“SO? WHAT do you think your doing?” pukaw sa kanya ni Ace na tila walang balak umalis sa puwesto nito sa likuran niya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba. Hindi niya alam kung natatakot ba siya rito o kung ano man. Basta, mabilis ang t***k ng puso niya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. “U-uuwi na,” mahinang sagot niya. “Without telling me? At alam mo naman siguro kung anong oras na.There is no way I would let you go at this time. Baka nakakalimutan mong babae ka at maraming masasamang loob sa paligid,” anito sa tonong nanenermon. Bigla siyang natigilan. Tama ba ang pakahulugan niya sa sinasabi nito? Concerned ito sa kanya? Parang lalo yatang nagrigodon ang dibdib niya sa naisip niyang iyon. Huminga siya ng malalim. “May kailangan kasi akong tapusing article nawala sa isip ko.

