CHAPTER 3

1716 Words
AVERY’s POV Ayon na. Nararamdaman ko na. ‘Yong hiyang hindi makalimot. ‘Yong kaba na may halong inis. ‘Yong inis na may halong… Shhhhhh Avery STOP h’wag kang mag-isip ng kalandian! NO. tumawa pa ako sa utak ko! “Hihihi,” napatawa ako nang awkward. “Na-starstruck lang po ako nang slight.” Nahihiya kong sagot. “HAH?” halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Manang Bising. “Sino? Kay Blythe?!” Napatabingi ang gilid ng bibig ko. Cringe ika nga. “Hindi po,” mabilis kong sagot. “Sa… abs niya.” “AVERY!” Parang nag echo na ang boses ni Manang Bising. “Ay joke po! Joke lang! Kayo naman hindi na mabiro. May asawa po ba kayo?” Natatawang tanong ko. Ang hirap talaga pigilan ang bibig ko. Pero hindi siya natawa. Mata pa lang niya, parang gusto na niyang semento-hin ako sa sahig. Doon—Narinig namin ang tunog ng sapatos. SLOW. STEADY. COMMANDING. Parang tumitigil ang oxygen sa loob ng lungs ko. Paglingon ko, nandoon ulit siya. Si Blythe. Nakatayo at matikas. Namumutla sa lamig ang aura. Nakasuot na siya ngayon ng itim na shirt, hindi na amoy grasa ang bango na nang sando niya, malinis man, gano’n pa rin ang impact, parang sinampal ako ng Diyos gamit ang Greek statue. Si Manang Bising agad ang yumuko. Ako naman…well, tumigil ang utak ko. Pero tuloy ang bibig. “Ay! Sir!” patay na naman ako. “Pasensya na po kanina, hindi ko po kayo kilala—akala ko po kasi—” “Tumahimik ka.” Syempre. As usual. Tinuro niya ang bag ko. “Dalhin mo ‘yan.” Nagkatinginan kami ni Manang. “Po?” Tumikhim si Blythe, nabu-buwisit ang mukha. “Dalhin. Sundan mo ako.” Napaturo ako sa sarili ko. “Ako po? Ako talaga? As in ako??” Nanlaki ang mga mata ko. Wala na agad akong trabaho? “Wala naman ibang Avery dito? May nakikita ka ba maliban sayo?” tanong niya. As in walang emosyon. “Oho nga naman…” bulong ko. Sabay kamot ng ulo ko na akala mo may kuto. Gosh! Naglakad siya palayo. Pinandilatan ako ni Manang. “Sundan mo! Bilis! At Avery—please lang—H’WAG KA NANG MAGSASALITA.” Ngumisi ako at nag thumbs up. Lalong sinamaan ako ng tingin ni Manang Bising. So, sumunod ako ng tahimik. Kalmado, and my subdued aura. Hanggang… “Sir…” hindi ko napigilan tawag sa pangalan niya. “Pwede pong itanong saan tayo pupunta?” Huminto siya. Dahan-dahang lumingon. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa na parang nag-e-evaluate kung karapat-dapat pa akong huminga. “At bakit ka nagtatanong?” Nagsalpukan ang kilay niya. Ang lakas ng t***k ng puso ko sa takot. “Kasi po… iniisip ko lang kung dapat na ba akong i-ready ‘yong… health card ko?” “Bakit mo ire-ready ang health card mo? Wala ka naman noon. Kaya ka nga namasukan na katulong diba? May HMO ka?” Pinag Diinan niya talaga ang salitang katulong. OUCH! “Meron kaya akong Health card! May bayad ako kada buwan doon noh. 250 ang contribution ng Philhealth! Tsaka tinatanong ko lang naman baka po… bugbugin niyo ako.” Hindi ko talaga mabasa ang mukha niya. Hindi ko alam ang laman ng utak niya. Para siyang hindi makapaniwala sa kabobohan na sagot ko. “I don’t hit women; I make them moan.” Malamig niyang sabi. Pero ikinalaki ng aking mga mata. Napangiwi ako nang sobrang awkward. “Moan as in ungol ho sir?” huli na para bawiin ko ang lumabas sa bibig ko. Pero nakahinga ako ng maluwag ng hindi siya nag react sa banat kong iyon. “Shut up!” Tinalikuran niya ako ulit at naglakad. Ang tambok ng pang-upo! “Ang utos ko,” dagdag niya, “simple lang.” Huminto kami sa harap ng malawak na garahe. Binuksan niya ang ilaw. Nakita ko ang anim na sasakyang may presyo na mas mataas pa sa buhay ko. “Linisin mo ‘to. Lahat.” Nalaglag ang panga ko. “At Avery,” dagdag niya, hindi lumilingon, “kapag nadagdagan ng gasgas ang alinman dito…” Napatingin siya sa akin. “Hindi ka aabot sa second day.” Ngumisi siya. Hindi mabait na ngiti. Kundi ‘yong ngiti na may halong good luck, you’re doomed. Your miserable life begins now! Haganggan sa napagtanto ko, hindi biro ang buhay-katulong. Lalo na kung si Blythe Montezero ang unang magbibigay sa’yo ng utos. “T-Teka po, sir… lahat ‘to?” Tanong ko habang nakaawang ang bibig, nakaharap sa anim na sasakyan na parang nagpa-fan meeting. Oo, anim na magagarang sasakyan na hindi basta-basta: Isang matte black SUV Isang midnight-blue sports car Isang silver classic Mustang (OMG!) Isang white luxury sedan Isang red convertible na parang sumisigaw na “GLAMOUR!” At ang pinaka-mapanakit: isang itim na kotse na parang kakalabas lang sa action movie ng Batman o di kaya naman James Bond. Nasa harap ko silang lahat at para akong nag-e-exam na hindi ko pinag-aralan. “Lahat,” sagot ni Blythe, ini-slide ang kamay sa bulsa. “Wala kang iiwan. H’wag kang papalpak. Alam mo na mangyayari sayo.” “Sir… isa lang po akong tao…Hindi ko po matatapos ito.” “Good. Hindi ko naman kailangan ng dalawa. Buti ngayon fired kana kung hindi mo matatapos yan.” Masungit ay wait erase-erase! Nag action pa ako ng erase sa invisible board sa ere. Hinawakan ko nang mahigpit ang timba at sponge na iniabot niya, habang siya naman ay tumayo sa gilid, nakataas ang kilay na parang naghihintay kung kelan ako susuko. “Kung magasgasan mo ‘yan,” dagdag niya, “mas masakit pa sa bigas ang presyo ng gasgas.” “Noted po, sir” sagot kong nanginginig pa. Sumimangot siya. “Hindi ‘to vlog, Avery.” Paalala niya. “Alam niyong vlogger ako?” Napataas ang kilay sa tanong ko na akala mo casual conversation sa pagitan ng lalaking kaibigan. “I know everything, lalo na sayo.” Walang emosyon niyang sagot. Pina imbestigahan na ako. “Sorry po,” ngumiti ako. “Reflex.” Pinanood niya ako saglit, tapos tumalikod at tulad ng laging ginagawa, naglakad palayo na parang may slow-motion wind effect. Pero hindi pa ako nakaka isang hugas sa unang kotse… BAM! Umilaw bigla ang motion sensor lamp sa taas. Nagulat ako. Natapon ko ‘yong kalahating timba. Nag-splash sa harap ng SUV. “AY! Shhhh—sorry po! Sorry po! Sorry po!” takbo ko agad papunta sa timba para takpan yung kalat. “Ano na naman ‘yan?” OH NO. Nasa likod ko na si Sir Blythe. Hindi ko man lang narinig ang yapak niya. Para siyang multo na may abs. Tinignan niya ang baha sa sahig. Tinignan niya ako. Tinignan niya ang sponge. Tinignan niya ‘yong paa niyang natuluan. Slow blink. Ako naman, mariing pumikit na lang sana ako Lord please… “Hindi ako, hindi ko po sinasadya,” halos hindi lumapat sa lalamunan ko ang paghingi ko ng dispensa. “Wala naman akong sinabing sinasadya mo,” malamig na sagot niya. “Pero bakit parang natural talent mo ang gumawa ng problema?” OUCH part 292846. Huminga ako nang malalim. “Sir, ako na po ang maglilinis. Bawi po ako, promise.” Taranta kong sabi. Nanginginig as in literal. “Better.” Tumalikod siya ulit… pero hindi lumabas ng garahe. Tumayo lang sa malayo, nakasandal sa poste, habang pinapanood niya ako. Hindi ko alam kung ako o hinihintay niya akong magkamali para tanggalin niya sa trabaho. Hindi ‘yong casual glance. As in pinapanood. Malamig, tahimik, pero alerto. Para siyang security guard na suplado. Pero mas gwapo. At mas nakakainis bakit ako kinikilig! Okay, Avery… focus. Trabaho mode. Sinimulan ko ang unang kotse, ‘yong matte black SUV. Hawak ko ang sponge. Kaliwa. Kanan. Pataas. Pababa. “Grabe naman ‘to…” bulong ko. “Parang hindi kotse, parang malaking salamin na nagmakaawa na papahiran ko ng pangarap.” Pagkakausap ko sa aking sarili na nakalimutan ko na nasa tabi lang ang guwapong si Sir Blythe. . Actually, nag-e-enjoy na ako. May rhythm. May shine. Pero… “Mali.” Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. “Ay!” napatalon ako. “Sir! Nandyan pa rin pala kayo.” Halos madulas ako. “Kanina pa ako dito two minutes ago, at naiinis ako sa ginagawa mo!” Lumapit siya. Umupo sa gilid ng hood. “Hindi gano’n dapat pagpunas mo.” Puna niya. “E paano po ba? May iba-iba pa bang paraan ng pag punas?” Ang dumi ng utak ko. “Dahan-dahan. Circular motion. Consistent pressure.” Napakurap ako. Bahagyang napaawang ang bibig ko. “…Sir, bakit parang mas marunong pa kayo sa carwash kaysa sa mga carwash?” Tumaas ang isang sulok ng bibig niya. Isang maliit. Halos hindi halata. “Syempre. Mga alaga ko ‘yan.” “Alaga??” Buwakang s**t! Akala ko jun-jun niya ang tinutukoy niya. Diba ganoon kapag nag hahanda job? Circular in motion, slowly but with consistent pressure? “Mas mahal ko pa ‘to kaysa sa karamihan ng tao.” Natameme ako. Pang pornhub na talaga ang laman ng utak k. Kasama ba ako sa “karamihan ng tao”? ‘Oo naman’. Ako na ang sumagot sa sarili kong tanong. Pero bakit parang mas masakit? “Subukan mo ulit,” utos niya. Sige. Circular. Circular. Pero… “SIR MAY BULA SA MUKHA NIYO—” Hindi ko alam anong naisip ko. Pero bigla akong lumapit. Automatic. Reflex. Tapos pinunasan ko ang bula sa pisngi niya. Mali! Sh*t! Bakit ko ginawa ‘yon?! Nahigit ko ang aking paghinga, parang tumigil ang mundo ko bigla. Sobrang lapit namin. ‘Yong amoy niyang amoy-lalaking-lalaki. ‘Yong tingin niyang matalim. ‘Yong pisngi niyang—OMG ang lambot. Tumingala siya sa akin na parang hindi makapaniwala. “Avery,” mahina niyang sabi, mababa. “P-po?” “Bakit hawak mo mukha ko?” Napatikhim ako. “Eh… may bula po kasi. Nakakairita po ‘pag may bula sa—” “Akin na ‘yan.” Pinigilan niya kamay ko at dahan-dahang tinanggal. At…hindi ko alam kung ako lang na… pero namula siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD