CHAPTER 2

2447 Words
AVERY’s POV NAKATAYO pa rin ako habang sinusundan ng tingin si Tiya Sarah na paalis ng mansion. Buti na lang summer break ngayon. “Ikaw ba si Avery?” Tanong ng ginang sa akin, kaya napalingon ako. “Opo ako nga po.” Magalang kong sagot. “Halika na rito at tuturuan na kita sa mga gagawin mo dito sa masyon. Ako pala si Bising.” Pagppakilala niya. Siguro mayordoma o di naman kaya ang head housekeeper na mukhang mas bata pa sa edad ng mukha niya, dahil sa sigaw ng aura niyang don’t-mess-with-me-hija. “Yes po, Manang Bising,” maagap kong sagot. Habang nakalambitin pa rin ang panga ko sa sobra-sobrang ganda ng paligid. Parang wala ako sa loob ng bahay. Para akong nasa loob ng Pinterest board. Luxurious designs gaya ng mga nasa website house design at mga magazine. Parang dapat asawa ka ng CEO o kaya naman contractor ng flood control project ng gobyerno, na kinurakot sa mga taxpayer. May mga chandelier na parang puwedeng gawing engagement content. Mga pader na ‘pag sinandal ko ang aking likod, baka singilin ako ng cleaning fee. At ang sahig? Diyos ko. ‘Pag nag-slide ako dito, baka makarating ako sa kabilang universe. “Unang rule,” malamig na saad ni Manang Bising. “Hindi ka sisigaw, hindi ka tatakbo, at hindi ka mag-iingay sa loob ng mansion.” Tumango ako. “Yes po— teka po, hindi ba rule din ‘yon sa libing?” “Ha?” Kunot noong tanong niya na tila hindi niya nakuha ang humor na iyon. Diba kapag libing o lamay bawal ang magaslaw? “Wala lang po. Ang tahimik kasi. Parang bawal huminga.” Umirap si Manang Bising. “Masanay ka.” Goodluck naman po sa madaldal kong bibig, wika ko sa aking sarili. Naglakad kami papunta sa hallway na parang runway ng Miss Universe. Ang haba. Parang tatlong libong steps bago makarating sa dulo. “Dito ang receiving area, dito ang music room, diyan ang first kitchen, doon ang dirty kitchen—” “Wait po,” putol ko. “Ilan pong kitchen meron dito? May first at may dirty… so next po ay? Clean kitchen? Medium kitchen? Kitchenette? Kitchen Supreme?” Hindi ngumiti si Manang Bising. As in zero. Parang bato. Pwede sigurong i-frame ang mukha niya at ilagay bilang warning sign. Like Bawal ang pasaway! Lalong-lalo kana Avery! “Tatlo ang kitchen,” malamig niyang sabi. “Three??” halos mapasigaw ako, nanlaki ang mga mata ko, sabay takip ng bibig dahil ≥ rule #1: bawal maingay. “Ay wow. Ako nga po, wala pang sariling rice cooker.” “Hindi mo naman kailangan malaman ang lahat ng kwarto. Hindi ka naman pupunta sa mga private areas.” “Private areas?” Tanong ko agad. Ano ‘yon may live show? Naka soundproofs? Bawal ma-istorbo? Napatigil ako. “Ibig sabihin po… makakasalubong ko ‘yong mga anak ng Doña Gabriella?” Napatingin siya sa akin na parang nagsisisi siyang dinala ako rito. “Maswerte ka kung hindi,” sagot niya. Napakamot na lang ako ng ulo. Excited pa naman ako. “Ah, gano’n po? Kasing-sungit ba sila ng sabi ni Tiyang Sarah?” Dagdag kong tanong. Curious talaga ako kung gaano kasungit. “Mas masungit.” “HA—ay sorti po.” Bawal maingay. Bawal maingay. Bawal maingay, mantra ko sa aking utak. “Makinig ka, Avery,” parang babala na agad ang tono ng boses ni Manang Bising habang huminto kami sa gitna ng hallway. “Ang mga Montezero… hindi sila tulad ng mga tao sa labas. Hindi sila palakaibigan. Hindi sila approachable. Hindi mo sila basta-basta kakausapin. Kung hindi ka nila pinapatawag.” “Okay po…” tumango-tango ako. “Pero friendly po ako. Baka ma-appreciate nila—” “Ay hindi nila ma-appreciate. Ever. Kahit konte sa pagiging friendly aura mo, hindi nila gusto.” “Paano niyo po nasabi na ayaw nila eh, hindi pa naman nila ako nakakausap.” Hirit ko. Pinaningkitan ako ni Manang Bising ng mata kaya napa-peace sign na lang ako. Napaatras ang ulo ko. “Wow. Ang saya po dito ah.” Kunwari ko baka kasi mapingot na talaga ako nito. Nagpatuloy kami sa pag-ikot. Lumabas kami sa garden; may fountain na parang kinuha sa Spanish period, may mini forest sa kanan, at may greenhouse sa likod na mas malaki pa sa buong bahay namin ni Tiyo Crispin at Tiya Sarah. “Grabe po…” bulong ko. “Kung may ganito akong garden, dito na ako magsho-shoot ng vlog every day. ‘Hi guys, welcome to my rainforest—’” “Hoy, Avery!” putol ni Manang. “Bawal ang vlogging dito.” “Opo, opo, opo,” sagot ko agad. Nahiya ako bigla. Pero okay lang yan. Katulong ako eh. Pagkatapos ng garden, bumalik kami sa loob. Dumaan kami sa library—OMG—may bookcase na mas mataas pa sa self-confidence ko. Kung may akyat-bahay na magnanakaw ng libro dito, baka maiyak sa tuwa. Habang naglalakad kami, nagtatanong ako nang nagtatanong. More like walang tigil na comment section. “Manang, ilang taon na po kayo dito?” “Manang, ilang kwarto po meron?” “Manang, totoong haunted po ba ‘to?” “Manang, sino pong pinaka-mabait na Montezero?” “Manang, totoo po bang gwapo ‘yong bunso? Sabi po kasi ni Tiyang—” “Hoy! Avery, hindi ba napapagod yang bibig mo. Rinding-rindi na ako sayo!” Tinigasan ni Manang Bising ang boses niya. Napakagat ako ng aking pang ibabang labi. Tatagal kaya ako dito? “H’wag mong banggitin ang bunsong ‘yon. At kung makita mo man siya, h’wag na h’wag kang tititig.” Parang krimen na agad ang babalang iyon. Bawal titigan? Meron bang ganoon? “Ay, bakit po? Siyokoy po? Basilisk? Baka ma-petrify ako?” Sunod-sunod ang tanong ko. Walang kapreno-preno. “Sasabihin ko lang—ayaw niya ng kahit sinong tao.” Kakatakot naman iyon. “Ahhh, baka po may ketong? Skin diseases? O kaya naman po introvert! Gets ko po. Ako rin naman po minsan—” “Hindi. Ibang level. Hindi siya introvert. Wala siyang skin disease. Ayaw niya talaga… ng tao.” Napakunot ang noo ko. May ganun??? Human ber months na bawal kausapin? “Basta iwasan mo siya,” dagdag pa ni Manang Bising. “Okay po…” kahit ayoko sana pero umokay na lang ako, kahit tumitibok nang malakas ang curiosity ko. Habang naglalakad kami pabalik sa servants' quarter, napansin kong umiilaw ang hallway sa dulo. May anino, matangkad, malapad ang balikat, at papalapit sa amin “Manang… sino po ‘yon—” “Huwag kang titingin,” mariing bulong niya. So syempre, anong ginawa ko? Exact opposite. Tumigil ako. At tumingin. Mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko habang papalapit ang aninong matangkad. Ramdam ko ang tensyon ni Manang Bising as in literal siyang tumayo nang tuwid, parang sundalong na-audit. “Avery,” bulong niya. “Wag kang—” Pero huli na. Dahil madaldal ako. Curious ako. At tanga ako minsan. Humakbang ako paharap. At boom! Nagkasalpukan kaming dalawa! “Ay! ARAY PO!” halos lumipad ang bag ko. Para akong nakabangga ng poste. Poste na may muscles. At may halimuyak na… amoy-lalaki? Amoy langis? Amoy bagong galing sa makina? Basta mabango—pero ‘yong tipong bawal i-inhale nang malalim kasi baka mabuntis ‘yong ilong ko. “Miss…” seryoso, malamig, walang kaemo-emosyon ang mga mata niya. Pero bago pa siya makapagsalita, dumulas na ang bibig ko. “AY MAMA! SINO KA?! MAGNANAKAW KA BA?!” Parang tumigil ang oras Si Manang Bising, napa “OH MY GOD!” ‘Yong lalaki sa harap ko: blank face. stone face. murder face. At ako? Parang binuhusan ng sumpa at kahihiyan. Pero teka, ang dumi ng suot niya. May grasa. May alikabok. ‘Yong puting sando niya? Well… white sana talaga, kung hindi naligo sa langis. At yung abs? Yes. May abs. At hindi cute-cute na abs ha. ‘Yong para bang pag nagkamali ako ng tingin, may lalabas na music na thud thud thud ala action movie. Napakapit ako sa aking dibdib. (Hindi dahil sa kilig, dahil muntik akong himatayin sa kaba at hiya. Promise.) “Magnanakaw daw?” malamig ulit niyang tanong, mababa, parang bass guitar. “Ah… eh… kasi po… ang dumi niyo po— I mean, hindi pong insulto ‘yon ha! As in literal lang. Para pong nanggaling kayo sa ilalim ng sasakyan—Ay hindi ko po kasi kayo kilala—tapos po bigla kayong lumabas—tapos ang itim-itim niyo po—este, yung damit niyo pala—este, grasa pala—” “Shut the f**k up!” Isang linya. Pero ramdam ko yung shhh na halos mapaluha ako. Sumimangot siya. “Ang ingay mo.” Nakabuka ang bibig ko. Sinubukan kong magsalita, pero na-pressure ako. “Sinong nagpapasaok ng tanga dito sa bahay ko?” tanong niya. “Wala bang may nasabi ng rules dito?” Sinabi nga pero kasi nagulat ako. Pero hindi ko naisatinig iyon. Pero h’wag niya naman sabihin nang ganyan! Bastos! Cold! Sexy! Ay— “Ah, sir,” sabat ni Manang Bising, halos biglang namayat sa stress in seconds. “Si Avery po—bagong katulong.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Sobrang dumi ko rin pala sa liwanag, hangin ng biyahe, pawis ng kaba, at mukha ng problemang buhay. “O… katulong?” tanong niya. “Ganyan ka ba magsalita sa magiging amo mo?” NAPATIGIL AKO. Napasinghot si Manang. Parang iiyaka na. At ako? Nalaglag ang panga ko. “Sir…?” halos hindi na sumayad ang tanong na iyon Tumayo siya nang mas tuwid, nilagay ang kamay sa bulsa ng joggers niya. Ang kapal ng braso. Parang may sinasaniban ng Spartan warrior. “Kung magnanakaw ako,” malamig niyang sabi, “bakit ako nasa loob ng bahay namin?” “Kasi po…” gutom ang utak ko. “Kasi po… marunong kayong magpanggap?” Gusto ko nang sampalin ang bibig ko. Umiwas siya ng tingin, weirdly amused pero mas sungit pa rin kaysa sa lahat ng villain sa mga teleseryeng napanood ko. “Avery,” bulong ni Manang, nanginginig. “Humingi ka ng tawad… ngayon na.” Huminga ako nang malalim, pero bago pa ako makabawi, tumingin ulit sa akin ang lalaki. “Next time,” sabi niya, “gamitin mo muna utak mo bago bibig mo.” OUCH. Ramdam ko hanggang kasu-kasuan. “Teka po—” At this point, wala na akong pakialam. Napahiya na ako, e. “Pwede namang magtanong muna kayo bago mang-insulto, ‘di ba? Nagulat lang naman ako! Sino ba namang hindi?! Ang laki ng katawan niyo, sir! Ang dumi niyo pa! Tapos biglang lilitaw kayo sa dilim ng hallway! Honestly, ako na nga dapat ‘yong hinihingan niyo ng sorry kasi muntik na akong atakihin sa puso!” Natahimik ang buong hallway. Si Manang Bising muntik nang himatayin. Putlang-putla. Ilang beses ng hinila ang damit ko. Yung lalaki… Tinitigan lang ako. Parang nagpa-palpitate ang kaluluwa ko sa intensity. “Me?” Tinuro pa niya ang sarili na. “Why the f**k I will do that?” Ang lutong ng mura. Kasing lamig ng yelo. Ang tigas. Parang troso na may abs. “Ako si Blythe Montezero,” dagdag niya. “Bunso ng pamilya. Ang taong sinabihan mo ng magnanakaw.” Napalunok ako. Natahimik ako. At napaisip: Lord… pwede bang i-restart ang buong buhay ko ngayon na? Bago pa ako makagalaw, tumalikod si Blythe at naglakad palayo, iniwan akong parang basang sisiw. Sa unang araw ko sa mansion, natutunan ko ang pinakamahalagang rule: Huwag mong unahan ng bunganga ang bunsong Montezero. Dahil mas matalim ang mata niya kaysa sa bibig mo. Hindi pa man tuluyang nawawala ang yabag ni Blythe sa hallway— WHAPAK! Tumama ang palad ni Manang Bising sa braso ko. “A-ARAY PO!” napalundag ako. “Manang, bakit—?! Hindi pa nga po kumpleto bakuna ko sa tetano—” “Avery!” halos sumabog ang ugat sa noo niya. “Bakit mo ginawa ‘yon?! Bakit mo sinigawan ang bunsong anak ng Doña Gabriella?! Diyos ko po, Panginoon naming Diyos na nasa langit—” “Kasi po… nagulat ako?” natatawa at mahinang sagot ko. “Hindi ka nagulat! Nagparamdam ka ng buong utak mo! At buong bibig mo!” “Tama po kayo doon,” tango ko. “Pero Manang Bising, totoo naman po ang sinabi ko at nakikita ng mga mata ko, amoy grasa siya, tas ang dumi niya! Sino ba namang Mayaman Deluxe Royalty ang papasok sa hallway na mukhang mekaniko galing talon ni San Juan?” Huminga nang malalim si Manang Bising, parang sinusubukang hindi mahulog sa impiyerno sa sama ng loob. “Avery. Makinig ka.” Humawak pa siya sa balikat ko, mariin pero may lambing na may halong takot. “Si Blythe… hindi mo puwedeng barahin. Hindi mo puwedeng sigawan. Hindi mo puwedeng tingnan ng diretso nang matagal.” Napapikit pa siya sa sobrang takot. “Bakit po? Baka mabato niya ako?” “Hindi. Dahil baka mawalan ka ng trabaho.” Ayon. ‘Yon talaga ang sampal. “Alam mo bang siya ang pinaka-pinapakinggan ng Doña Gabriella?” dagdag ni Manang Bising. “Siya ang nagsasabi kung sino ang dapat manatili rito at sino ang dapat lumayas. Siya ang pinaka galit kapag may ingay. At higit sa lahat, ayaw niya ng mga madaldal.” Tumigil ako. Namilog ang mata ko. At napatingin ako sa sarili kong bibig. “Eh Manang Bising…” bulong ko paiyak na. “Madaldal po ako.” Paano ang gamutan ni Tiyo Crispin kung tanggal na agad ako sa trabaho? “Ayan nga ang problema!” Umupo ako sa gilid ng hallway bench, halos mawalan ng lakas ang tuhod ko. Napahilamos ako ng aking mukha. “Diyos ko…” bulong ko. “First day ko pa lang, may mortal enemy na agad ako.” Tinapik ni Manang Bising ang balikat ko. “Hindi naman mortal enemy. Siguro… minor enemy. Parang boss sa level 2 ng video game.” Lalo akong umatungal ng iyak. Humikbi ako. “Eh mukhang final boss na siya sa itsura pa lang.” ramdam ko ang init sa mukha ko sigurado pulang-pula ang fez ko. As in literal. Mainit at nagbabaga. “Bakit namumula ka?” tanong ni Manang, nakataas ang isang kilay niya. “Ha? Ako po? Hindi po. Ano lang… naiinitan.” “Oh? Saan? Sa loob ng aircon na ‘to?” “Natatakot po akong mawalan ng trabaho.” Parang tinadyakan ako sa ideyang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD