Unang Kabanata
SIMULA
'Pag mahal mo, kaya mong tiisin lahat '
Hindi na maalis sa aking isipan ang mga salitang narinig ko lang naman sa nagchichismisan na magkaibigan.
Hindi ko maiwasan na kontrahin ito . Paano pag sagad na ang pasensya? Paano pag sobrang sakit na? TITIISIN pa ba? O maghahanap na lang ng iba?
Payapa lang ang buhay ko noon. Yung mga panahong hindi ko pa siya kilala. Simpleng istudyante ng Amazing Academy,-maskilala sa tawag na "nerdy".Gusto kong magalit dahil bakit pa kami kailangan pagtagpuin kung paghihiwalayin din.
"Hi darling" tumingala ako sa pinagmulan ng nakapang-aakit na boses. Si 'John Mario Rodrigo' o jomar. Typical heartthrob si jomar matangkad, Maputi, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, malamlam ang mga mata in short GWAPO plus ang Ganda ng built ng pangangatawan.
Lagi ko siyang napapansin oh scratch that- lagi ko siyang tinitignan, yes! Crush ko siya. Sino ba namang Hindi? Eh bukod sa pagiging gwapo, pangangatawan, ay may taglay din siyang pambihirang talino.
'H-hello' nauutal na wika ko.Shocks ito ang unang pagkakataon na nilapitan at kinausap niya ako kaya sobra talaga akong kinakabahan.
'I...,uhmm I'm John Mario but you can call me Jomar' he extended his arm, for shake hand.
Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ang lalaking matagal ko nang kinahuhumalingan. At nagpapakilala siya sa akin. Mahahawakan ko pa ang kaniyang mga kamay na Kay lambot.'y so laki tuday?'
" I know I-uhmm I mean I'm Maria Lorenza ' Loren' in short" I accepted his hand gosh kunpirm lambot ng hand niya hihi.
Simula noong araw na iyon ay lagi na kaming magkasama. Halos Hindi ko na namalayan ang oras sa sobrang bilis nito. Hindi ako makapaniwala na sa simpling pagpapakilala ay tuluyan na ngang magbabago ang aking buhay.
Naging parte ako ng kanilang barkada, noong una ay nakakahiya pero dahil ang babait nilang lahat ay naging komportable din ako , nakasanayan ko nang sumabay sakanila tuwing lunch, kapag may group activities ay laging sa kanila na ako gumu-grupo.
Sobrang saya nilang kasama