“LOOKS like all turned out well right?” nakangiting sabi ni Yuuji kay Coffee. nakatayo sila malapit sa isang cottage. Papalubog na ang araw at nag-wrap up na ang photoshoot ng Young and Free para sa araw na iyon. ang mga staff at ilang modelong guest ay nagsipag lusong sa tubig. Ang iba ay nakaupo sa buhanginan at masayang nanonood sa mga lumalangoy. Nilingon niya si Yuuji. “Yep. Kaunting push na lang magkaka happy ending na si Risha at George,” sangayon niya. Sa buong maghapon na iyon, habang humahanap ng scoop ay nagastang kupido siya. Habang may shoot kanina ay nakita niyang tahimik lamang na nagmamasid si George kay Risha at mukhang balak na lang tiisin ang selos kaysa ang lapitan ito. Kaya ang ginawa niya ay binigyan niya ito ng encouraging words para kumilos. Na siyang ginawa nit

