ALAS SINGKO na ng hapon natapos ang shoot. Pagkatapos niyang mag-interview sa mga personality na naroon ay dumeretso na siya sa parking lot. Wala na siyang iba pang pupuntahan sa araw na iyon kaya uuwi na siya. Nakapasok na siya sa loob ng kotse niya at handa na para umalis nang bigla siyang matigilan. Ayaw magstart ng kotse niya! Muli niyang sinubukang i-start iyon pero ayaw talaga. Umugong lang iyon pero hihinto rin agad. Napaungol siya. Kaya pala kumakarag karag na ito kaninang papunta siya roon. Dapat pala dineretso na niya iyon sa kasa kanina pa. “Pambihira naman,” usal niya. Muli niyang sinubukang paandarin iyon pero ayaw talaga. Hanggang sa sumuko na siya. Iiling-iling na binitbit na lang niya ang mga gamit niya at lumabas. Pinaalalahanan niya ang sarili na kailangan niyang tuma

