Chapter 2

823 Words
URSULA'S POV: "Saan ba kayo pupunta ha? Ursula? At ganyan ang suot mo." Tanong ni mama habang kumakain kami. "Nay, susugurin ko 'yung jowang adik na jologs nitong si Gizelle." Sagot ko. "Ha? Yung mukhang palakang boyfriend mo, iha?" Kunot-noong tanong ni mama na ikinatawa ko ng malakas. "Opo, tita." Sagot ni Gizelle at uminom ng kape. "At bakit?" Tanong ulit ni mama. "Nay naman, kailan ka pa naging chismosa?" Tanong ni Wilbert, kapatid ko. "Tigil-tigilan mo 'ko, Berto. Nakikita mo 'tong kutsara? Isusungalngal ko 'to sa bunganga mo." Inis na sambit ni mama na ikinatawa ko. "Hoy, Bert. Saan ka galing kagabi?" Tanong ko rito. "Ah? Sa ano, at-" "Hephep! Isang ate mo, papaduguin ko 'yang bunganga mo." Pagpuputol ko rito. "Sa bahay ng kaklase ko, kuya." Agad na sagot nito. "Bahay? Sa bahay ka lang pumunta inabot ka na ng alas tres ng madaling araw? Naku, Bert! Malaman ko lang na nagbubulakbol ka sa pagaaral, ipapalamon ko sa'yo yung makina ng mga sasakyan na ginagawa ko." Sambit ko rito na ikinalunok niya. Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto at niluwa si Jack, pinsan kong bakla. "MGA BAKLA! NANALO AKO SA PAGEANT!" Matinis na sigaw nito. "Hoy! Jack! Ta*na mo! Ang aga-aga ang ingay-ingay ng bunganga mo!" Irita kong sambit dito. "Abat! Hoy! Hindi Jack ang pangalan ko! Jackie! Chaka nito!" Pataray nitong sambit sa'kin. "L*tse ka! Kaya pala hindi wala ka rito sa bahay kagabi dahil umalis ka na namang unggoy na bakla ka!" Sigaw ko rito at hinablot ang buhok. "Aray! G*ga ka! Nawawarla na naman ako sayo!" Daing nito at sinabunutan na rin ako. "Berto! Awatin mo!" Rinig kong sigaw ni mama. "G*ga ka! Bitiwan mo ang hairlalu ko!" Matinis na sigaw nito. "G*go! Lalaki ka hindi babae!" Sigaw ko at mas hinila ang buhok niya. "Mga ate na 'yan!" Awat ni Berto. Aba, k*pal 'to ah. Binitiwan ko si Jack at agad na sinapak ang mukha niya. "Ate naman!" Daing nito. "Ano?! Ano?! Anong ate ha?!" Inis kong sambit dito at ambang sasapakin ulit. "L*tse, hoy! Samahan mo 'ko, Jack. Susugurin natin si Alfred." Sambit ko rito at hinila ang kwelyo ng damit at pumunta sa adik na jowa ni Gizelle. "Aray ha! Makahila ka!" Daing ni bakla habang hinahatak ko siya. Pinagtitinginan kami ng mga chismosang kapit bahay namin. "Oh?! Tinitingin niyo?! Ngayon lang ba kayo nakakita ng mga magaganda?!" Arteng sambit ni bakla. Ilang minuto ay nakarating kami sa bahay ng jologs na jowa ni Gizelle. "Ateng, anong bahay ba ito?! Gawa sa yero!" Reklamo ni bakla. "Hoy! Jologs na adik! Lumabas ka sa mabantot niyong bahay!" Sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan nilang sobrang sira na. "Hoy! Mga p*ñeta kayong bata! Ano bang problema niyo ha?!" Sigaw ng nanay niyang si Aling Tiya na may muta pa sa mata. "G*ga ka! Ang baho ng hininga mo, mader! May muta ka pa! Chaka mo!" Reklamo ni bakla na ikinasama ng mukha ni bruha. "Ilabas mo yung anak mong jologs na adik!" Sigaw ko rito. Akmang sasabunutan ako nito ng hinablot agad ni bakla ang buhok ni bruha. "Aketch ng bahala dito, ateng! Hanapin mo si jologs baka natokhang na." Sabi ni bakla habang winawagayway ang buhok ni bruha. Agad akong umakyat sa hagdanan nilang sira-sira at pumunta sa kwarto nilang kurtina lang ang harang. Agad ko itong hinawi at nakitang may kahalikan siyang pokpok na kabayo. Ta*na, haba ng nguso. "Hoy! Ang kapal ng mukha mong k*pal ka! Binuntis mo na nga't tinakbuhan ang kaibigan ko may gana ka pang humalik ng isang kabayo!" Sigaw ko rito agad kong naagaw ang atensyon nila. "U-ursula." Kinakabahang sambit nito. Agad kong hinatak ang buhok ng baklang kabayo at hinila siya pababa. "Halika ritong malandi ka! Napakaharot mo!" Sigaw ko rito at mas hinigpitan pa ang hawak sa buhok. Umiiyak lang itong nagmamakaawa. Lumabas kami ng bahay nila at madaming mga chismosa ang nakatingin sa'min. Nakita ko sa gilid si bakla na sinasampal si Aling Tiya na walang palag sa kanya. "Ta*na mo! Ang landi mo masyado!" Sigaw ko rito at simanpal ng malakas ang mukha niya. "Lika, papaliguan kitang kabayo ka." Irita kong sambit at hinatak ang buhok niya habang pumupunta sa inaayos na kanal. Agad na nagsialisan ang mga gumagawa doon. "Bagay sayo 'to!" Sigaw ko sa kanya at hinagis siya sa kanal habang sumisigaw. "G*ga ka!" Sambit ko rito at nilublob ang mukha niya sa kanal. Matapos sa kanya ay binalikan ko si Alfred na kabado. "G*go ka! Panagutan mo si Gizelle!" Sigaw ko rito at sinuntok ang sikmura. "Ano?! Sumagot ka!" Sinuntok ko ng malakas ng mukha ni gago, puta ang sakit ng kamay ko sa sobrang kapal ng mukha niya. "P-pananagutan ko na.." nanghihina niyang sabi. "Mabuti naman." Sagot ko at muli siyang sinuntok sa sikmura. "Ateng! May tanod! Takbo ateng!" Sigaw ni bakla at tumakbo. "Ta*na mo! Hintay!" Sigaw ko rito at tumakbo ng mabilis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD