AVERY's POV
HINDI KO ALAM kung bingi ako o tama ang narinig ko. Talagang inalog ko pa ang aking tenga. Parang mali kasi.
“Kulang sa stamina,” komento niya.
“Wow sir,” bulalas ko. “Opo. Sorry nga po pala at hindi ako kotse.” Ihalintulad ba naman ako sa kotse niya.
Tumaas ang kilay niya. “Hindi ba obvious?” Sarkastikong tugon niya na may Tsk! Tsk at pailing-iling pa siya.
“Ay—wait—sorry po, hindi po insulto ‘yon—joke lang po,” natatawa ako. Pero siya wala!
“Avery.” Napatingin ako sa kanya. Madilim ang tingin niya sa akin. Parang gabi lang. Parang principal… nag-oobserve.
“Amoy langis ka.” Masangsang na nga ako. Amoy ko naman. Piningot-pingot pa niya ang ilong niya para ipamukha sa akin na mabaho ako.
“Sir naman…” napangiwi na ako. “Hindi ko naman po choice ‘yon. Hindi naman po ako nag-reapply ng ‘Gasolina No. 5’ perfume.” Taas ang kilay niya. Kumibot ang gilid ng labi niya. Parang napakagat siya sa loob ng pisngi niya. Para hindi makita ang emosyon niya at maiwasan matawa.
OMG! OMG talaga. Sumandal siya sa pader, naka-cross arms. Hindi nagsasalita. Kaya ako naman si sunga palaisipan kung may sasabihin pa siyang iba. Pero sa akin lang nakatutok ang tingin niya. Pero ni isang salita walang lumabas bibig niya. Pero pagkalipas ng ilang segundo
“Bakit ganito suot mo?” tanong niya bigla.
“Nagtrabaho po ako.”
“I mean,” turo niya sa neckline ko, “ba’t ganyan kaluwag?” Siya pa talaga ang namumula sa aming dalawa.
“Ay—sorry po—maluwag po talaga ‘to—bigay pa ng Tiyo Crispin ko. Panglalake po kasi—”
“Tighten mo,” sumabat agad siya at iniutos niya na sikipan ko daw iyon. “Bago ka may makasalubong pang iba.” Natigilan ako. Hindi ko alam kung nagalit siya, o nag-aalala. Pero may something sa tono.Hindi kasing-sungit ng dati. Baka kunwari lang talaga ito masungit eh.
“Ah… sige po,” bulong ko habang inaayos ang shirt ko. Tumingin siya saglit, tapos umiwas ng tingin.
Mabagal ang hinga. Parang may iniisip. Ang dami kung obserbasyon.
“Hindi safe kapag ganyan ka,” dagdag pa niya.
“Sir… hindi ako bata.” Hindi ko mapigilan umahon ang inis ko.
“Hindi rin ako santo.” Nanigas ako. Literally. Lumapit siya ng konti. Enough lang para maramdaman ko ang init ng hininga niya kahit malamig ang hallway.
“Next time,” sabi niya, mababa ang boses, “kung pagod ka… sabihin mo.” Hindi ko alam kung inaakit niya ako.
“Bakit—po?” Kagat labi kong tanong.
“Para sumuko kana at lumayas sa pamamahay na ito!” Savage! Akala ko pa naman. Nang-aakit. Iyon pala parang bombang banta iyon sa akin. Na willing siyang maghintay ng oras na susuko ako. Never!
Naglakad siya papalayo. Pero hindi na lumingon pa. Pakiramdam ko pinatulan ako bigla ng confidence at dila. Pero bago tuluyang lumiko sa hallway, tumigil siya.
“Avery.”
“Po?”
“You will experience worse!” Akala ko metaphorical. Pero hindi pala. Nanigas ang buong katawan ko. It was not a joke, but a threat. Napalunok. “Teka lang… bakit parang… nagsisimula na ‘tong maging delikado?”
******
Kinabukasan, maagang nagising ang kaluluwa ko. As in mas maaga pa sa alarm na sinet ko.
Gusto ko mang magpaka-zombie dahil sa pagod sa trabaho kagabi, pero hindi puwede. First breakfast ko sa mansion. First impression is power. First impression is survival. Parang bawat araw ko dito sa mansyon mahalaga kahit baka ito na ang last.
Nag-shower ako nang halos tatlong beses, one for dirt, one for grasa residue, at one para mawala ang hiya ko sa nangyari kagabi. Pero hindi pa rin nawala.
Habang nag-aayos ako, parang may podcast sa utak ko, “Act natural, Avery. Huwag kang tatawa. Huwag kang titingin sa abs. Huwag kang—”
“Hoy hija,” tawag ni Manang Bising sa pinto. “Ready ka na? Baka mauna pa sa atin ang Doña, Gabriella. Hindi pwede iyon.”
“Opo! Opo!” Natarantang sagot ko, kahit ang totoo ay busy akong binabalikan sa utak ang moment kahapon na napakalapit namin ni Sir Blythe sa hallway.
Lumabas ako wearing clean clothes, maayos, conservative, walang kaluwagan, walang pag dulas potential ika nga. Ayaw ko nang makakita si Sir Blythe ng cleavage na hindi ko naman intensyon ipakita. Pagpasok naming dalawa ni Manang Bising sa main dining hall, literal akong natigilan. Para siyang Harry Potter dining hall pero mas sosyal. Mahaba ang mesa, parang runway. Nagkakarinigan pa kaya sila pag nag uusap? O hindi talaga sila nag uusap habang kumakain. Ay sa amin hindi pwede ‘yan. May silverware na kasing kinang ng mga pangarap ko. May chandelier na siguro mas mahal pa sa buong barangay namin. Akala ko iisa lang pero pati main dining hall mayro’n din
Pero ang unang nakita ko? Not the food. Hindi ibang katulong, hindi rin si Doña Gabriella—Kundi si Blythe. Naka-upo sa dulo ng mesa. Naka-itim na sweater. Basa ang buhok. Mukhang bagong ligo. Napalunok ako ng wala sa oras. Pakiramdam ko bawal huminga kapag nasa paligid siya.
Nagkakape siya. Hindi ko alam kung babatiin ko ba o hindi.
Seryoso. At honestly… Parang hindi siya to, kasi mukhang… akala ko magiging soft na siya pero hindi pa rin?
“Avery,” kalabit at bulong ni Manang Bising sa akin. “Huwag kang tititig.”
“Opo,” sabi ko, sabay… tingin ulit. Hindi ko talaga mapigilan eh. Ano ba magagawa ko. Parang hinihila niya ang mga mata ko para tumingin sa guwapong mukha niya.
“Tumingin ka ulit,” sita niya at mariin akong kinurot. Kaya kagat labi akong ngumiwi.
“Sorry po. Hindi ko sadya. Naka-magnet kasi mukha niya.” Lumapit kami sa gilid ng mesa para ihain ang juice at fruits. Ako sana ang maglalapag ng platter sa harap ng Doña pero—
“Avery!” sigaw ni Manang sa bulong. “H’wag dyan! Hindi dyan! Sa gilid ka muna! Iwan mo sa akin!” Mariin niyang saway sa akin kaya nataranta na naman ako.
“Po? Opo po!” Nag-step back ako na parang may trap, pero medyo mabilis… kaya—
THUD. Nabangga ko ang upuan. Lahat ng nasa mesa, napatingin. Gusto ko nang maglaho sana na parang bola.
Si Blythe? Hindi gumalaw pero kita ko ang pagtagis ng bagang niya kasabay ng pagtaas ng kilay.
Yung tipong: Ayan na naman siya.
“Pasensya na po,” yuko ko. “First time ko po kasi—”
“Will consider,” sagot ng Doña Gabriella. Malunay pero mas nakakatakot iyong ganoong klase ng tono.. “Just be careful, hija.”
Kagat labi akong tumango ako. Pero hindi ako makagalaw nang maayos… kasi ramdam ko ang tingin ni Sir Blythe. Hindi buong tingin, pero sinulyapan ako na parang bitay na iyon. ‘Yong tipong tinatantsa kung mahuhulog ba ako sa sahig o ibabaon ako sa ilalim ng lupa.
Habang inihahain ang last dish, lumapit ako sa gilid niya. May kailangan akong ilapag na tray ng jam bottles. Dito nag-start ang awkward Olympics.
“Excuse me po—lalapag ko lang po—” Pero hindi ako makaabot kasi… Ang haba ng braso niya sa mesa.
Naka-rest. Malapit sa space na dapat kong paglagyan ng tray.
“Sir… excuse po…” mahinang bulong ko. Ang lakas ng kaba ko. Kasi Hindi siya gumalaw, o umimik man lang. Parang bato, statue. Parang sabi ng utak niya: Hindi ako iiwas para sa’yo. Assuming na naman ako. Huminga ako nang malalim. Nag-play pa ako ng Q and A sa utak ko.
Option A: Umikot ako (too far).
Option B: Ilapag ko kahit nakaharang braso niya (baka mabasag).
Option C: Magtiis.
Ginawa ko? I decided on my own options . “Sir… baka pwede pong paki… konting tanggal lang po ng braso.”
Finally, gumalaw siya. Dahan-dahan dinaig pa ang pagong sa sobrang bagal na akala mo slow motion Parang Napipilitan lang. Inangat niya ang braso pero lumapit lalo sa akin ang katawan niya. Napatingin ako. Bago tagpo ang mga mata namin. Gusto ko siyang tirikan ng mata. Pero napatikhim na lang ako.
Tumingin siya mula boses hanggang mukha ko. Dahan-dahan, pero sobrang seryoso. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Pakiramdam ko nasa evaluation mode siya. Parang gusto niyang sabihin: “Bakit nandito ka? At bakit bigla kitang nakikita kahit ayaw ko?” As usual it was just played inside my head.
“Ay, salamat po, sir!” sabi ko nang sobrang bilis, as I placed the tray. Masyado akong nagmamadali. Dahil baka madulas ‘yong isang bote. Iyon na nga ang nangyari dahil sa pagmamadali ko. Oh my gosh! Messenger of Death moment.
Tumilapon ang bote sa edge. Nanigas ako at parang na paralisa ang buong katawan ko. Pumikit na lang ako at hinintay ang tunog ng pagbagsak at pagka basag. Sa isang iglap mabilis kumilos ang reflex ni Sir Blythe at sinalo an bote. Namumutla akong napatingin sa kanya. Halos pigil na pigil ang aking paghinga.
Parang nasa pelikula kami everything is in slow motion.
Siya? hawak yung bote, nakahawak sa braso ko—NAKAHAWAK SA BRASO KO?! At ako? nanigas, mukha ko, parang lumalangoy sa unang kahihiyan ko for this morning.
“Avery,” mahina pero may diin niyang sabi. Ramdam ko ang coldness noon. Pinagpawisan ako ng malapot kahit ang lamig sa buong dining hall. Napatingin ako sa kamay niyang nasa braso ko. Mainit iyo at hindi niya agad binibitawan. Nang tumikhim si Doña Gabriella. Binitiwan niya rin bandang huli, biglang umiwas ng tingin.
“Mag-ingat ka,” parang warning na naman iyon. Added sa listahan ng katangahan ko. A Tone na hindi ko pa narinig sa kanya.
“Sorry po…” bulong ko. Nanginginig sa takot ang labi ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba.
“Don’t say sorry,” sabad niya. “Just… be careful.” Napatingin si Doña Gabriella. Iyong tingin na Mommy’s know best.
Mabilis akong tumalima. Tumabi kay Manang Bising na kitang-kita sa mukha niya ang sobrang takot. Parang hihimatayin na.
“Okay lang po kayo?” Tanong ko, kahit papaano nakabawi na ako. Pinandilatan niya ako at kinurot na naman ang gilid ng hita ko.
“Ikaw na bata ka ipapahamak mo na naman ako!” Kung wala siguro ang mga bosses namin dito. Napingot na ako ni Manang Bising.