“WOW, ang sosyal naman pala ng beach resort ni Mr. Calma,” hindi napigilang bulalas ni Coffee habang iginagala ang paningin sa paligid ng Calma Beach Resort, ang resort na pag-aari ng kaibigan ni Yuuji na si George. “Oo nga eh. Ang swerte dahil malaki ang natipid namin sa venue,” sang-ayon ni Mandy. “At makakatulong pa kayo para magkaroon ng happy ending ang love story ni Risha at George,” dugtong niya. “Have you met him?” curious na tanong ni Mandy. Ngumisi siya. “Yep. And he’s a very serious man. But he has difficulty in telling what he feels. Kaya nga tutulungan ko siya dahil obvious naman na mahal na mahal niya si Risha,” excited na sagot niya. “Pero bakit ganyan ang outfit mo Coffee? Parang may pinagtataguan ka na ewan,” sabi ni Mandy at kunot noong tumingin pa sa kanya. Napatik

