Habang ang karamihan sa mga dumalo sa launching ng bagong serbisyo sa hotel nila ni Alexander ay abala sa pakikipag-halubilo sa kanilang mga kakilala at kaibigan, abala din naman sila ni Alexander at Yuki sa pag-sagot sa mga sunod-sunod na katanungan ng mga reporters na sinadyang imbitahan ni Alexander upang ma-promote ang kanilang bagong negosyo at kasama na rin rito nag pagpapa-hinto ng mga samu't saring isyu na kanyang naririnig tungkol kay Yuki at sa relasyon nilang dalawa.
"Mr. Estefano, totoo ba ang sinabi niyo kanina sa speech ninyo na si Ms. Leswin ay iyong asawa?" tanong ng isang reporter na para bang hindi pa rin makapaniwala sa inanunsyo ni Alexander.
"Why would I lie about something important such as my wife?" malamig na sagot ni Alexander na halatang hindi interesado sa mga tanong ng mga reporters at napansin ito kaagad ni Yuki kaya ngumiti na lang si Yuki.
"Pasendya na kayo, Hindi lang talaga namin gustong ipa-alam sa publiko kasi hindi naman namin iniisip na kailangan, Pero gaya nga ng sabi ng asawa ko kanina ay hindi kami pumapatol sa mga tsismis pero kapag patungkol na ito sa aming dalawa, sa pamilya namin, o sa kompanya ng mga Estefano ay kailangan namin itama ang tsismis," saad naman ni Yuki habang naka-ngiti ng pormal.
Mas lalong humigpit ang pagkaka-hawak ni Alexander sa bewang ng kanyang sekretarya dahil sa sinabi nito at inilapit pa ang mukha upang bumulong sa tenga ng babae.
"How long will this last?" tanong ni Alexander at halos napapigil hininga naman si Yuki ng maramdaman ang mainit na hininga ng amo sa kanyang leeg.
"About three more minutes?" pabulong na sagot naman ni Yuki at ngumiti kay Alexander para hindi mahalata ng media na naiinip na ang amo niya.
"tsk" sagitsit ni Alexander pero hindi na lang ito pinansin ni Yuki at iniba na direksyon ng topic para sa mga reporters.
"Anyway, it would be our honor if the news about The Sovereign Collection could spread far and wide in the news. Your reports will be a great help for our business to increase its reach and be more accessible to our target audiences..." panimula ni Yuki habang naka-pokus lang ang mga mata ni Alexander sa sekretarya nitong nakikipag-usap ng pormal at may talino sa mga reporters.
Samantala, habang abala si Yuki sa pag-sagot ng mga katanungan mula sa mga reporters, at si Alexander naman ay abalang nakatitig lang sa kanya ay hindi nila napapansin ang isang pares ng mga matang masamang naka-titig sa kanilang dalawa, lalong-lalo na kay Yuki.
How could a mere secretary be your wife, Alex? It's unbelievable. You're way out of her league. saad ng babae sa isipan nito habang mahigpit na naka-hawak sa wine glass nito. Agad din namang inubos ng babae ang wine na iniinom at ipinatong ang baso sa tray ng dumaang waiter. Pagka-tapos ay agad itong nag-lakad papalapit kanila Alexander.
Habang nag-lalakad ang babae palapit sa kung nasaan ngayon sila ni Alexander ay agad siyang napansin ni Alexander, lalo na at hindi rin naman maikakaila na namumukod tangi ang ganda ng babae bilang isang sikat na modelo at anak ng isa sa mga business partners ng mga Estefano.
Malagkit at mapang-akit na ngiti ang iginawad ng babae nang magka-tagpo ang tingin nila ni Alexander. Habang si Alexander naman ay agad napa-kunot noo dahil hindi niya inaakala na darating ang babae at dadalo sa launching ng bago nilang negosyo.
"Everyone, we would like to answer your questions but I believe it is time for us to proceed and meet our guests and clients so me and my wife will be going now. Please do enjoy the evening," saad ni Alexander at bigla na lamang hinila si Yuki paalis sa harap ng mga reporters at nag-lakad papunta sana sa mga magulang ni Alexander pero bigla na lamang silang hinarangan ng babaeng nakita kanina ni Alexander.
"Alex! Hi! It's been a while," sweet ang pagkaka-ngiti ng babae at lumapit pa para halikan sa pisngi, malapit sa bibig ni Alexander at agad sumama ang tingin ng lalaki sa kanya at pinunasan gamit ng panyo ang pisngi nito. Hindi naman alam ni Yuki kung anong gagawin o sasabihin sa ginawa ng babae.
"And you must be Yuki, Alex's....wife" saad ng babae na napipilitang ngumiti kay Yuki, at napansin rin naman ito agad ni Yuki dahil sa tagal na niyang sekretarya ni Alexander ay may iba't ibang klase ng tao na siyang nakasalamuha at naging eksperto na sa mga facial expressions ng mga tao sa paligid niya.
"Yes, that would be me. And you are?" tanong ni Yuki habang may pormal na ngiti sa labi.
"She's no one," malamig na pagkaka-sambit ni Alexander.
"Oh, come on, Alex, don't be like that..para namang wala tayong pinag-samahan," saad ng babae habang naka-ngiti at pabirong hinampas ang braso ni Alexander. Hindi naman t*nga si Yuki para hindi malamang nakikipag-harutan ang babae sa amo nito pero dahil sa isip-isip ni Yuki ay wala naman siyang karapatang mag-selos eh hinayaan niya lang muna ito.
"Haven't you told your..wife about me?" tanong ng babae na napa-kunot noo naman kay Yuki.
"it seems like he didn't. Well, let me introduce myself to you then," saad ng babae at humakbang palapit kay Yuki habang mapang-hamon ang ngiti bago inabot ang kamay niya.
"I'm Lizzy. Alex's ex-girlfriend," pag-papakilala ng babae. Nanlaki naman ang mga mata ni Yuki sa sinabi ni Lizzy na ex-girlfriend siya ni Alexander pero kaagad din inayos ni Yuki ang ekspresyon sa mukha niya at ngumiti kay Lizzy.
"Hello, I'm Yuki. Xander's wife," pag-papakilala rin naman ni Yuki habang may ngiting-tagumpay sa labi na para bang binibigyang-diin na siya na ang kasalukuyang babae sa tabi ni Alexander, na kahit sa isang kontrata lang ay siya pa rin ang legal na asawa. Mabilis lang ang pakikipag-kamay ng dalawa na para bang napapaso sila kapag hinahawakan ang kamay ng isa't isa.
Ngumiti lang ng pilit si Lizzy kay Yuki at agad ibinaling ang atensyok kay Alexander na hindi naman siya pinapansin.
"Alex, it seems your plan of expanding your family's business was a great success," saad ni Lizzy habang pilit inaagaw ang mga tingin ni Alexander mula kay Yuki.
"It was my wife's idea," saad ni Alexander habang hindi inaalis ang tingin kay Yuki.
Ha? Eh nag-bigay lang naman ako ng konting opinyon. Lahat naman 'to si sir Alexander ang nag-simula. Saad ni Yuki sa isip niya pero hindi na lamang siya nag-salita at lumingon kay Alexander.
Nagulat naman siya dahil sa lapit ng mukha ng amo sa mukha niya. Kusa namang napatingin ang mga mata ni Yuki sa labi ni Alexander at agad naman itong napansin ni Alexander kaya napa-ngisi na lang ito at bigla-bigla na lamang ninakawan ng isang mabilis na halik si Yuki. Nanlaki naman ang mga mata ng babae sa ginawa ng amo niya at agad namula ang mga pisngi nito lalo na at may mga tao sa paligid nila na naka-kita sa ginawa ni Alexander. Isa na rito si Lizzy na napakuyom na lang ng mga palad niya ng makita ang pag-halik ng dating nobyo sa asawa nito.
"Right...so uhm, where are tita Asery and tito Xyrus? I've missed them so much," saad ni Lizzy habang tumitingin sa paligid nila at maya-maya lang ay nakita na niya ang mga magulang ni Alexander na nag-lalakad papalapit sa kanila.
"Tita Asery! Tito Xyrus! Long time no see," malambing na pagkaka-sabi ni Lizzy at humalik sa pisngi ng mga magulang ni Alexander.
"Hello, Lizzy," pormal ang ngiti ng ina ni Alexander sa babae habang ang ama naman ni Alexander ay tumango lang kay Lizzy pero agad din namang lumipat ang atensyon ng mga magulang ni Alexander sa kay Yuki na naka-tayo sa tabi ng panganay nilang anak habang titig na titig ito sa sekretarya niya.
"ehem! Alexander," pag-tawag atensyon ni Xyrus sa anak at doon lamang napansin ni Alexander ang mga magulang kaya agad naman itong napatayo ng maayos.
"Mom, Dad," saad ni Alexander at tumango sa mga magulang habang si Yuki naman ay yumuko ng kaunti sa kanila Asery at Xyrus bilang pag-galang.
"Good evening, Mr and Mrs Estefano," pormal na pagkakasabi ni Yuki habang naka-ngiti sa dalawa. Ngumiti rin naman pabalik si Asery sa kay Yuki at humakbang papalapit rito at kinuha ang mga kamay nito tsaka binigyan ng katamtamang pisil.
"I'm glad my son finally took you as his wife," saad ni Asery na ipinag-takha naman ni Yuki pero ngumiti na lang siya rito.
"I didn't know you already had your wedding, son," saad naman ni Xyrus at tumango lang si Alexander.
"It was rushed and we both wanted a private wedding so we didn't have enough time to invite you and the others," saad ni Alexander na ipinag-takha naman ng mga magulang niya dahil pati silang pamilya ng groom ay hindi man lang naimbitahan sa kasal ng dalawa.
"Ah eh, pasensya na po kayo Mr. Estefano–" saad ni Yuki na pinutol naman agad ni Xyrus.
"Dad or Daddy Xyrus. You're my son's wife so you're part of the family now," pag-tatama ng ama ni Xyrus kay Yuki na ikinahiya naman ng babae pero ngumiti pa rin ito kay Xyrus.
"Yes po, D-Dad. Uhm, sorry po kung hindi na namin kayo naimbitahan pa, sa judge lang po kasi namin muna ginawa yung wedding at medyo nadala rin kami sa bugso ng damdamin namin kaya minadali na namin ang kasal. Pero huwag po kayong mag-alala, nag-paplano na naman po kami para sa isang church wedding," dire-diretsong pag-sasalita ni Yuki at huli na ng marealize niya ang sinabi niya at palihim itong napa-ngiwi sa mg salitang binitawan nito at lumingon kay Alexander na halos hindi na matanggal ang ngisi sa labi nito.
"Yes. The church wedding will happen soon," pag-suporta naman agad ni Alexander habang naka-ngising naka-tingin kay Yuki.
Mag-sasalita na sana ang mga magulang ni Alexander ng naunang makapag-salita si Lizzy na hanggang ngayon ay naka-tayo pa rin pala sa likuran ng mga magulang ni Alexander at nakikinig sa usapan nila.
"Are you sure about that?" tanong ni Lizzy na naka-kuha naman sa atensyon nila ni Yuki at Alexander, pati na rin ng mga magulang nito.
"Are you sure you want to pursue a church wedding with this girl?" tanong ni Lizzy habang nakaturo ang daliri kay Yuki.