[“Avery. Garage. Now.”] ‘Yon lang ang text na natanggap ko mula kay Sir Blythe. Walang “please.” Well, sino ba naman ako para may please eh, katulong lang naman ako. Walang punctuation, hindi ko tuloy alam kung galit or kalmado. Kung may ! galit na galit na ‘yan pero kong … Nasa mood pa yan. Pero kong period, aba kabahan kana. Walang clue kung may libing na mangyayari o hindi. Napalulon ako ng laway ng wala sa oras. “Lord, kung last day ko na po, sana po may separation pay. Kay pang gamot lang ni Tiyo Crispin po sana.” Pagpasok ko sa garahe, bumuga na agad ng malamig na hangin, pero hindi kasing lamig ni Sir Blythe na nakatalikod, hawak ang wrench, kunwari may inaayos sa motor niya na sampung taon kong sweldo sigurado. Harley Davidson lang naman iyon. Naglakad ako papalapit, nangingini

