AVERY’s POV Nanigas ang buong katawan ko nang sumulpot si Sir Caelan sa pinto ng garahe na walang pasabi. Para siyang kabute na basta na lang sumulpot. Hindi naman siya galit, wala akong nababakas noon. Pero hindi rin nakangiti kaya ang hirap din spellingin ng isang ito. Juickolord! Iyong unang tingin mo sa kanya walang kuya-kuya mode. Wala na iyong warm aura niya. Hindi rin siya iyong Caelan na pa-chill-chill lang. Parang ibang Sir Caelan ang nakikita ko, hindi mawari kung ngingiti o hindi. Parang pormal na ewan. Iyong tipong “I saw something I shouldn’t have, and I’m not sure if I like it.” Ang haba na ba ng hair ko? Para akong batang nahuli pero hindi kulong. Si Sir Blythe naman nakahawak pa rin sa wrist ko, hindi pa rin bumibitaw. Pero nang makita akong napatingin kay Caelan, par

