Chapter 1:Pighati at Pagsubok
Dinala na si mama sa hospital ng mga araw na yun,diko alam Kung ano gagawin ko ng mga panahong yun medyo bata pa kc ako.
kasama ako papunta na kami sa hospital ng Candelaria Quezon (Nursery Hospital)
Na iconfine na din si Mama,ako Lang nag isang nagbabantay sa kanya wala kc ung mga kapatid ko meron ng mga asawa ang ate at kua ko :'(
lumipas ang mga araw andun parin kami ni mama,ng merong isa sa aming mga kapitbahay na bumisita sa hospital
Aling Nena:Oh Kamusta na ho kayo
Mama:okay lng naman Mare Medyo okay na pakiramdam ko(sambit ni mama)
Aling Nena :Kumain na ba kayo
(tumango lng si mama at tsaka nag paalam na si Aling Nena)
Napaisip ako sandali sa sinabi ni mama, kc nagsinungaling sya na kumain na
Mahina na si Mama,mag isa lng ako sa hospital si tatay kc nanghihingi ng tulong, para sa bayaran ng hospital,
4 days na kami sa hospital na yun
Nang sabihin ng Doctor na Hindi na nila Kaya si Mama (nakakaiyak bubuhos ang luha ko)
Kinagabihan Kinausap ni mama si tatay bumisita sya sa hospital
Tatay:di ka na nila Kaya sabi ng Doctor dadalhin ka na namin ng memorial hospital (malungkot na sabi ni tatay)
Mama:Hindi si mama pumayag (umiling lng sya)
Nakikita ko kung gaano kasakit ung nangyayaring samin
Pero Hindi natinag si tatay nag pumilit parin si tatay para gumaling si Mama
Kinagabihan dumating na ang ambulansya ng Memorial hospital kabado ako habang umiiyak sa tabi ni Mama kasama si tatay ng nasa Candelaria Hospital pa kami okay pa si Mama ng dumating na sa Lucena Hospital di na sya nagsasalita ,nilagyan na lng sya ng swero tapos tinurukan :'(
Naiinis ako sa mga nurse kc kapag humihingi ako ng tulong tinatawanan lng nila ako 3 days na ang nakakalipas andun parin kami nakapikit lng si mama di rin sya kumakain at nagsasalita binisita din sya ng ate ko,pero wala naman naitulong si ate para kc ako yung panganay aligaga ako para bilhin ung gamot ni mama, sa sobrang taas ng building takbo ako sa hingal pabalik balik :'(
Kinabukasan umalis nun si tatay bawal kc madaming bantay isa lng ang pwede
Ako lng mag isa nung mga panahong yun sa tabi ni mama July 11,2009 tinitingnan ko si mama ng makita kong umiyak sya tapos wala ng paghinga,(mama, mama ang sigaw ko:'( tiningnan ko ulit sya pero wala ng buhay ako lng mag isa nun natataranta ako habang umiiyak Tinawag ko na din ang mga nurse at un nga wala na syang buhay iniwan na kami ni mama:'(
Maya Maya lng Dinala na sya sa Morge kasama ko tinawagan ko na din si tatay,ng dumating na sya nanghingi sya ng tulong,para mabayaran ang hospital di kc maibuburol si Mama hanggat Hindi nababayaran ang bill ng hospital :'(