“Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit lalong dumarami ang nagugutom sa ating bayan kasabay ng pagdami ng sugalan at mga kabataang nalululong sa bisyo. Pero, nasaan ang kasaganaan?” “Father, hindi ganoon kadali ang paghahanap ng solusyon sa mga problema ng bayang ito.” “Romano, iho, wala sa munisipyo ang solusyon na hinahanap mo. Lumabas ka ng opisina mo. Buksan mo ang gate ng magara mong mansiyon. Maglakad ka sa mga kalsada, sa halip na nakasakay ka sa loob ng magara at malamig mong sasakyan. Bago pa mahuli ang lahat, pumunta ka sa mga tao at pakinggan mo ang kanilang sinasabi.” “Nasulsulan lamang sila ng mga subersibong gumagala sa bayan natin kaya sila tumututol. Ano bang alam nila sa makabagong teknolohiyang magpapaunlad sa ating bayan?” “Masyadong mababa ang pagtingin mo sa mg

