Chapter 1

306 Words
URSULA'S POV: "Ta*na mong bobo ka! Hindi mo naman sinabi sa'kin na hindi 'yon ang number ng g*go mong ex!" Inis na sigaw ko sa babaeng nasa harapan ko na ngayo'y umiiyak. "Eh, 'di mo naman tinanong." Sagot pa ng bruha habang umiiyak. "L?tche ka! Naiimbyerna ako sayo!" Inis kong sigaw at hinila ang buhok niya. "Sabi ko sayong 'wag kang magpapabuntis sa mukhang adik mong syota! Tignan mo ngayon?! Nasaan ang k*pal na g*gong 'yon ngayong buntis ka?! Wala! Tinakbuhan ka!" Panenermon ko sa kanya. "Hoy! Anak ka ng! Ang ingay mong bata ka! Magpatulog ka nga!" Reklamo ni mama at hinagisan ako ng tabo. "Lintik ka kasi, Gizelle! Susugod ka dito sa bahay namin ng ganitong oras?! 3:30 ng madaling araw para sabihing tinakasan ka ng bobo mong jowa!" Sigaw ko at biglang bumukas ang pinto, niluwa ang magaling kong kapatid na lalaki. "Hoy! At saang impyerna ka galing ha?!" Tanong ko rito at piningot ang tainga. "A-aray! Ate naman!" Daing nito. "Abat! Anong ate ha?! Anong ate?! Kuya ako! Bobo mong k*pal ka!" Sambit ko rito at binatukan. "Wag ko lang malaman-laman na ginamit mo yung naayos kong kotse ni Mr. Panot! Kung 'di babatukan talaga kita!" Dagdag ko rito. "Ma! Si at-ARAY!" Daing nito ng siniko ko ang sikmura niya. "Tama na 'yan! Mga bata kayo!" Awat ni mama at binatukan kami isa isa. "Sino nga yung natawagan mo, Ursula?" Biglang tanong ni Gizelle. "Lucifer Montereal daw." Simple kong sagot habang inaayos ang buhok ko na ikinalaki ng mata niya. "Problema mo?" Pataray kong tanong sa kanya. "Si LUCIFER?! Isa siya sa mga sikat na badboy sa Nightmare University! Napakagwapo non! Tapos! Tapos!" Sabi niya at nagsimula na namang dumakdak. "Pakelam ko sa demonyong 'yon? Matulog ka ng g*ga ka, pupuntahan natin bukas yung jologs mong jowa na adik." Saad ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD