Chapter 2

1673 Words
Napa buntong-hininga na lamang ulit si Yuki habang naka-upo sa kanyang lamesa at nakatulalang naka-titig sa screen ng kanyang computer. "Huy, Yuki, ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Eli, isa sa mga kaibigan ni Yuki sa Estefano Corporation. Hindi naman naka-sagot si Yuki sa tanong ni Eli dahil iniisip na naman nito kung bakit ba siya nalasing kagabi dahil sa pagkaka-alala niya ay nag-punta sila sa bar para mag-celebrate sa kanilang year end party bilang mga members ng Administrative Office na nabibilang sa mga pinamamahalaan ni Alexander. *Ang Tunay na Kaganapan Kahapon* "Sir Alexander, sama na po kayo, minsan lang naman po kaming mag-yaya eh," saad ni Tim, isa sa mga staff na hawak ni Alexander. Malamig na titig lamang ang ibinigay ni Alexander sa mga trabahador niya, at napa kamot ng ulo na lamang ito dahil ilang beses na nilang pinilit sumama ang kanilang amo ay ayaw pa rin nitong sumama. Maya-maya lamang ay dumating ang isang babaeng naka-suot ng isang black na fitted dress at pinatungan lamang ng itim na trench coat. Agad naman nabaling ang tingin ni Alexander sa babae at napa-kunot ang noo dahil ngayon niya lamang nakita si Yuki na nag suot ng ganung klaseng damit. "Yuki! Buti naman at nakarating ka na," bulong ni Eli sa kaibigan nitong si Yuki. "Sorry Eli, medyo natagalan kasi ako sa byahe eh pero nakapag pareserve na ako dun sa sinabi niyong bar buti na nga lang may natira pang VIP room eh," bulong ni Yuki. Tumango naman si Eli sa kanya at palihim na nag bigay ng senyas sa kay Yuki. Ngumuso ng palihim si Eli para ituro ang amo nila na abala sa mga papeles sa ibabaw ng office table nito. "Bakit? Ayaw bang pumayag?" Nag-tatakang pabulong na tanong ni Yuki. "Pumayag naman kaso ayaw sumama eh. Kumbinsihin mo nga si Sir Alexander," Saad ni Eli kaya napatingin naman agad si Yuki sa amo nilang walang pakialam sa kanila. "Eh huwag na lang kaya natin siyang yayain?" Tanong ni Yuki pero agad naman umiling si Eli. "Di pwedeng wala si sir, part kaya siya ng team natin tsaka malay mo diba maka-close pa pala natin si sir Alexander," nakangiting pabulong ni Eli kaya napa buntong-hininga na lamang si Yuki at tumango. "Sige, kausapin ko pero di ako sure kung mapapa-sama ko ha," sagot ni Yuki na tinanguan lang ni Eli, kaya lumapit na si Yuki sa amo nila. "Sir? Excuse me po" saad ni Yuki. "what?" malamig na tanong ni Alexander habang naka tingin pa rin ang mga mata sa mga papeles sa lamesa niya. "Ah sir gusto ko lang po sana kayong i-remind na ngayon po 'yung year end party natin," sabi ni Yuki "and?" saad naman ni Alexander na parang wala lang sa kanya kaya bumagsak naman ang balikat ng mga kasamahan ni Yuki. "Eh sir according kasi sa meeting natin nung first week of December ay lahat ng members ng Administrative Office ay dapat mag-participate sa year end party na ito" saad ni Yuki. "Yes, I know. And?" tanong naman ni Alexander at tumingin na kay Yuki pero halata pa ring hindi ito interesado. "Eh sir ikaw na lang po ang kulang at aalis na po tayo papunta sa venue," sabi ni Yuki at tinuro ang mga kasamahan nila sa Administrative Office. "I don't have to go" Saad ni Alexander. "Sir, pano naman po kami susunod sa napag-meetingan natin kung kayo pong amo eh hindi na nasunod sa napang meetingan?" tanong ni Yuki na ikina gulat naman ng lahat ng mga kasamahan nila. "Sir, a good leader must always be a good follower," dagdag ni Yuki habang si Alexander ay naka tingin lang sa kanya nang walang emosyon kaya medyo kinabahan naman ang dalaga. "pero kung ayaw niyo po talaga edi hindi ka na po namin pipilitin. Kami na lang po" agad na bawi ni Yuki sa sinabi nito. "No. You're right. I'll go with the team," sabi ni Alexander na agad namang ikinatuwa ng mga kasamahan nila. "Ayos! sasama na si sir!" masayang sabi ng iba sa mga kasamahan nila Yuki. Napangiti na lamang si Yuki at tumango sa kay Alexander. Nang makarating sa bar ay sabay-sabay na pumasok ang mga kasamahan nila Yuki sa VIP room na naka book para sa kanila. Hindi rin naman nag tagal ay inihatid na sa kanila ang kanilang mga inumin at sumsuman habang ang iba sa kanila ay humawak na ng mikropono at kumanta. Tahimik lamang na naka-upo sa gilid si Yuki sa tabi ni Eli habang nag-uusap silang dalawa at sa kabilang banda naman ng silid ay napapalibutan naman ng mga babaeng empleyado si Alexander na sunod-sunod namang nag-tatanong sa kanya pero simpleng oo at hindi lang ang sagot niya sa mga ito. "Everyone! Sinong gustong sumayaw sa baba!?" sigaw ni Steve, isa sa mga kasamahang lalaki nila Yuki. Agad namang nagsi-taas ng kamay ang halos lahat ng mga kasamahan nila Yuki at nag silabasan na papunta sa dance floor ng bar. Hinila naman ni Eli si Yuki palabas ng VIP room kaya sumama na lang din ito at nakisali sa mga kasamahan nitong sumayaw. Ilang oras din ang ginugol ng team nila sa loob ng bar. Hindi sanay si Yuki sa ganitong lugar kaya naman hindi niya nakontrol ang sarili at uminom ng maraming alak hanggang sa nalasing na ito, kagaya na rin ng iba pa nilang kasamahan na lasing na rin. Maraming mga lalaki ang naka-tingin kay Yuki dahil sa suot-suot nitong sleeveless na fitted black dress, hindi niya na sinuot ang trench coat niya at iniwan na lamang sa VIP room. Hindi rin naman maitatanggi na maganda at sadyang nakaka-akit ang hugis ng katawan ni Yuki, lalo na sa suot niyang fitted dress na mas nag-bigay diin sa bilog at malaking dibdib ng dalaga, pati na rin ang maliit na bewang nito at ang kanyang mabilog na pang-upo. Sumasayaw si Yuki sa dance floor ng bigla na lamang may lumapit na lalaki sa kanya at nakipag-sayaw din. Ngunit dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na napansin ni Yuki na hinahawakan na pala siya ng lalaki sa maseselan na bahagi ng katawan niya at patuloy lang sa pag-sayaw. Maya-maya lamang ay hinawakan na siya ng lalaki sa bewang at bumulong sa kanya. "Tara labas tayo," bulong ng lalaki "*hic* Ayaw haha" sagot ni Yuki na lasing na lasing na. "Sige na. Masikip dito eh tsaka..gusto kita masolo eh," bulong ulit ng lalaki pero umiling si Yuki kahit na lasing na. "Yoko nga *hic* magagalit si Sir Xander *hic*" saad ni Yuki habang pinipilit siyang hilahin ng lalaki palabas ng dance floor pero bago pa man sila maka alis ay may humarang na sa daan nila. "Get away from her," malamig na pagkakasabi ni Alexander habang naka tingin ng masama sa lalaking may hawak kay Yuki. Naniningkit naman ang mga mata ni Yuki sa kalasingan habang naka-tingin kay Alexander. "oh? sir!" nakangiting bati ni Yuki at bigla na lamang yumakap kay Alexander. Hindi na nito kontrolado ang sarili dahil sa alak. Agad namang hinawakan ni Alexander si Yuki sa bewang para hindi ito matumba at binigyan ng masamang titig ang lalaki bago binuhat si Yuki at dinala palabas ng bar. "Are you that stupid, Miss Leswin!?" pagalit na saad ni Alexander pero tumawa lang si Yuki sa kanya at kumapit pa ng todo sa batok nito. Ramdam na ramdam ni Alexander kung paano dumikit ang malalambot na d*bdib ng dalaga sa kanyang dibdib. "D*mn it," sambit na lamang ni Alexander at isinakay si Yuki sa sasakyan nito tsaka sumakay na rin para ihatid ito pauwi. Sa lahat kasi ng mga empleyado niyang kasama sa Administrative Office, si Yuki ang pinaka bunso. "Miss Leswin tell me where is your house? I'll drive you home," saad ni Alexander pero di na sumagot si Yuki dahil tulog na ito kaya ang naisipan na lamang ni Alexander ay mag check in na lamang sa hotel at doon hayaang magpahinga ang dalaga. Nang matanggap ni Alexander ang susi sa kwarto na kinuha niya sa hotel, ay agad niyang dinala si Yuki sa elevator ng hotel at ibinaba ito habang inaalalayan pa rin. "Yuki, wake up," saad ni Alexander habang niyuyugyog ang dalaga hanggang sa bigla na lamang itong natumba mabuti na lamang at agad itong nasalo ni Alexander. Medyo dumilat ang mga mata ni Yuki at ngumiti kay Alexander. "Hi sir *hic* alam mo...grabe ka... pati ba dito...kikita pa rin kita?" lasing na sambit ni Yuki habang pinipindot-pindot ang pisngi ng amo niya "ang daya...pati dito pogi ka pa din.." sabi ni Yuki at inilapit ang mukha sa amo niyang natigilan sa biglaang pag lapit ng mga mukha nila "lalo na to....nakakagigil...sarap kagatin.." lasing na banggit ni Yuki habang ipinupunas ang kanyang hinlakaki sa pang-ibabang labi ni Alexander at sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa. Ngumiti bigla si Yuki at idiniin ang labi niya sa labi ni Alexander na nagulat naman sa nangyari. "hehe nakiss din kita *hic*" saad ng lasing na si Yuki na ang buong akala ay panaginip lang ang lahat. "That's not even a proper kiss, Yuki," saad ni Alexander habang nakatitig kay Yuki. "This is how you kiss, Miss Leswin," bulong ni Alexander at muling siniil ng halik ang labi ni Yuki, mas malalim at hayok na halik. Nang tumunog ang elevator ay agad na binuhat ni Alexander si Yuki at dinala sa kwartong kinuha niya. Pagka pasok ay inihiga ni Alexander si Yuki sa kama at aalis na sana kaso ayaw siyang bitawan ni Yuki, at naka nguso pa nga ito. "Let go, Yuki. You should rest now,...or else I won't be able to hold back anymore," pabulong at nagtitimping saad ni Alexander pero mas hinila pa siya ni Yuki palapit sa kanya. Iniabot ng dalaga ang kamay ni Alexander at inilagay sa dibdib nito. "ayaw...dito ka lang...akin ka lang.." saad ni Yuki. "F*ck" pabulong na saad ni Alexander at muling hinalikan si Yuki ng malalim hanggang sa umabot na sila sa isang mainit na gabi sa loob ng nasabing silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD