Kakauwi lamang ni Yuki mula sa opisina at ngayon ay kailangan niya namang ayusin ang mga gamit niya at ilagay sa maleta dahil ayon sa napag-kasunduan nila ni Alexander ay ngayong gabi siya lilipat mula sa inuupahang bahay nito papunta sa penthouse na pinagmamay-ari ni Alexander.
Nagtutupi ng damit si Yuki ng bigla na lamang tumunog ang cellphone niya, agad niya din naman inabot ang cellphone mula sa itaas ng lamesa sa tabi ng kama at tinignan ang pangalan na naka-paslak sa screen.
📞 Sir Alexander
"Hello? Sir?" tanong ni Yuki habang hawak-hawak ang cellphone sa tenge niya
"Are you done packing?" tanong ni Alexander.
"Ah hindi pa eh. Pero konti na lang naman 'to, matatapos na rin ako. Bakit?" tanong pabalik ni Yuki at inipit ang cellphone sa tenga niya at sa kaliwang balikat niya kasabay ng pagpapatuloy niya sa pagtutupi.
"Hurry up. I'm done in the office. I'll pick you up so send me your current address," saad ni Alexander at nanlaki naman ang mga mata ni Yuki
"Po? Ah teka sir okay lang naman kahit ako na lang ang bumyahe-" hindi pa man nakakatapos sa pag-salita si Yuki ay agad nang nag-salita si Alexander.
"Nonsense. Just hurry up and send me your address," saad ni Alexander at ibinaba na ang tawag.
"hello? Sir? Ano ba 'yan" nabulong na lamang ni Yuki at napa-buntong hininga. Binuksan niya na lamang ang text messages niya at ipinasa kay Alexander ang address niya dahil kilala niya ang amo niya.
Kasabay rin ng pagkaka-sarado ng maleta niya ay ang tunog ng busina ng kotse mula sa labas ng bahay na inuupahan niya at ang pag-tunog muli ng cellphone niya. Dali-dali naman itong sinagot ni Yuki.
"I'm outside" saad ni Alexander pagka-sagot pa lamang ng tawag.
"Ah, sige po sir. Teka lang po ila-lock ko na lang ang mga bintana at pinto," saad ni Yuki at binaba na ang tawag.
Pagkatapos masigurado na maayos na ang lahat ay agad na ring hinila ni Yuki ang maletang puno ng gamit niya palabas ng bahay, tsaka ni-lock ang pangunahing pinto ng bahay.
Nang tumalikod na si Yuki ay muntik naman siyang mapatalon sa gulat dahil hindi niya napansin na nasa likuran na niya si Alexander.
"tsk," saad ng amo at binuhat na ang maleta ni Yuki na para bang walang laman ang malaking maleta at walang kahirap-hirap itong binuhat ni Alexander papunta sa trunk ng sasakyan nito.
Pagkatapos mailagay ang maleta ni Yuki sa sasakyan ay agad na ring sumakay sa driver's seat si Alexander habang si Yuki naman ay naupo sa passenger seat. Inilagay na rin ni Yuki ang kanyang seatbelt.
Tahimik lamang silang dalawa habang nag-mamaneho si Alexander. Medyo mabagal rin ang usad ng trapiko dahil alas-siyete na ng gabi at rush hour.
"It's late already. Have you had dinner yet?" tanong ni Alexander at agad namang kumulo ng malakas ang tiyan ni Yuki.
"I'll take that as a no," saad ni Alexander at iniliko ang sasakyan papunta sa isang high-class restaurant.
"Let's eat here," saad ni Alexander at bago pa man makapag-salita si Yuki ay nakalabas na ito ng sasakyan kaya wala na ring nagawa si Yuki at sumunod na lamang.
Sanay na si Yuki na samahan si Alexander sa mga mamahaling restaurant kagaya nito ngayon pero lahat ng 'yon ay habang nasa trabaho sila at ito ang unang beses na kumain sila sa labas bilang mag-asawa – kontraktwal na asawa.
"Sir? Pwede bang mag-tanong?" tanong ni Yuki.
"You're already asking," sagot namang ni Alexander ng pabalang. Halos umirap naman ang mga mata ni Yuki sa inis sa sinabi ng amo pero hindi niya na lamang ito pinansin at nag-tanong na lamang.
"Lagi po ba kayong nakain sa labas? I mean, hindi ka po ba nag-luluto sa sarili mong bahay?" tanong ni Yuki at sinubo ang pagkain niya.
"No," maikling sagot ni Alexander at napa-taas naman ang kilay ni Yuki.
"Wala ka po bang maid? I mean, sa dami ng pera mo for sure meron ka nun," saad naman ni Yuki.
"I do. But her job doesn't include cooking my meals. Besides, I rarely stay in my penthouse," sagot naman ni Alexander.
Ah, oo nga pala. Busy businessman nga pala siya. Pagkaka-alala ni Yuki sa isipan. Simpleng tango na lamang ang nagawa ni Yuki at pinag-patuloy na ang pagkain nito hanggang sa matapos sila sa pagkain at nag-patuloy na sa pag-biyahe papunta sa penthouse ni Alexander.
Pagkarating nila sa parking lot ng building ay ibinaba na ni Alexander ang maleta ni Yuki pero kaagad naman itong inagaw ni Yuki mula sa amo dahil hindi siya sanay na may ibang tao ang gumagawa nito para sa kanya, sanay kasi siya na siya ang gumagawa ng lahat para sa sarili.
"Ah, ako na sir," saad ni Yuki at hinila na ang maleta niya. Tahimik na lamang na tumingin si Alexander sa kanya at tumango bago nag-simulang maglakad papunta sa elevator, sumunod na lamang si Yuki sa kanya hanggang sa makapasok silang dalawa sa loob ng elevator at marating ang floor kung nasaan ang penthouse ni Alexander.
Binuksan ni Alexander ang pinto ng penthouse niya at hinayaan itong nakabukas para kay Yuki.
Wow. Ang ganda. Napaka-simple lang ng disenyo. Minimalist style pero nakaka-intimidate ang aura ng mga gamit dito. Parang si sir Alexander lang din. Saad ni Yuki sa isipan niya habang inililibot ang mata sa loob ng penthouse.
Ang mga gamit ay nabibilang lamang sa tatlong kulay– puti, itim, at ginto. Merong puting sofa sa gitna ng salas pero halata na hindi ito mumurahing uri ng sofa lang. Meron ding kusina na nakatapat sa glass window at may exhaust vent para labasan ng usok. Halata na mamahalin ang mga gamit doon.
"Your room is this way," saad ni Alexander at nag-tungo papunta sa dalawang kwartong magka-harap.
Binuksan ni Alexander ang kwarto sa kanan at tumango sa direksyon ng silid tsaka humakbang sa gilid para bigyan ng daan si Yuki na makapasok sa silid.
Simple lang din ang disenyo sa loob ng kwarto. Merong isang twin size bed, study table, upuan, at malaking aparador.
"I had the room prepared before you came here. Also, there are clothes in the cabinet. You should wear those in the office," saad ni Alexander na itinaas naman ng kilay ni Yuki.
"Sir, may sarili po akong damit," saad ni Yuki.
"I know. But you're my wife now, so you should look like one," saad ni Alexander at napanganga na lamang si Yuki.
"Anyway, if you need anything else just tell me," saad ni Alexander. Tumango na lamang si Yuki bilang sagot at hindi na nag-salita pa.
Buti na lamang at magka-iba kami ng kwarto. Kasi kung nasa iisang kwarto lang kami baka kung ano pa ang mangyari...well, may nangyari na naman na. Agad namang iwinaksi ni Yuki ang ganung ideya sa isipan niya.
"If there's nothing else, I'll leave you to yourself," saad ni Alexander at humakbang na palabas ng kwarto pero muli itong napahinto at humarap kay Yuki.
"Ah, one more thing, Yuki," saad ni Alexander at napaharap naman si Yuki sa kanya.
"Stop calling me sir if it's just us and at home," utos ni Alexander.
"Ho? eh hindi naman ako sanay sa ganun sir," sagot ni Yuki.
"Then, get used to it," sagot ni Alexander at halos umirap naman si Yuki sa harapan ng amo pero pinigilan niya kaagad ang sarili.
"Yes, sir– I mean, A-Alexander," saad ni Yuki na halatang hindi sanay na tawagin ang amo sa pangalan lang nito.
"Good," simpleng saad ni Alexander at tumango ng Isang beses bago lumabas at sinarado ng mahinahon ang pinto ng kwarto ni Yuki.
Napa-buntong hininga na lamang si Yuki. Alam niya sa sarili niya na kailangan niyang mag-adjust ngayon lalo pa at ang kasama niya ngayon sa bahay ay ang amo niya– na siya ring unang lalaking naka-siping niya, at ngayon ay kontraktwal na asawa niya.
Napa-buntong hininga na lamang si Yuki ulit at hinila na ang maleta niya papunta sa cabinet. Pagka-bukas ni Yuki sa cabinet ay halos mahulog ang panga niya sa sahig dahil sa dami ng mga damit na naka-lagay sa loob. May mga dress, formal blouse, pantalon, business skirts, sapatos na may matataas na takong, mga mamahaling bag at kung ano-ano pa.
"Ano 'tong mga 'to?" napabulong na lamang si Yuki habang iniinspeksyon ang mga gamit sa loob ng cabinet. Halata sa mga ito na hindi basta-basta ang presyo ng mga ito at hindi sanay si Yuki sa mga ganitong klase ng gamit kaya hindi niya na lamang ito pinansin at isiniksik ang mga sarili niyang gamit sa loob ng cabinet.
Pagkatapos mailagay sa ayos ang mga dala-dala niyang gamit ay kumuha na ng damit pantulog si Yuki– isang pirasong dress na pantulog na abot sa itaas ng tuhod niya, may maliit na manggas, at kulay asul. Kumuha na rin siya ng bagong panty at tuwalya bago nag-tungo sa banyo.
Pagka-pasok pa lang sa banyo ay pansin na kaagad ang yaman at ganda ng istilo nito– maliban sa karaniwang toilet bowl at shower, may bathtub na kasya ang isang taong nakahiga, at may mga maayos na nakapatong sa sink na mga sari-saring gamit pangligo.
Binilisan na lamang ni Yuki ang paglilinis ng katawan bago nag-bihis at nag-tungo na sa study table at binuksan ang laptop para mag check ng email niya at tapusin ang ilang mga dokumento na kailangan niyang ipasa bukas kay Alexander sa opisina.
Nang mag-alas onse na ng gabi ay natapos na rin naman si Yuki at nahiga na sa kama para matulog.
Kinabukasan ay maaga pang nagising si Yuki at nag-tungo sa kusina matapos maghilamos at toothbrush para mag-luto nga umagahan nilang dalawa ni Alexander. Hindi kasi siya sanay na hindi makakain ng umagahan. Nag-luto lang siya ng simpleng pritong itlog, bacon, ham, at sinangag na kanin.
Maya-maya lang din ay lumabas na si Alexander sa kwarto nito habang nakasuot ng Isang simpleng puting tshirt at gray na sweatpants, halata sa suot nito ang magandang hugis ng katawan ng lalaki pero agad din namang iniwas ni Yuki ang mga mata niya.
"Kain na po sir-ay Alexander pala," saad ni Yuki kaya napakunot noo naman si Alexander.
"I didn't tell you to cook," saad ni Alexander.
"Hindi nga po pero hindi ako sanay na hindi makapag-breakfast eh kaya nag-luto ako. Tara kain na tayo," saad ni Yuki at nilapag ang dalawang plato sa lamesa at ang mga kubyertos.
"ah, oo nga pala," saad ni Yuki at kumuha ng tasa para ipag-timpla ng kape si Alexander pagkatapos ay inilapag ito sa lamesa sa harap ng lalaki.
Nakatingin lamang si Alexander kay Yuki na para bang nag-tataka kung bakit siya ang gumagawa ng mga 'to na kung tutuusin naman ay pwede naman silang mag-order ng take out, pero hindi na lamang nag salita pa si Alexander at naupo na lang para kumain.
Pagkatapos kumain ay kanya-kanya na silang dalawa sa pag-aayos ng sarili para sa trabaho ngayong araw. Naunang natapos si Alexander kaya nag-hintay na lamang siya sa salas at maya-maya lang din ay lumabas na si Yuki mula sa kwarto nito.
Napakunot noo naman si Alexander ng makita ang damit na suot ni Yuki.
"Why are you wearing that again? Didn't you see the clothes in your closet?" tanong ni Alexander habang naka-kunot noong naka-titig sa formal blouse na ilang beses ng suotin ni Yuki sa trabaho at ang simpleng black slacks nito, pati na rin ang ilang buwang sapatos ng dalaga.
"Nakita," sagot naman ni Yuki.
"Then why are you wearing that? You're my wife now so you should wear something...better," saad ni Alexander at napataas naman ang kilay ni Yuki.
"So? Dito ako komportable eh," sagot ni Yuki at nag-tungo na sa pinto.
"Ah, oo nga pala, Alexander," saad ni Yuki at hinarap ang asawa.
"Huwag mo na 'kong isabay papunta sa office or pauwi, baka mamaya ma-eskandalo pa 'ko. Sige, mauna na 'ko," saad ni Yuki at diretso nang lumabas ng penthouse ni Alexander at sumakay ng taxi papuntang opisina.