*Kasalukuyan*
Nasa hapag-kainan ang lahat ng miyembro ng pamilya Estefano at kumakain ng hapunan dahil ito ang napag-kasunduan ng lahat sa bawat unang linggo ng buwan.
"Alexander, kamusta naman ang negosyo?" tanong ng ama ni Alexander na si Xyrus Estefano.
"Fine, Dad," maikling sagot ng panganay na Estefano habang kumakain. Kinamusta rin naman ni Xyrus ang dalawa pa nitong anak na mga lalaki na sina Michael at Leo.
Naka-pokus ang usapan nilang mag-ama sa negosyo ng bigla na lamang nag-salita ang nag-iisang babae sa kanilang pamilya, ang kanilang ina na si Asery Francine Estefano.
"Haays, puro negosyo naman 'yang pinag-uusapan niyo," pabulong na buntong-hininga ni Asery.
"Tama na nga 'yan. Minsan na nga lang tayo magsabay-sabay kumain eh negosyo pa rin ang pinag-uusapan niyo. Maiba nga ako," saad ni Asery at tumingin kay Alexander.
"Wala ka pa rin bang balak mag-asawa 'nak? I mean, hindi naman sa pinipilit kita pero kasi anak nasa-trenta ka na eh," sabi ni Asery at agad naman tumango si Xyrus.
"Oo nga naman Alex, ano na nga bang plano mo? May gusto ka na bang ipakilala sa amin?" tanong ni Xyrus pero hindi sumagot si Alexander na ikina gigil naman ng ama nito.
"Hey, young man! I'm asking you. What's your plan for the future? Don't tell me gusto mong tumandang binata?" tanong ni Xyrus sa anak pero di pa rin ito sumagot dahil hindi rin naman siya interesado sa pinag-uusapan.
"Kuya, sayang naman ng lahi natin kung di mo ipagkakalat diba?" naka-ngising sambit ni Michael, ang pangalawa sa tatlong anak at tagapag-mana ng pamilya Estefano.
"Shut up, Michael" malamig na saad ni Alexander pero tinawanan lang siya ng kapatid nito.
"'Nak? huwag mo naman sabihing bakla ka?" nag-aalalang tanong ni Asery na ikinatawa naman nila Michael at Leo.
"Kuya, umamin ka na," natatawang saad ni Leo, ang bunso at pangatlong tagapag-mana ng pamilya Estefano.
Naka-kunot noo na rin ang ama nila habang naka-tingin sa panganay na anak na para bang walang naririnig pero sa katunayan ay hindi lang talaga interesado si Alexander sa usapan dahil sa isip nito ay marami pa siyang kailangang unahin sa negosyo nila kesa sa pag-aasawa.
"For pete's sake Alexander! Get married already! I'm not getting any younger anymore. The least you can do is to give me a grandchild, or at least make me walk down the aisle at your marriage!" puna ni Xyrus, agad namang hinawakan ni Asery ang kamay ng asawa at tumingin sa panganay na anak.
Tsk. Isip-isip ni Alexander pero hindi rin naman niya masisisi ang mga magulang niya dahil tama nga rin naman sila at naiintindihan nito na nais talaga ng dalawa na magka-apo na kaya naman ay nag-isip si Alexander ng paraan upang maikalma ang isipan ng mga magulang, at doon niya naalala si Yuki. Kaagad siyang nakapag-isip ng solusyon sa hinaing ng mga magulang niya at kasabay nito ay ang pagpapatuloy ng maayos na pamamalakad ng kanilang kompanya.
"Don't worry, Dad. That's already a work-in-progress," saad ni Alexander habang hinihiwa ang steak sa kanyang plato.
"What?" tanong ng ama at mga kapatid nito na nagulat naman sa sinabi ni Alexander. Habang ang ina naman niya ay nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanya.
"I already have a fiance" kalmadong saad ni Alexander.
"Who!?" tanong ng buong pamilya ni Alexander. Pinunasan naman ni Alexander ang bibig niya gamit ang table napkin bago sumagot.
"Yuki," simpleng sagot ni Alexander.
"Your f*cking secretary!?" gulat na tanong ng mga kapatid ni Alexander.
"Yes" sagot ni Alexander.
"She agreed?" gulat at di makapaniwalang tanong ni Michael sa kuya nito na tumango lang sa kanya bilang sagot.
She have to. Or I'll remove her from her job and make her pay for that night. Isip ni Alexander habang pinaplano na sa isipan nito ang mga posibilidad sa kanyang plano.
Kinabukasan, gabi na ng matapos si Yuki sa mga papeles na kailangan niya isumite kay Alexander. Propesyonal pa rin ang kanyang pakiki-tungo kay Alexander pero hindi nito magawang tumingin sa mata ng amo niya dahil sa loob nito ay nahihiya siya sa nangyari sa kanila.
"Uh, sir? May kailangan pa po ba kayo? Kung wala na po, mauuna na po ako," paalam ni Yuki habang iniiwas ang tingin sa amo.
"Wait, Yuki. I need to talk to you about something important," saad ni Alexander kaya nag-takha naman si Yuki pero tumango pa rin ito.
"Okay po. Tungkol saan po?" tanong ni Yuki at tinuro naman ni Alexander ang upuan sa harapan ng lamesa nito kaya naupo naman si Yuki.
Eto na ba yung time na tatanggalin na ko sa trabaho dahil sa kab*bohan ko? kinakabahang tanong ni Yuki sa sarili habang nilalaro ang mga daliri sa kanyang hita.
"About what happened the night before," paunang saad ni Alexander kaya agad namang tumayo si Yuki at yumuko sa harapan ni Alexander.
"Sir, sorry po talaga dun sa nangyari! Hindi ko po 'yun sinadya! Sadyang t*nga lang po talaga ako at hindi nakontrol ang sarili ko. Sorry po talaga!" desperadang pag-hingi ng tawad ni Yuki habang naka-yuko.
"Yuki-" hindi pa man natapos ni Alexander ang kanyang sasabihin ay agad na muling nag-salita si Yuki.
"Sir, sorry po talaga! Huwag niyo po akong tanggalin sa trabaho ko! Kailangan na kailangan ko po ito! Please po! Promise hindi ko po yung ipagkakalat at wala rin po akong intensyon na gawin ulit yun!" naka pikit ang mga matang saad ni Yuki habang nag-mamaka-awang huwag tanggalin sa trabaho.
"I will not fire you, Yuki," sagot ni Alexander na ikinagulat at ikinatuwa naman ni Yuki. Agad naman nitong itinaas ang kanyang ulo at tumingin kay Alexander.
"Talaga po?" tanong ni Yuki.
"I will not fire you but I need you to do something for me," saad ni Alexander na ipinag-takha naman ni Yuki. Kinuha ni Alexander ang isang puting folder sa loob ng kanyang drawer at inilapag sa harapan ni Yuki. Kinuha naman ito ni Yuki at binuksan at doon nanglaki ang mga mata ni Yuki ng makita ang isang Marriage Contract document sa loob ng folder.
"In exchange for what happened, Miss Leswin, I need you to sign this. Don't worry, it's only a contractual marriage," saad ni Alexander tsaka inilipat ang pahina patungo sa isa pang kontrata kung saan naka-saad ang ilan sa mga kondisyon na kailangan sundin sa kontrata. Binasa naman ni Yuki ang kontrata.
This Marriage Contract Document is exclusive only for Yuki Aerania Leswin and Alexander Gregio Estefano as the parties involved.
The contract states the following conditions:
1. This marriage will last only for five years.
2. A minimum of 1 heir must be conceived during the time of contract.
3. Both parties are not allowed to involve themselves in any kind of relationship with the opposite s*x while the contract is still active.
4. Any demands and conditions asked by Yuki Aerania Leswin will be granted as long as it does not degrade, ruin, or have any negative impact on Alexander Gregio Estefano, the Estefano Family, and the Estefano Corporation.
5. Any violation from this contract will result in an automatic breach of contract and will be required to pay a sum amount of ₱1,000,000,000 and any additional charges required by the other party.
Pag-katapos basahin ni Yuki ang kontrata ay napatingin siya kay Alexander habang nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala.
"Sir? Nangtitrip po ba kayo?" tanong ni Yuki at agad naman sumama ang tingin ni Alexander sa kanya pero agad din namang inexplain ni Alexander ang rason kung bakit niya ito ginawa.
"My parents are pressuring me to get married and have an heir already. And in order to ease their mind and stop their nagging, I need someone to pretend as my wife and bear me an heir," saad ni Alexander at pinatong ang mga kamay sa lamesa na nagpapagitna sa kanila ni Yuki.
"And since you and I already had s*x, might as well give the offer to you. Additionally, this offer will give you a great opportunity to earn more for yourself, Miss Leswin," saad ni Alexander.
"P-Pano kapag tumanggi ako?" tanong ni Yuki.
"Then, I don't have any choice but to fire you and find another secretary. Don't forget that you still violated the rules and regulations of the company, Miss Leswin. The fact that I'm offering this to you is my generosity to you," saad ni Alexander at napanganga naman si Yuki.
Ang sama! Bakit ako yung tatanggalin sa trabaho eh lasing ako nung gabing yun? Eh pero siya yung boss kaya lugi ako. Isip-isip ni Yuki at napatingin naman sa kontrata.
any demands na hingin ko ay pwede basta hindi lanh makakasira sa reputasyon nila. Magandang offer yan pero...yung pangalawa... minimum isang anak? seryoso ba yan? tanong ni Yuki sa sarili at napakagat-labi na lang.
"s-sir? seryoso po ba yung number 2?" tanong ni Yuki at napa-kunot noo naman si Alexander.
"Don't tell me you're being shy, Miss Leswin? After all that happened?" tanong ni Alexander.
Pinag-isipan munang mabuti ni Yuki ang mga posibilidad kapag tinanggap niya ang kontrata. Hanggang sa naisipan niya na rin ang mga kondisyon na nais niyang hingiin mula kay Alexander.
"Sige sir, payag ako pero may mga kondisyon din po ako," saad ni Yuki at tumango lamang si Alexander.
"Write down your terms and conditions. I'll sign it once I've checked and approved it," sagot ni Alexander at binigyan ng blangkong papel at ballpen si Yuki.
Isinulat ni Yuki ang mga kondisyon na nais niya.
Yuki Aerania Leswin Terms and Conditions:
1. An increase in my current monthly salary as Secretary (from ₱20,000 to ₱30,000). This also means my monetary or in-kind bonuses and insurances will be retained nonetheless.
2. The other party is not allowed to force himself on me during intimate sessions.
3. Once the contract ends, the child/ children will stay with Yuki Aerania Leswin. However, a scheduled visitation is allowed and a monthly allowance for the child/children is required from the other party.
4. Any other conditions will be added in case of emergencies.
Matapos isulat ni Yuki ang mga kondisyon niya ay binigay niya ito kay Alexander at binasa naman niya ito. Maya-maya lamang ay tumango na si Alexander at pinirmahan ang mga kondisyon na hiningi ni Yuki sa kanya.
Matapos pumirma ay tumayo si Alexander at pina-photo copy ang kontrata. Ibinigay niya ang photo copy version kay Yuki at tinago ang orihinal.
"It's settled then. From now on, you are Yuki Aerania Leswin Estefano," saad ni Alexander at humakbang palapit kay Yuki.
"My wife," saad ni Alexander habang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Yuki.