HINIHINGAL pa si Coffee nang makarating sa venue ng photoshoot ng clothing line na Bench. Maaga naman siyang nagising at kung tutuusin ay hindi naman traffic. Ang kaso ay hindi iilang beses na naghingalo ang makita ng sasakyan niya kaya ang tagal bago siya nakarating doon. Marami nang tao ang naroon. Karamihan ay mga pamilyar na mukha sa kanya. Ang mga modelo ay nakaayos na. Sa dami ng tao roon ay agad na huminto ang tingin niya sa isang lalaking nakatalikod sa panig niya. Kausap nito si Emannuel Pelayo, isa ring modelo. Naka tight fitting jeans ang nakatalikod na lalaki at walang pang itaas. May kulay pulang checkered na tela na nakapaikot sa mga braso nito. At kahit hindi ito humarap, alam niya kung sino iyon. Si Ace. Ilang araw na ba nang huli niya itong makita? Mag-iisang linggo na

