Pag kaalis ko ng condominium niya ay agad akong pumara ng taxi para umuwi. Hindi ko alam pero hindi tumigil ang t***k ng puso ko hindi ko dapat maramdaman ito lalo na sa sitwasyon ko ngayon pero bakit sa dinami-dami bakit siya pa.
Bakit ikaw pa bakit??
Hindi ko maikakaila na kahit sino ay mag kakagusto sa kan'ya pero ang mahumaling sakin ay mali, lalo na sa kalagayan ko walang tatanggap sakin kahit sino....kahit pamilya niya ay isususka ako tulad lang ng mga magulang ko.
Napayuko na lang ako dahil kahit anong tagal na ng oras at araw maging ang panahon ay mananatili itong isang punit na storya para sakin. Kalahati ng buong pagkatao ko ay tinatago ito at nililihim ng sarili ko na kahit anong gawin ko hindi na ito mabubura.
Pag kadating ko dito sa condominium namin ay agad akong bumaba at nagbayad kay manong, agad akong umakyat pataas at boom buti na lang may susi ako dahil naka lock ang pinto at walang tao. Kahit isa sa kanilang dalawa ay wala pumasok ako at umupo muna sa sofa ng mag vibrate ang phone ko tinignan ko ito at message ni thea ang meron.
Message: thea
Bev kung uuwi ka wala kami ni mareng trissa may double date kasi kami eh baka gabihin na kami ok lovelotss muahh!!
Napairap na lang ako sa nabasa ko DOUBLE DATE ok haysaa no choice maliligo na ako at may nagaantay sakin bumalik. At baka pagbalik ko na katirik na mata non sa kakahintay makasuhan pa ako sa pagiging pabaya wag na lang.
After a hour tapos nako nagbaon din ako ng pamalit na damit dahil hagad naman magpabalik-balik para lang magbihis kakapalan ko na lang ang mukha ko makiligo may dala naman akong sabon at shampoo eii.
Ng ok na ay nilock ko na rin ang condominium at hinabilin kay nanay na tawagan ako pag hindi umuwi yung dalawa agad namn itong tumango kaya naman napanatag ako. Nandito narin ang kotse ko may nagdrive daw nito at sa pagkakatanda ko ay si Darwine ang nagmaneho nito dahil hinabilin ni gray ito sakanya kagabi.
Sumakay na ako at agad nagmaneho pabalik kay Gray, habang nasa byahe ay kapansin-pansin ang malaking billboard nila mom and dad still the second highest in the industries sila never failed thier self.
Napailing na lang ako at ngumiti ng mapait ako lang naman ang talunan sa family Aya eh I never felt that they give me some love or simpanty of what I done. Basta para sa kanila I just need give them a highest grade at ok na yun.
Pagkarating ko ay agad ako nagpark at bumaba at pumunta sa elevator papunta sa condominium niya third floor lang naman siya. At pagkarating ko ay hindi nakalock ang pinto katulad lang ng iwan ko to maaaring hindi tumayo ito, agad akong dumiretso sa kwarto niya.
"NANDITO NA AKO" agad lumaki ang mata ko kasi kung pano ko siya iwan kanina ay ganon parin siya ngayon "ANONG GINAGAWA MO!, HINDI KA NAG PAHINGA!" hindi ko alam pero sinigawan ko siya at dali-daling lumapit dito and s**t maiinit siya.
"ANG KULIT MO SABI KO NAMAN NA BABALIK AKO DAPAT NATULOG KA PARA BUMABA ANG INIT MO!" pero nakatingin lang ito sakin kaya naman pinainom ko muna ito ng tubig at inalalayan humiga para makatulog muna siya habang inaayos ang kumunot niya ay nagsalita ito
"B-BUMALIK KA S-SABI KO DIBA I-IINTAYIN K-KITA"mahinang sabi nito tumango ako at pinitik ng mahina ang noo nito pero ang loko tinawanan ako. Nagawa pang tumawa may sakit na nga siya
"OO BUMALIK AKO AT MAY DALA AKONG EXTRANG DAMIT. DITO AKO MAKIKILIGO AT PARA MABANTAYAN DIN KITA HANGGAT DI KA PA MAGALING OK NA" agad itong ngumiti pero parang antok na agad akong umuling at tinakpan ang mata nito "WAG MUNA IMULAT MATA MO MATULOG KANA DITO LANG AKO" at tuluyan na nga itong nilamon ng antok niya kahit ako'y kinakabahan tuwing malapit siya ay kailangan labanan para hindi ako mailang.
Agad akong lumabas ng kwarto niya at nagsaing at nagluto ng ulam na tinola kaunti lang dahil kaming dalawa lang naman ang kakain. Bago rin ako pumunta rito ay bumili na ako ng gamot sa lagnat sakit ng ulo sipon at ubo para naman di na ako baba kung may kailangan pangbilhin.
Ng matapos na ito niluluto ko ay dahan-dahan kong inilagay sa lalagyan ng may nagsalita sa likod ko kaya naman humarap ako dito juskoooo papatayin ata ako nito.
"PAPATAYIN MO BA AKO SA GULAT IKAW NA NGA ITONG GINAGAMOT PAPATAYIN MO PA AKO SA GULAT" pero ang loko ginulo ang buhok ko at umupo kaya naman hinanda ko na lang ang kakainin namin.
"MEDYO ANG BILIS MO GUMISING AHH...GUTOM KA NA SIGURO...MABUTI AT NAKAPAGLUTO NA AKO KUMAIN KANA PARA MAKAINOM KA NARIN NG GAMOT." habang naghahanda ako pero may umagaw nong dadalhin ko at siya pala agad na kumunot noo ako.
Ang kulit ng tao na ito siya ang naghanda ng tuluyan at ako naman ay tinaasan siya ng kilay, nang tapos na ito ay pinaghila pa niya ako ng upuan at nilahad ang kamay ba ibig sabihin ay umupo na ako. Naglakad ako at umupo pero ng makaupo na ito ay agad ko itong pinitik sa noo.
"ALAM MO NA DIKA PA MAGALING TAPOS TUMAYO AT NAGHANDA KANA GUSTO MO SAPAKIN KITA" pero ito'y tumawa lang at sinimulan na kumain sarap na sarap ito kaya naman ngumiti ako dahil kahit papaano may panlasa siya at may ganang kumain.
Habang nasa ganon kaming posisyon ay binasag niya bigla ang katahimikan hindi ko alam kung tama na ikwento ko kung pano nagsimula pero walang masama na ibahagi ko ito sakanya mukang mapapagkatiwalaan naman siya eh. Pero tama bang ikwento ko kung pano ako nagsimula dumumi ang pagkatao ko
"PWEDE MO BA NA IKWENTO SAKIN ANG NANGYARI SAYO BAGO KA MAGKAROON NG SCANDAL AT PANO NANGYARI YUN KUNG OK LANG " ngumiti lang ako at huminga ng malalim bago matapang na humarap sa kaniya na parang gusto kung magalinlangan pero kailangan ko rin itong sabihin dahil alam kong ligtas ako sa kanya.
"PROMISE I WONT JUDGE YOU"