"..As of now, we have a total of 15 five star hotels that generate a stable income quarterly.." pag-rereport ng Head of Finance department habang tahimik namang nakikinig sa meeting si Yuki.
"quarterly? What about its monthly report? I want a hardcopy report for each hotel first thing in the morning" seryosong saad ni Alexander at tumayo na mula sa kinauupuan nitong swivel chair.
"Meeting adjourned" malamig na pagkakasabi ng amo nila at agad nang lumabas ng meeting room. Dali-dali rin namang kinuha ni Yuki ang laptop, notebook at ballpen niya bago patakbong sumunod kay Alexander pabalik sa office nito.
"Sir, reminder lang po sa lunch meeting with the Montemayor's at the Gracias Life and Resto. Pag-katapos po nun ay ang meeting sa marketing department about sa bagong product na ila-launch natin sa April," pag-papa-alala ni Yuki sa mga schedules ni Alexander na tinanguan lang naman ng amo niya habang nag-babasa ng mga papeles na nakatambak sa lamesa nito.
Okay. Naisip na lamang ni Yuki at tumango na lang rin bago nag-lakad papuntang pinto ng office.
"Yuki," tawag ni Alexander sa babae bago pa man ito makahawak sa saraduhan ng pinto.
"Yes, sir?" Tanong ni Yuki ng nakaharap jay Alexander
"Have you pack your things already?" tanong ni Alexander at nanlaki naman ang mga mata ni Yuki.
"uhm...mamaya pa po sir, pag-uwi galing sa trabaho" sagot ni Yuki.
"Alright" maikling saad ni Alexander at muli nang ibinaling ang atensyon sa mga papeles.
"uhm, sige po, balik na po ko sa trabaho" saad ni Yuki at lumabas na ng opisina ni Alexander.
Pagka-upo ni Yuki sa sarili niyang lamesa ay napa buntong-hininga na lamang siya ng maalala ang kasunduang pinirmahan niya bilang asawa ni Alexander.
"Pack your things. From now on you'll be living with me," naalala na naman ni Yuki ang sinabi ng amo at hindi nito mapigilang mamula ang mga pisngi.
Huwag kang O.A Yuki, magpapanggap ka lang namang asawa ni sir Alexander.
Paalala ni Yuki sa sarili niya at tumango-tango.
"Yuki?" biglaang pag-tawag sa kanya ni Eli.
"Ha?" tanong ng dalaga.
"Saan ka mamaya kakain mag-lunch? Sabay na tayo" pag-yaya ni Eli pero agad namang napa-iling ng ulo si Yuki.
"May meeting si Sir Alexander eh kaya dun ako sasama mamaya. Baka mapagalitan ako 'pag di ako sumama. Sorry friend, bawi na lang ako sa lunes," sagot ni Yuki.
"Ay ano ba yan. Sige na nga basta libre mo ha" pabirong saad ni Eli na tinanguan naman ni Yuki habang natatawa.
"Oo na basta sa karinderya lang ha" saad ni Yuki at napa ikot na lang ng mata si Eli.
"Kuripot" sabi ni Eli kaya natawa na lang si Yuki pero bago pa man siya makapag-salita ay tumunog na ang intercom sa lamesa niya, hudyat na pinapatawag siya ni Alexander.
"Back to work" Pabulong na sabi ni Yuki at tumango na lang si Eli sa kanya habang si Yuki naman ay tumayo at muling bumalik sa opisina ni Alexander.
Kumatok si Yuki sa pinto at hinintay ang pahintulot ni Alexander bago pumasok.
"Come in" pumasok naman si Yuki at sinarado ang pinto.
"Sir? May kailangan po ba kayo?" tanong ni Yuki.
"Make a presentation with regards to the company's mission and vision, financial goal, and offers that will be shared later with the Montemayor's. You'll be doing the report later. The operation manager had an emergency and cannot do the report so you do it," saad ni Alexander na ikina-gulat naman ni Yuki.
"Sir? Para po yan sa meeting sa mga Montemayor?" tanong ni Yuki
"Did I stutter, Yuki?" tanong naman pabalik ni Alexander sa kanya kaya agad namang umiling si Yuki.
"No, sir. I-I will do it," saad ni Yuki.
"Good. Here are the documents you'll need," saad ni Alexander at itinuro ang isang salansan ng mga papeles. Napa-ngiti na lang ng pilit si Yuki at kinuha ang sandamakmak na mga papeles at tumango.
"Okay po" sagot ni Yuki at lumabas na ng opisina ni Alexander at diretsong nag-tungo ng lamesa niya. Pagka-upo pa lang niya ay agad na niyang inunat ang mga daliri at binuksan ang kanyang laptop tsaka sinimulan na ang pag-gawa ng report.
Lumipas ang ilang oras at halos mag-a-alas dose na at tamang-tama lang din ay natapos na si Yuki sa report na inatas sa kanya ni Alexander.
Nag-bukas ang pinto ng opisina ni Alexander at lumabas ito na bitbit ang itim na coat nito habang suot-suot naman nito ang isang puting blouse na nakatiklop hanggang sa siko nito.
"Let's go" maikling saad ni Alexander at diretsong nag-tungo sa elevator kaya dali-dali namang binitbit ni Yuki ang laptop at ang kanyang bag tsaka sumunod sa amo.
Nang mag-sara ang pinto ng elevator ay tanging katahimikan lang ang bumabalot sa kanilang dalawa sa loob hanggang sa basagin ito ni Alexander sa isang maikling tanong.
"Did you finish the report?"
"Yes, Sir. Nai-print ko na rin po yung mga kopya para sa mga Montemayor mamaya" sagot naman ni Yuki na tinanguan lang ni Alexander.
Muli na naman silang nabalot sa katahimikan hanggang sa magbukas na ang elevator at diretsong nag-tungo sa sasakyan ni Alexander. Hindi na nag-hintay pa si Yuki na pag-buksan siya ng pinto ng amo dahil sanay naman na siyang hindi siya pinagbubuksan ng pinto nito.
Nang maka pasok na ng kotse si Alexander agad nanlaki ang mga mata ni Yuki ng bigla na lamang inilapit ni Alexander ang mukha sa dalaga, agad namang napa-pikit ng mga mata si Yuki, iniisip na baka hahalikan siya ng amo at napansin naman ito ni Alexander kaya napa-ngisi na lang ito ng palihim at napa-iling habang inaabot ang seatbelt ni Yuki at inayos ito.
Mga ilang segundo pang naka-pikit si Yuki pero wala pa ring lumalapat sa labi niya kaya unti-unti ay napadilat ito at nakita si Alexander na naka-titig lang sa kanya.
"Expecting something?" tanong ni Alexander at agad namang napaayos ng upo si Yuki habang umiiling at namumula ang mga pisngi.
"W-Wala sir ah" sagot ni Yuki at iniwas ang tingin nito sa amo na napa ngisi na lang ulit at pinaandar na ang sasakyan.
Tahimik lamang silang dalawa sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating sila sa Gracias Life and Resto.
"Hi! My name is Yuki Aerania Leswin. I've booked a private table for four," saad ni Yuki sa sumalubong na waitress sa kanila.
"Ah, let me check Ma'am" saad ng waitress habang pasulyap-sulyap kay Alexander na wala namang pakialam sa kanya at abala sa pag tutupi ng sleeves ng damit nito.
"Booking confirmed Ma'am. Please, follow me," saad ng waitress at naunang mag-lakad papunta sa private table na naka-book sa pangalan ni Yuki.
"Your table is over here. Please, call me if you're ready to order," saad ng Waitress habang inaabot kay Alexander ang menu at may matamis na ngiti sa lalaking walang pakialam sa kanya. Sanay na naman na si Yuki na may mga ganyang babae ang umaaligid sa amo nito kaya hindi niya na pinansin pa at inilagay na lamang ang kanyang laptop sa itaas ng lamesa at inihanda ang mga kailangan para sa business meeting nila kasama ang mga Montemayor.
"Yuki," pag-tawag ni Alexander sa sekretarya.
"Help me with this," saad ni Alexander at iniabot ang braso nito kay Yuki, pinapa-ayos ang pagkakatupi ng kanyang sleeves. Agad namang inilapit ni Yuki ang kanyang upuan at inayos ang sleeves ng amo. Laking gulat ni Yuki ng bigla na lamang ipatong ni Alexander sa tuhod niya ang kamay nito pero di niya na lang pinansin dahil sa isip-isip nito ay mas malala pa diyan ang nahawakan ng amo, namula naman si Yuki sa inisip niya at agad na pinilit ang sarili na mag-focus. Napansin ito ng Waitress at napa-nguso na lamang at umalis.
"Ayan, okay na Sir" saad ni Yuki matapos ayusin ang damit ng amo.
Maya-maya lamang ay dumating na ang mga representative ng Montemayor Corporation.
"Alexander Gregio Estefano. It's nice to meet you. I'm Rafael Montemayor, Vice President of the Montemayor Corporation," saad ng isang lalaking kasing tangkad ni Alexander. May mistisong balat at dark brown na mga mata.
"A pleasure to meet you," saad ni Alexander at nakipag-kamay kay Rafael. Nabaling naman ang tingin ni Rafael sa babaeng nakatayo sa tabi ni Alexander.
"You've got a beautiful companion. Mind introducing her?" saad ni Rafael habang may mapang-akit na mga ngiti at nakatitig kay Yuki.
"Hello, Mr. Montemayor. I'm Yuki Aerania Leswin, Mr. Estefano's secretary" pag-papakilala ni Yuki sa sarili at nakipag-kamay kay Rafael. Nang babawiin na niya ang kanyang kamay ay mahinang pinisil muna ni Rafael ang kamay ni Yuki bago binitawan. Hindi na lamang pinansin ni Yuki ang ginawa ni Rafael at binigay ang kopya ng report niya sa mga Montemayor.
Habang hindi pa dumarating ang pagkain nila ay nag-simula na si Yuki sa report na kanyang inihanda para sa investment deal nila kasama ang mga Montemayor.
Habang patuloy sa pag-report si Yuki ay titig na titig naman si Rafael sa dalaga, lalong-lalo na sa mabilog at malaking hurma ng kanyang dibdib sa loob ng blouse na suot nito.
Napansin ni Alexander ang mga tingin ni Rafael sa sekretarya niya at napa-igting na lang ang panga nito.
"...as for the financial prospects of this investment, I have placed a financial chart in your copies so you can recheck it later," saad ni Yuki at umupo na sa upuan niya. Agad namang dumapo ang kamay ni Alexander sa hita ng dalaga kaya napalingon naman si Yuki sa kanya habang medyo nanlalaki ang mga mata pero hindi siya pinansin ni Alexander at malamig ang mukha habang nag-hihintay na matapos ang meeting sa mga Montemayor.
"You've got an asset in you, Alexander" saad ni Rafael habang naka-ngisi at nakatitig kay Yuki.
"I know" malamig na sagot ni Alexander.
"Now that we have laid down everything you need to know, we will be on our way now," malamig na saad ni Alexander na ikinagulat naman ni Yuki.
Huh? Pero di pa nga kami nakakakain eh aalis na agad? Nagtatakhang tanong ni Yuki sa isipan niya pero niligpit na rin naman ang mga gamit niya.
"Oh? Leaving so soon? Sayang naman, gusto ko pa naman sanang maka-usap ang sekretarya mo, lalo na at alam kong siya talaga ang may gawa ng report na 'to" naka-ngising saad ni Rafael pero tumayo na si Alexander at binitbit na rin ni Yuki ang laptop at bag niya tsaka tumayo.
"Just send your concerns to my office," malamig na sambit ni Alexander at napasinghap na lamang si Yuki ng bigla na lamang hinablot ni Alexander ang bewang niya at hinila siya nito palapit.
"And for the record, Yuki is not just my secretary. She's also my wife," malamig at may pag-babantang sambit ni Alexander habang naka-titig kay Rafael na nagulat naman sa sinabi nito.
Bago pa man makapag-salita si Rafael ay nag-lakad na palabas si Alexander habang hawak-hawak pa rin ang bewang ni Yuki na namumula na ang mga pisngi.