AVERY’s POV
“’Nak, siguraduhin mong matibay ‘yang loob mo, ha?” Paalala ni T’yang Sarah sa akin, habang iniayos ang pagkakatupi ng kumot sa kandungan ko. Naghahanda kami ng gamit ko at sasamahan niya ako papuntang Montezero Mansion. Isa sila sa pinakamayamang sa kabilang bayan. Kung saan malapit iyon sa Universidad na pinapasukan ko. Laking tuwa ko na pinayagan nila akong magpatuloy sa pag-aaral dahil ilang buwan na lang ay ga-graduate na rin naman ako.
“Ayusin mo doon. Iyang bibig mo pa naman balahura. Puro mura ang lumalabas sa bibig ko. ‘Nak mga edukado at mayayaman silang mga taon. Sa tagal ko sa kanila alam ko na ang ugali ni Donya Gabriella, mabait iyon pero istrikta.” Mahabang pangaral ni T’yang sa akin.
“Ay sus naman ang t’yang wala ba kayong tiwala sa akin. Madumi lang ang bibig ko at may ubo ang utak ko pero malinis naman ang aking pagkatao, almost.” Walang preno kong sagot. Kaya natampal na niya ang noo niya sa pabalang kong sagot.
“Panginoon ko, baka wala pang bente quatro oras tanggal kana, ‘nak naman. Pakiusap ayusin mo naman, kung hindi lang sa T'yong mo hindi naman kita pakikiusapan na mag trabaho. Gusto ko pa rin naman na makatapos ka.” Parang gusto na magsisi ni T’yang Sarah na ako ang nirekomenda niya na maging kapalit niya.
“Kalma lang kayo t’yang hindi kayo mapapahiya, masipag naman ako, at kahit anong trabaho papasukin ko. Ito na lang po ang paraan ko para makatulong sa inyo ni T’yong Crispin. Ako na po ang bahala.” Sumaludo pa ako. At humilig sa balikat niya. Napahugot na lang siya nang malalim na buntong hininga sa sagot ko.
Hanggang sa sumakay na kami ng jeep na dumaan sa kanto. Malapit lang sa highway ang bahay namin pwedeng lakarin. Katabi ko siya sa lumang jeep na binabayo ng hangin papuntang Montezero Mansion.
Napangiti ako. “Tiyang, ilang beses na po ako nag-cover ng mga toxic na issue online. Kahit trolls, kinaya ko. Ito pa kayang pagiging katulong?” biro ko, kahit ramdam kong may kabog din naman sa dibdib ko. Kilala ang mga Montezero sa buong bayan at buong bansa dahil puro mga guwapo ang mga anak nila. Hindi ko nga lang nakita.
“Hindi ito tulad ng mga content mo sa social media, Avery…” Umiling siya, tsaka marahang pinisil ang kamay ko. “Ibang klaseng pamilya ang mga Montezero. Hindi sila basta mayaman, sila ‘yong tipong kapag napatingin sa’yo, parang may x-ray vision. Mapapaisip ka kung may nagawa kang kasalanan kahit wala naman.” Napatawa ako, pero sa totoo lang, biglang sumanib ang espiritu ng kaba sa dibdib ko.
“Kunsabagay po,” pagsang ayon ko, “mas okay na ‘tong mamasukan kaysa walang mag-aalaga kay Tiyo Crispin. Ayoko namang iwan siyang mag-isa sa ospital. At tsaka… malapit na ‘yong huling taon ko sa kolehiyo. Kailangan ko ‘to.” Pagpapakalma ko sa Tiya Sarah. Ang hirap din kasi.
“Alam ko, anak. At kaya kita sinamahan.” Bumuntong-hininga siya, may lungkot sa mata. “Kung buhay lang ang mama at papa mo—”
“Tiyang,” putol ko agad, sabay ngiti. “Kaya ko ‘to. Promise. Wala ba kayong tiwala sa maganda niyong pamangkin?”
Natahimik si Tiya Sarah, pero hindi nawala ang lambing sa mga mata niya. Sa buong biyahe, halos siya lang ang salita nang salita. Ikinuwento niya ang alam niya tungkol sa mga Montezero.
“Alam mo bang may tatlong anak si Doña Gabriella? At ‘yong bunso, parang anghel sa gwapo pero Diyos ko, ‘nak, ubod ng sungit. Parang may kasalanan ang buong mundo sa kaniya!” Kabadong pag kukwento ni Tiya Sarah sa akin.
Napataas kilay ko. “Masungit? Gaano ka-sungit? Kaya ba niya ang armalite kong bibig?” Tanong ko agad.
“Yong tipong hindi nagsasalita kung hindi mahalaga. Hindi tumatawa. Hindi ngumingiti. Basta… para siyang—”
“Horror movie character?”
“Mas malala pa.” Aniya. Natawa ako nang malakas.
“Ay, perfect! Content material!”
“Hoy!” tinapik niya braso ang ko. “’Wag kang magvivideo-video doon! Bawal ang telepono habang nagtatrabaho, okay? Jusko baka makulong ka ng wala sa oras.” Pananakot niya sa akin. Napangiwi ako.
“Okay po,” sagot ko, nag peace pa ako. Pero sa loob-loob ko, may halong excitement makilala ang mga gwapo kong mga amo.
Pero habang papalapit ang jeep sa dulo ng kalsada, unti-unting nawala ang tawa ko. Napalis ang excitement ko at binundol ako ng kaba. Buwakang s**t! Bakit ako kinakabahan?
“Buti Tiyang pwede pumasok ang jeep dito?” Curious kong tanong.
“Oo naman, kilala na kasi si Manong dito. Karamihan sa mga sakay niya mga tauhan hindi ng mga Montezero kaya kilala na siya.
Nang tuluyang huminto ang Jeep sa malaking gate. Napaawang ang aking bibig. Ang taas ng gate at kulay itim pa. Parang papasok sa kuweba ni Dracula nakakatakot. Hindi basta gate. Gate na mas malaki pa sa pangarap ko.
“Diyos ko po…” bulong ko nang bumaba kami ng jeep. Napatingala ako sa sobrang taas parang langit. Hindi sa pagiging OA.
Ang nakatayo sa harap ko ay parang kinuha mula sa ibang dimensyon, isang mansion na may mala-palasyong arko, marble pillars, glass walls, at hardin na parang diniligan ng mga diwata gabi-gabi. Sa labas pa lang iyon ng bahay.
“Ano, anak?” tanong ni Tiyang Sarah. “Nalulula, no?” Tango ako nang tango. Hindi pa rin ako makapaniwala.
“Ah… medyo po…” alangang sagot ko habang nakatunganga pa rin. Medyo? Hindi. Sobra.
Sa social media, puro mansyon ng K-drama stars ang nakikita ko. Pero ito? Parang Cebu Terraza meets Beverly Hills meets fairytale.
“Sumunod ka lang sa akin, ha?” bilin ni Tiyang Sarah habang naglalakad kami papasok pedestrian gate.
Binati agad si Tiyang ng guard ng makita niya ito. Tumango naman sa akin na akala mo kilala na ako. Kaya tipid akong ngumiti at alangan mag-hi sa kay manong guard. Ni pangalan hindi ko alam.
Humigpit ang hawak ko sa strap ng lumang sling bag ko. Naiisip ko bigla si Tiyo Crispin na nakaratay sa ospital. Dahil inatake sa puso. Dahil sobra siyang napagod sa pagtatrabaho. Dahil wala siyang ibang kasama kundi kaming lang ni Tiyang. Hindi sila biniyayaan ng anak kaya anak na ang turing nila sa akin. Ang Tiyo Crispin ay kapatid ng aking Papa. Na namayapa na. Ang dahilan hindi ko alam. Ayaw naman sabihin sa akin ng mga tiyang. Kahit hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin.
Mas lalong bumigat ang loob ko. Iyong tabil ng dila ko basta na lang umurong. Nawala ang highest confidence level ko. Para kay Tiyo ito. Gagawin ko lahat.
Sa loob ng malawak na receiving hall, amoy ko agad ang mamahalin na pabango at bagong linis na sahig. Sa sobrang kintab ng tiles, puwede akong mag-selfie nang walang filter. Nakakahiyang apakan ng lumang sandal ko. Na malapit nang bumigay sa kalumaan. Pero konting tiis lang Avery.
Isang babae ang bumaba mula sa spiral staircase. Maputi, elegante. Naka-all white pantsuit. Donyang-donya ang datingan at awrahan. Sadyang katulong talaga ang hitsura ko kapag tumabi ako sa kanya. Parang nanliit ako sa aking sarili. Malinis naman ang putting t-shirt ko at lumang pantalon. Pero sa hitsura ni Donya Gabriella, basahan na itong suot ko.
May aura na parang… kung sasabihin niyang lumuhod ako, baka automatic na luluhod ang kaluluwa ko. Parang Dyosa na bumaba sa bundok ng Mount Olympus. Mga goddesses ng mga Greek.
“She’s here,” aristokratang saad ni Donya Gabriella malamig pero makapangyarihan ang boses. “Ikaw si Avery…?”
Nag-bow agad si tiyang Sarah. “Opo, Doña Gabriella. Siya po ‘yong pamangkin ko. Mataas po ang grip niya sa trabaho, masipag, responsable—”
“I see.” Pinutol siya ng Doña Gabriella sa pamamagitan ng pag-angat lang ng isang daliri nito. Lumapit ito sa akin, mataas ang tingin, parang sinusukat ako mula ulo hanggang paa.
“Magtatrabaho ka dito habang nag-aaral?” Malamig niyang tanong. Nakakatakot. Akala ko matapang na ako at balahura ang bibig. Pero ngayon parang tiklop ako. Hindi lang parang. Tiklop ako kung ganito ka ganda ang nasa harapan ko. Makinis, wala mang lang wrinkles. May filler siguro ano?
“Opo,” napayuko kong sagot, sobrang hina pero diretso. Hindi naman ako nauutal. “Huling taon ko na po sa kolehiyo. Kailangan ko lang pong matustusan ang gamot at therapy ng Tiyo Crispin ko.”
Tahimik siyang tumango. Sinipat ang mukha ko. Tila may nakita siyang hindi ko alam. Na parang sinusuri pati ang buong kaluluwa ko.
“You have kind eyes,” sabi niya bigla.
Napakurap ako. “Po?” Para akong nabibingi. Parang pinaglalaruan lang ako ng aking pandinig. Totoo ba iyon?
“You look honest. Young. Naive… but honest.” Nakataas pa ang isang kilay. Kaya napalunok ako ng wala sa oras. “Sige. I’ll take you in.” Para akong nilagyan ng spotlight sa stage. Parang nanalo sa audition.
Ngumiti si Tiyang Sarah na nasa tabi ko. Halos maiyak. Na akala mo malaking achievements ito.
“Salamat, Doña—”
“Pero.” Tumayo si Doña Gabriella nang tuwid. Malakas. Makapangyarihan iyong isang utos niya lang maiihi kana sa sobrang takot.
“At sana handa ka sa kung sino-sino ang makakasalamuha mo sa bahay na ito.” Tumigil siya sandali.
Kumislap ang mga mata. Na tila may pinaplano na ipapatay ako. Joke lang naman. Hindi naman siguro sila nangangain ng lamang loob diba? Parang banta iyon. Halos hindi ako makahinga.
“Especially my youngest son.”
“Po?” Tumango siya.
“You may dismiss. Sarah ituro mo lahat sa kanya ang dapat gawin. Siguraduhing mo alam niya lahat at hindi patanga-tanga.” Tumalikod na siya at tunog na lang ng mamahaling na sapin sa paa ang narinig ko.
Halos hindi ako makakilos. Hanggang sa kurutin ako ni Tiyang Sarah sa tagiliran. Tsaka pa lang bumalik ang ulirat ko. Parang nag fly na agad ang kaluluwa ko sa pangatlong dimensyon.
“Ikaw talagang bata ka! Umayos ka naman ‘nak. Hindi pwedeng ang ganyan.” Parang naumid ang dila ko. Iyong balahura kong bibig parang sinabuyan ng holy water at nagtawag na ng lahat ng santo at anghel hanggang kay Lucifer.