AVERY’s POV “Avery,” halos pabulong niya, sapat lang para marinig ko. “I’m sorry sa nangyari. Akong bahala.” Napakunot ang noo ko. Hindi koa alam kung ano ang tinutukoy niya. Sadyang naguguluhan ako. “Sa ano po?” Inosente kong tanong. “Sa lahat,” simpleng sagot niya. Lalong nag isang linya ang kilay ko. Ang hirap humula sa lahat ng tinutukoy niya. “Sa ospital. Sa trabaho mo. Sa—” huminto siya saglit. Tumingin diretso sa mga mata ko. “Sa’yo.” Napaawang ang bibig ko. Ayokong mag over think. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot. “Hindi niyo po kailangang—” “Kailangan,” putol na sagot niya agad. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya na punong-puno ng emosyon. “At gagawin ko. Hindi dahil sa nangyari. But I’d love to.” May pumasok na nurse sandali,

