NAPALUNOK si Coffee habang nakatitig sa mukha ni Ace. Hindi niya alam kung pagsisisihan niya o hindi na bigla siyang lumingon. Malay ba niyang lumapit pala ito sa kanya at sa paglingon niya ay ilang pulgada lang ang magiging layo ng mukha nila sa isa’t-isa. Bigla niya tuloy naalala ang halik na pinagsaluhan nila kanina sa tapat ng pinto ng unit nito. Bagay na nakalimutan na nga niya nang dahil sa kotse niya, pero heto at bigla na naman niyang naalala. At bakit ba hindi gumagalaw si Ace para lumayo sa kanya kahit kaunti lang? Bigla na naman tuloy nagrigodon ang t***k ng puso niya. And despite the dim light, she was sure there was a tiny smile on his lips,as if he was enjoying her discomfort. Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa bintana para mapalayo ang mukha niya rito dahil mukhang wala

