Giyera-2

1947 Words

Iyon na ang huling dalaw ni Jaime sa parlor ni Bernie. Kinabukasan, sa ikapitong taon ng operasyon ng planta, araw ng kapistahan ni San Martin, habang ang lahat ay nanonood ng parada sa laot, saksi ang mga natitirang diwata sa bundok ng Matalim na Kidlat sa pagpaslang kay Jaime at sa apat pa nitong kasamahan. Sila ang ikalawang sakripisyo. Tulad ng maraming gabi, lalo na kung araw ng Biyernes ay maraming tao ang namamahinga sa plasa. Nakatanaw sila sa dalampasigan, malungkot ang mga titig sa maliliit na alon, wari’y hinahabol ang unti-unting paglayo ng mga isda at lamang-dagat. Puno ng panghihinayang ang kanilang mga titig sa mga taniman ng palay at manggahan na unti-unti nang naaagnas. Nang gabing iyon ay tanglaw ang liwanag ng buwan sa paglalaro ng mga bata at huntahan ng matatanda. Na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD