AVERY’s POV
NAPAKAGAT ako ng aking pang ibabang labi ng makitang pulang-pula ang mukha ni Sir Blythe.
Na binansagan ko na sa aking isip ng Mr. Sungit na Anti-Social pa.
“Pwede ba tumigil ka sa paghawak sa akin,” saway niya, pero hindi sungit ng dati. Parang bigla nag soft ang boses niya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o totoo.
“O—opo…” nauutal na bulong ko.
Tumalikod siya bigla. Hindi na ako pinansin pa. Kaya hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya. Padabog siyang umalis ng garahe. Para bang may kailangan siyang itago. Pag-alis niya, napaupo ako sa sahig.
“Tae…” bulong ko. “Crush ko na ba siya?? Really on my first day?”
Pero bago pa ako makasagot, bumalik si Blythe.
“AVERY.”
“Sir?” Napatayo ako bigla. Kinabahan ako baka narinig niya ang sinabi ko.
Tinuro niya ang timba. “Nadagdagan ng grasa ‘yong kotse ko.”
“Ay—AY SIR WAIT LANG PO—!” Nagsimula na naman ang bagong round ng Avery vs. anim na sasakyan, Level: Hard Mode. Napangi
“Okay, Avery,” bulong ko sa sarili ko habang punong-puno ng pawis ang aking noo, “anim na kotse lang ‘to. Hindi ‘to final exam. Hindi ‘to obstacle course. Hindi ‘to—”
Isang CLANG! ang tumunog. Nalaglag ang sponge. At… nakatukod ako ngayon sa hood ng midnight-blue sports car. As in half-sitting. May pa-kembot na hindi ko sinasadya.Mukha akong nagpo-pose para sa calendar ng barangay.
“Tae,” bulong ko, habang sinasalo ng dalawang palad ko ang aking sarili. “Baka kung sino maka-picture nito, mag-viral ako as ‘Katulong Gone Wild.’” Binuhat ko ulit ang sponge, pero dahil basa ang kamay ko,
Shit! Nalaglag ulit. Habang pinupulot ko iyon, napansin ko ang suot ko—'yong lumang T-shirt kong medyo maluwag sa leeg. Oh no! Medyo lumaylay siya pababa.
“Ay, huwag naman ngayon, Lord,” piping dasal ng utak ko. “Hindi pwede. May CCTV kaya dito? Naku kung mayro’n, magfa-flag agad sakaling ‘indecent exposure.’”
Sinubukan kong hilahin pataas yung neckline, pero dahil pawis at basa ako, lumuwa pa lalo.
“Avery…” mahinang hinaing at pag puputok ng butse ko na akala mo may tama sa ulo, “okay ka lang? Kasi parang hindi.” Ako rin sumagot sa komento ko sa aking sarili. Nagpatuloy ako sa pag-scrub, lumipat sa classic Mustang.
“Grabe naman ‘tong kotse,” komento ko. “Ang gwapo mo naman. Mas gwapo pa sa mga nakarelasyon ko. Actually—”
“‘Wag mong ikumpara sa ‘yo ang kotse ko.” NAPATALON AKO.
Para akong nag-one foot jump. Parang kinain ng lupa ang kaluluwa ko. Kasi nasa pinto ng garahe si Sir Blythe. Nakatayo at walang emosyon ang mga mata. Parang kakainin ako ng buhay.
Naka-cross arms. Mukhang… hindi ko alam. Napikon? Natawa? Naaaliw? Nalito? Nagising sa bangungot?
Hindi ako sure. Pero isang bagay ang sigurado: HULI NA NAMAN AKO SA KAHIYA-HIYANG SITWASYON.
“Sir! A-Ang bilis niyo naman pong bumalik!” saad ko habang pilit na pilit na hindi tumataas ang boses ko, at pilit kong hinihila pataas ‘yong neckline ng maluwang kong shirt.
Tumingin siya sa shirt ko. Sa collar, kulay, basa, pawis, sa akin. Hanggang sa bumababa ang mga mata niya sa labi ko! At bigla siyang umiwas ng tingin na parang nabulunan.
“Thirty minutes lang ako nawala,” malamig niyang sabi. “At sa thirty minutes na ‘yon… eto ang nadatnan ko?” ang lamig talaga ng boses niya. Grabe.
“Ano pong ‘eto’?” inosente kong tanong.
Tumaas ang isang kilay niya. Tapos ibinaba niya ang tingin niya… at nakita ang pagkaka-half-sit ko sa hood ng sports car. Hinila niya ang hood cover gamit ang isang kamay niya.
“Bakit… naka-upo ka dito?” Asik na tanong niya.
“Hindi po ako naka-upo. Half lang po.” Mabilis kong depensa.
“Mas lalong hindi maganda.” Gigil na gigil niyang komento na pwede na niya akong tirisin na parang kuto.
“Ay… sorry po. Nadulas kasi yung—”
“Nadulas?” Pinutol niya ang anumang sasabihin at galit na galit na inulas ang salitang NADULAS!
“O tumakas ang common sense mo?” OUCH AGAIN. Ilang beses na ba akong masampal ng grammar niya gamit ang sarcasm? Pero hindi pa tapos ang kahihiyan ko. Habang nag-aayos ako ng shirt, bigla itong LUMUWA ulit na akala mo may sariling isip! As in luwang-luwa talaga. May glimpse na BAWAL DITO!
Agad kong hinila pataas. “AY LORD WAIT LANG.” Napatakip si Blythe sa labi niya. Hindi ko alam kung pigil-tawa, pigil-sigaw, o pigil-inis sa ginawa ko.
“A-Avery,” mariin niyang sabi, hindi ako tinitingnan nang diretso. “Ayusin mo ‘yang suot mo.”
“Opo sir. Pasensya na po. Kasi po basa ako. Kasi po pinaghugas niyo po ako nang anim na kotse na may presyo na kasing taas ng pride niyo—ay wait, sorry sorry po—”
“Pssht,” tinalikuran niya ako sandali, pero nakita ko yung panga niyang umigting na. Is it good or bad? “Just… ayusin mo ‘yan.” Naglakad siya palayo, pero hindi lumayo nang sobra. Tumayo siya sa gilid, kunwari busy sa pag-check ng gamit sa workbench. Pero nakikita ko ‘yong mata niya. Hindi siya tumitingin nang diretso. Pero tinitingnan niya ako whenever he thinks I’m not looking. Gotcha!
Parang… hindi niya ako kayang i-ignore. Parang… napapansin niya ako. Parang… hindi niya maintindihan kung ano ang gagawin sa akin. Habang pinupunasan ko ‘yong convertible, narinig ko siyang bumuntong-hininga. He is annoyed sa presence ko. Parang laging conflicted ang tingin sa akin.
“Bakit ka ba ganyan?” bulong niya, akala siguro niya hindi ko marinig.
“Po??” tanong ko agad, mabilis. Nagulat siya, parang nahuli ko siyang magnanakaw ng pandesal. Pero mas hot ang pandesal niya sa tiyan.
“Wala!” Sagot niya agad. “Hindi kita kinakausap.”
“Ah. Opo.” Pero napangiti ako. Secretly. Hindi ko alam kung bakit. Nagpunta siya sa shelf, kunwaring may kinukuha. Pero hindi niya magawang magtagal sa isang lugar. Parang restless. Parang natatae o kaya naman parang inahing pusa na manganganak na ewan!
Ako naman, tuloy-tuloy sa paghugas, pero hindi mapigilang mapansin na sumilip ang tingin niya sa akin. Minsan sa mukha ko. Minsan sa buhok ko. Minsan… sa collar ko (takot? curiosity? pareho?) Hanggang sa… napalakas ang paghila ko ng hose.SWOOOSH! As in tumalsik ang tubig, diretso, sa binti ni Sir Blythe. Nag-freeze kami pareho.
Ako: “…………”
Siya: pinikit ang mata. malalim ang hininga.
“Avery…”
“Yes, sir…” tangina natapos na buhay ko.
“Isang beses pa ‘yan…” Bumukas ang mata niya. Matalim. Pero namumula ang tenga.
“…at baka ipaligo na kita sa fountain.” Nalaglag ang panga ko.
“Ay—ay—opo sir!” Tumalikod siya ulit, pero this time… Hindi siya umaalis. Hindi ko alam kung bakit, pero naramdaman ko, hindi niya lang ako binabantayan. Pinapanood niya ako. Oh my gosh! Ang OA ko lang!
Pagkatapos ng halos tatlong oras ng paghuhugas, pagpupunas, pag sisigaw ng “FINISHED!”
Pumasok ako sa back hallway, hawak ang tuwalya at basang T-shirt na hindi ko na sinubukang ayusin.
“Lord,” bulong ko. “Isang shower lang po. Tapos isang banig ng gamot. Tapos tulog. Okay na ako.”
Para akong nabibingi sa katahimikan nang buong mansyon. ‘Yong tipong kahit ipagpag ko ang tsinelas ko, may echo. Habang naglalakad ako, narinig ko ang bawat kaluskos ng paa ko. Ang aking bawat paghinga. Ang bawat pagod at reklamo ng katawang lupa ko.
Kasabay nito, unti-unting namamatay ang hallway lights, programmed pala, kaya nagdim ang paligid habang papalapit ako sa servants’ wing.
Nang biglang! May paa! May Naapakan akong ang paa.
“AY SH—!” Bago pa ako tuluyang sumubsob sa sahig… May dalawang kamay na sumalo sa bewang ko.
Mainit. Malakas. Firm. At ang amoy iyon at pamilyar na nununoot sa ilong ko—Blythe.
“Avery.” Paos na tawa niya. Isang salita lang. Pero parang naka-subwoofer. Pag-angat ko ng aking ulo, nauntog pa ako sa dibdib niya.
“AY sh—! Sir—sorry po—kasi po madilim dito—hindi ko po alam na may nakaharang—akala ko po multo—pero kayo pala—eh wait… bakit nga po pala kayo nandito?” Parang Armalite ang bibig ko
“Pwede ka bang huminga muna bago ka magsalita?” asik niyang tanong.
“Ah… sorry po.” Pero hindi ko pa rin siya magawang tingnan. Kasi… teka lang… Nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko. As in literal.
Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano. Pero hindi pa niya ako binibitawan. Dahil nakahawak siya nang gano’n… Napansin ko na mas malapit pala kami kaysa sa dapat. Mas malapit pa sa “among us impostor meeting.”
Mas malapit pa sa “holy water pls.” Mas malapit pa sa—
“Sir…” bulong ko, malat ang boses ko. “Hindi niyo po ako binibitawan.” Napatingin siya sa kamay niya.
Tapos sa akin. Tapos bigla niya akong binitiwan na parang napaso siya.
“Bakit niyo ako binitawan!” Napabagsak ang balakang ko sa semento.
“Sabi mo bibitawan kita!” Inis na inis ang boses niya sa hindi ko alam bakit. Tsaka gabi na nandito pa siya.
“Bakit kasi kayo nandito?” Napangiwi ako sasakit ng balakang ko. Anim na kotse na nga nilinis ko. Ibinagsak pa niya ako! Tumikhim siya, halatang nagre-reset ng utak.
“Bakit ka naglalakad ng ganyan?” tanong niya. “Parang mabubuwal ka na.” Pag iiba niya ng usapan. Alangan binagsak niya ako inutusan niya ako ano ini-expect niya maglalakad ako like a beauty queen?
“Kasi po pagod na pagod na ako. Nilinis ko po lahat ng kotse niyo, sir. Lahat-lahat. At hindi ko po alam kung natanggal ko yung grasa o nagmerge na siya sa kaluluwa ko. Tapos masakit ang balakang ko sa pagkaka bitaw niyo!” Hindi ko na mapigilan ang hindi mainis!