Pakiramdaman-2

2205 Words

“At dahil napakagaling manghula nitong si Jonas,” sabat naman ni Ate Nelia. “Kabisado talaga ang Inay.” Biglang kinurot ni Mrs. Vergara si Jonas. Napatawa ito at nagkunwaring nasasaktan. Habang nagtutuksuhan ang dalawa, napansin ni Jonas na kumukunot ang noo ng kapatid na babae. Nang tinanong niya ito kung ano ang problema, ipinaliwanag ni Ate Nelia na kanyang pinag-iisipan kung bibilhan din ng barong si Anton, ang magiging asawa ng kanyang panganay sa darating na Disyembre. Dahil kasuotang Pilipino rin ang napagkasunduang gayak para sa kasal, tiyak na magagamit ang bagong barong sa anibersaryo at sa Disyembre. Ngunit mayroon siyang kaunting pangamba na ibinahagi sa ina at kapatid: “Baka naman isipin ng mga magiging balae ko na hindi pa nga kasal, binibihisan ko na ang anak nila.” “Kunsa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD