AVERY’s POV Pag-alis ni Caelan sa hallway, naiwan akong nakatayo, hingal na hingal, confused, at emotionally unstable. Pero bago ako makapag-step backward para umiwas, may humarang na, isang anino. Parang nilakumos ang mukha. Matalim ang tingin at naka cross-arms pa. Nakasuot ng dark shirt, at nagmamasid na tila inaakusahan akong magnanakaw sa tingin niyang iyon! Mukha pang mas cold kaysa kahapon, pero may kakaibang tension sa paligid niya. “Avery,” mahinang tawag niya sa pangalan ko. Napalunok ako ng wala sa oras. Iyong ganoong klaseng tawag nakakapang hina ng tuhod at nakakatuliro ng utak. “Sir… good morning po—” “Stop avoiding me.” Pak! Ganern agad! Walang paligoy-ligoy na akusa niya sa akin. Sino ba naman ang hindi iiwas sa kanya. Nakakatakot kaya siya! May pangarap pa ako. “Sir

