Chapter 3

770 Words
URSULA'S POV: "Ta*na mo bakla! Sabing hintayin mo 'ko!" Sigaw ko rito ng makauwi kami sa bahay. "Aba, ateng! Mawawarla ng wala sa oras ang beauty ko kapag hinintay pa kita!" Sigaw nito pabalik. Mahigit kalahating oras din namin niligaw yung mga tanod sa panghahabol sa'min. "Nasan si Gizelle, Bert?" Tanong ko sa kapatid kong nakaupo lang sa sofa. "P*t*ena! Bert!" Sigaw ko rito ng hindi man lang sumagot sa tinatanong ko. "Di ko sinasadyang masira yung kotse ni Mr. Panot!" Biglaang sigaw nito na ikinainit ng ulo ko. "ANONG SINABI MO, WILBERT HERMOSA?!" Dumagundong sa loob ng bahay ang sigaw ko na agad niyang ikinalaki ng mata. "A-ate.." Kabadong sambit ni gago na ngayo'y pinagpapawisan na. Ambang lalapit na 'ko ng inawat ako agad ni bakla. "Ateng kalma, kapatid mo 'yan si Berto. Baka mamaya mategi ang kapatid mo ng hindi ko pa nilalandi." Malanding saad ni bakla. Awit 'tong baklang 'to, napakalandi. Agad akong kumuha ng lakas at sinuntok sa mata si bakla. "ARAAAYYYY! INAAYY KO! GAGA KANG BAKLA KA! BAKIT MO JINOMBAG ANG BEAUTY KO?! CHAKA KO NA!" Matinis na sigaw ni bakla habang sapu-sapo ang matang tinamaan ko. Agad kong kinuha ang magazine at nirolyo it habang lumalapit kay Wilbert. Tang'nang 'to, ang hirap pa namang gawin yun kotse ng panot na 'yon. Ang mahal pa naman ng bili ko sa makina non. "A-ate.. s-sorry na! Inay! Si ate nambubugbog na naman!" Sigaw ni gago at tumakbo. "Hoy! L*tse ka! Berto! Ihanda mo sarili mo!" Sigaw ko rito at hinabol siya. "WHAAA! INAY! 'DI NA AKETCH MAGANDA!" Panay reklamo ni bakla. Agad kong naabutan si Berto at pinaghahampas ng magazine sa ulo. Pinagtitignan naman kami ng mga chismosang kapitbahay. "Aba! Pati ba naman kapatid mo binubugbog mo, Ursula?" Tanong ni Aling Poknat, ta*na kababaeng tao may poknat sa ulo. "Kesa naman ikaw yung bugbugin ko 'no?! Baka hindi pa kita masapak patay na agad ako sa hininga mong imburnal!" Sigaw ko rito. "Lint-ARAY! INAY NAMAN!" Sigaw ko ng hilahin ni mama yung tainga ko, ganun din kay Berto. "Mga lintik na bata kayo! Hala! Pumasok kayo sa bahay!" Sigaw niya ulit habang hinahatak kami. Doon ko lang din napansin na kasama niya para si Gizelle. Nang makapasok kami sa bahay nakita namin si bakla nagwawalling ang puta. "Hoy! Ano na namang ginagawa mo, Jack?!" Kunot-noong tanong ni mama. "Tita, JACKIE PO! Hindi JACK, mukha akong lalaki." Reklamo niya. "G*go, lalaki ka naman talaga." Sabat ko sa kanila at mas hinila pa ni mama yung tainga ko. Pabalya niya kaming binitawan ni Berto at bumaling kay Jack. "Oh? An'yare dyan sa mukha mo?" Tanong ulit ni mama. "TITA! TIIIITAAAAA!" Sigaw ni bakla at agad ding napatigil ng babatuhin siya ni mama ng tsinelas. "Isa pang sigaw mo, ipapalaklak ko 'to sa lalamunan mo." Banta ni mama kay bakla. "YAN! 'YANG ANAK MONG MAS LALAKI PA SA LALAKI! AKALAIN MO BA NAMANG JINOMBAG ANG BEAUTY KO, TITA?!" Sumbong ni bakla habang dinuduro ako. "Ganun ba? Aba dapat sinapak mo rin yung isa para maging panda na 'to si Jackie." Asar ni mama na ikinatawa namin. "Aba, tita! Ang chaka mo!" Sigaw ulit ni bakla. "Oy, nabalitaan ko na rin yung ginawa niyo kila Tiya." Patungkol ni mama sa mga binugbog namin ni bakla. "Nalaman ko kay Aling Lia." Dagdag ni mama at tumawa ulit. "Ikaw, Berto! Dahil sa ginawa mo, diretso uwi ka agad sa bahay kapag may pasok ka!" Sigaw ni mama na ikinatango ni Bert. Agad naman siyang bumaling kay bakla. "At ikaw, Jack! Naririndi na 'ko sa matinis mong boses! Bukas kapag nagsimba tayo magsuot ka ng panlalaking damit! Hindi 'yong magdredress kang bakla ka!" Sigaw ulit ni mama na ikinalaki ni bakla. Agad lumingon sa'kin si mama na nakangisi. Ta*na, mukhang alam mo ko na 'to. "At ikaw na tomboy ka, magsuot ka ng dress sa linggo!" Sigaw ni mama at tinawanan nila ako. Alang'ya, sabi na nga ba. A/N: Thanks for reading my stories, Medusa's. So for the new readers, l repeat, I'M A MAN NOT A GIRL. Welcome to my stories, new Medusa's. And please, dont chat me saying magupdate na 'ko o habaan ko ang mga update ko. Here it is, understand me also, l'm a human not a robot. Hindi lang po pagsusulat ang ginagawa ko, l'm also spending my time with my girlfriend. I'm trying my best para habaan ang mga update ko para mareach ko kahit papaano ang mga expectations niyo. Hindi rin 'to madali dahil on the spot ako nagiisip at nagsusulat ng update, so bare with me. So thanks again, enjoy reading Medusa's! Walang magkakalat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD