mga ginawa ko dahil gumaganti lang namn ako sa mga ginawa mo sa ak---"
"Which are?"
"Pagkamkam sa lupa ko! At marami pang iba!?"
Humakbang si Thorne palapit sa'kin at tinungo ako. He's totally towering me now. Matangkad na 'ko sa height na 5'7 at nadagdagan pa ng three inches dahil sa suot kong heels pero walang nagawa iyon sa height ng lalakeng 'to. Or maybe it was his humongous aura that said you-don't-mess-with-me-or-you'll-be-sorry.
But whatever! Hindi ako papatalo sa giant kamoteng 'to kaya nakipaglabanan din ako ng titigan.
"So, nanggagaling ang galit mo sa'kin sa mga away natin noong bata pa tayo? At sa dahilan na nailit ng bangko ang lupa mo na wala naman akong kasalanan? But of course... you are Nekoda Rose La Voie, you always think childish and illogical and they go with you being the infamous bitch." Madiin niyang sinabi at tinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko.
"Damn you! I'm not!"
"Really? Then why act like that?"
Itutulak ko sana siya sa dibdib pero nakahakbang na agad siya paatras at mabilis na lumabas sa elevator. Iniharang ni Thorne ang katawan niya sa pagsara ng elevator kaya di ako makalabas.
"I had you blacklisted here, Kody. But since nandito ka na... you might as well enjoy your stay here." that was his last words before he walked away.
At bago pa 'ko makapagsalita ay mabilis na sumarado ang pinto ng elevator at nawalan ng ilaw.
"Hoy, Thorne!"
Sandaling gumalaw paakyat ang elevator at nabuhay ang mga lights pero mabilis ding nawala.
"Thorne!" Kung anu-anong button ang pinagpipindot ko pero hindi pa din gumagana ang elevator.
Napaupo ako dahil sa takot sa dilim. Bigla kong nayakap ang mga binti ko habang kinakalampag pa din ang pinto ng elevator.
Hayop kang lalake ka!
Saktong nag-brown-out lang ba o talagang sinadya ni Thorne na iutos na i-off ang electricity dito sa elevator?
Nakagat ko ang labi ko sa pagpigil sa iyak.
"Thorne!!! Salvatore!!! Sorry na!!!! Just don't leave me here!!! Thorne!!!"
********************
Thorne's POV
Lumabas ako sa conference room at tumapat sa elevator na pribado lang para sa'kin. And thinking about this elevator... naalala ko din si Nekoda. That woman. Clever move. Very clever. Pati ang kotse ko na nananahimik.
"Thorne, honey!"
Hindi ko nilingon ang tumawag sa'kin mula sa kabilang hallway at naiinip na tumapat sa elevator.
"Thorne! How's the meeting?" tanong ni Charm.
"I'm not accountable to you, Charm so it's not my duty to report everything to you." I answered dryly.
"Just a little niceties wouldn't hurt, honey." Charm said with obvious hurt.
Pero sanay na 'ko sa ka-dramahan niya kaya hindi ko na inintindi. Women! Pain in the neck most of the times.
Pinindot ko ulit ang elevator button na ilang ulit ko ng ginagawa pero di pa rin bumubukas ang pinto niyon.
"Thorne, honey, why don't we go out for a lunch? You looked so tired." Charm suggested smilingly, at kumapit sa braso ko.
"Yeah, I'm so damn tired so I just want to rest for a while. Alone."
"Papatulugin kita!"
"No and stop bugging me!" I barked.
Natahimik naman agad siya at nakipagtitigan na lang sa sahig.
I tried not to roll my eyes. Tinawag ko ang napadaang maintenance man at nagtanong kung anong problema ng private elevator.
"Ay, Sir, kanina pa po, nagmalfunc. Pero inaayos na po ng team."
"What time?"
"Mga tatlong oras na po. Bago po kayo pumasok sa conference room kanina."
"Sh*t!"
Mabilis akong naglakad papunta sa hagdan at hindi inintindi ang pagtawag ni Charm.
Bumaba ako hanggang 45th floor. Sa floor na iyon ko iniwan si Kody bago 'ko umakyat papunta sa conference room dito sa 48th.
"Just sh*t!" I silently cursed and doubled my speed.
I made a call to the facility management dept. while on my way at inutusang sapilitang buksan ang nagmalfunction na elevator.
Ilang minuto lang at tumambad sa'min si Kody... Nakayupyop sa isang sulok at umiiyak.
"Kody." I called.
Nag-angat siya ng mukha at tumakbo palapit sa'kin... hindi para yumakap kundi para sipain ako sa binti.
"Aw, sh*t!"
This girl could kick!
"Damn you, Thorne Salvatore! Nadagdagan na naman ang atraso mo sa'kin! Damn you! Damn you to hell!!!" then she sprinted off to the stairs.
Kung anim na taong gulang pa lang si Kody at sampung taon ako... sinagot ko na sana ang pagbabanta niya. But we're not children anymore. At wala man akong kasalanan sa nangyari kanina ay nakaramdam pa din ako ng guilt.
Damn! I know how claustrophobic she was! At ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon.
Nang bata pa kami ay biniro ko siya at kinulong sa madilim na bodega. Ilang minuto lang ang lumipas at nang balikan ko siya, nanginginig siya sa takot at iyak ng iyak. I felt really guilty at that time. And now, I'm feeling that same guilt again.
I sighed at naglakad pabalik sa opisina ko sa 50th floor. I didn't bother to use the other elevators.
Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng slacks ko habang naglalakad.
What did Kody say a while ago?
Bagong atraso? Yeah, sure. Keep your hate for me, Kody. Keep it.
********************
Nekoda's POV
Nagmamadali akong lumabas ng elevator at walang pakelam sa mga nakabangga kong kasabay na empleyado.
Pinahid ko ang mga luha ko. Walangya kang lalake ka!
Paano kung namatay ako dahil sa kawalan ng oxygen kanina? O namatay ako dahil may tinatago pala 'kong sakit sa puso? O...O...O kaya ilang araw pa la 'kong na-stuck at namatay ako sa gutom at uhaw?
Nilagpasan ko ang security guard na pinaglipa-lipat ang tingin sa'kin at sa folder na hawak.
"Miss! banned ka dito ah!"
Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad pero di pa man ako nakakarating sa revolving doors ay humarang na sa'kin ang gwardiya na nadagdagan pa ng dalawa.
"Miss, bawal ka dito!"
"Blacklisted ka dito, miss!"
Naiinis akong humarap sa kanila. " OO! ALAM KO! PERO NASA LOOB NA 'KO DI BA?! AT WAG KAYONG MAG-ALALA PALABAS NA NGA AKO!" Kinwelyuhan ko ang isa sa kanila na hindi magkaintindihan kung papatulan ako o hindi. "AT SABIHIN NIYO SA BOSS NYO NA HARI NG LAGIM NA BABALIK AKO AT MAGTUTUOS KAMI!"
Binitawan ko ang kwelyo niya at tinulak siya sa mga kasama niya. Nasa labas na 'ko ng SGC nang huminto ako at tiningala ang building.
I silently cursed Salvatore and made a very sweet promise of pure vengeance...