Chapter 6: Illuminate
'Run!'
Napadpad ako rito sa kakahuyan, sa likod ng akademya subalit ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi ako makalabas-labas dito-I mean, kanina ko pa sinusubukang tumakbo paalis at palabas dito subalit walang nangyayari.
Idagdag pa ang nakakakilabot na bulong ng taong alam kong nagtatago sa dilim. May kasama akong ibang tao rito. Pinanunood niya ako.
'Run!'
I was trying to, but still, binabalik ako rito. And I don't know how to escape this goddamn place. Nagsimula na rin akong kabahan dahil feeling ko nasasakal ako. Naninikip ang dibdib ko na hindi ko maintindihan kung bakit.
'Run!'
I did my very best to run as fast as I can, but still, I keep on returning back from where I stood lately. Nang ilibot ko ang paninging ko ay nakita kong may mga aninong nakapalibot sa akin, lima sila ayon sa bilang ko.
Lumalapit sila sa kinatatayuan ko. Nagsimulang gumapang sa katawan ko ang takot, takot na maaaring maglagay sa'kin sa kapahamakan. Kinakabahan ako sa maaari nilang gawin, subalit nang may isang metro na lang ang agwat namin ay biglang nagliwanag ang paligid at hindi nakatakas sa pandinig ko ang salitang binitawan ng isang babae bago maglaho ang lahat.
'Illuminate!'
Everything went blankly white, halos sarili ko na lang ang nakikita ko. Pagkaraan ng ilang mga segundo ay natauhan ako at nagising mula sa pagkakatulog.
"Dream," I uttered and sighed.
Nakita ko si Myrtle sa kabilang kama, she's frowning while looking at me. Napakunot-noo ako sa inakto niya.
"Are you okay? Mukhang nananaginip ka?" she worriedly asked. Bumaba siya sa kama niya at lumapit sa'kin.
"Hmm," I nodded and looked at the wall clock.
'5:30 AM'
"Anong napanaginipan mo? Alam mo bang tatlong beses kang nagsalita ng tulog? Akala ko nga sinasaniban ka ng masamang espiritu eh!"
"Totoo? Anong sinasabi ko?" I curiously asked while frowning.
"Run ka nang run kanina," she spoke.
Napakamot ako sa baba ko while reminiscing. Am I really the one who's saying those? O baka naman nagjojoke 'tong si Myrtle at tinatakot lang ako? Pero bakit naman siya magsisinungaling sa'kin?
Tinapik ko ang noo ko.
"Aish! Wala akong maalala!" inis na sigaw ko.
Tinapik niya ang balikat ko.
"It's okay, panaginip lang naman 'yon e, tara na, breakfast tayo sa cafeteria," she said cheerfully while inviting me. Matapos ko siyang tinanguan ay tsaka siya naunang naligo, tapos sumunod naman ako noong natapos na siya.
Nang matapos ako at lumabas na kami ng dorm at nagtungo sa cafeteria pero habang naglalakad kami patungo roon ay binabagabag pa rin ako ng panaginip ko.
Sino kaya 'yong babaeng nasa panaginip ko kanina? At naaalala ko pa 'yong salitang binigkas niya before everything went blank. I remember, she said, 'Illuminate'. I guess so.
"Myrtle, I think, naaalala ko 'yong binigkas ng babae sa panaginip ko," kalabit ko kay Myrtle. Kakapasok lang namin dito sa loob ng cafeteria, and everyone is busy eating their meals.
She looked at me amazingly while raising her eyebrows.
"Anong binigkas niya?" she asked.
"I-illuminate," I calmly spoke, then, suddenly the lights inside the cafeteria went off. Ang mga ilaw sa dingding ay nagsiputukan din sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nagsigawan ang lahat dahil sa pagkabigla.
"Calm down, students, maybe it's just a technical problem," paliwanag ng isang instructor.
I frowned as I looked at my palm. Surprisingly, it was glowing. Hindi ko alam kung bakit, but, one thing is for sure, nararamdaman ko ang pagdaloy ng enerhiya palabas sa katawan ko subalit huminto rin ito ng pakalmahin ko ang sarili ko.
'Did I do that?'
Napailing ako. Nope, I didn't do that. Gaya ng sinabi ng instructor ay siguro nagmalfunction na naman daw ang control system.
"Hanap ka ng mauupuan, kukuha lang ako ng makakain sa counter," alok ni Myrtle ng makapag-adjust sa pangyayari, tinanguan ko naman siya bilang pagsang-ayon.
Thankfully, may vacant seat agad akong nahanap, kaya naman ay naupo agad ako roon not knowingly na may nagmamay-ari pala sa pwesto na ito. Guess who are they?
She hemmed. I don't even know her, but you know. Upon hearing her voice, it seems like, my instinct wants me to kick her ass. Bakit ba hanggang sa panahon ngayon ay may bully pa rin?
"Excuse me? This is our seat, mind leaving?" she squealed. Pinanlakihan pa ako ng mata niya. As if she would scare me using those tiny eyes.
May mga alagad siyang kasama, actually, they're all five including herself.
"Kanina pa ako naka-upo rito, can't you see?" mahinahong usal ko.
"Are you serious? Dito kami palaging nakaupo, you know what? Girls," nilingon niya ang mga kasama niyang mukhang utusan.
"Get her away from my sight!" she ordered, tumango naman ang mga alipores niya.
'Agang sabak 'to,' isip-isip ko habang nakangisi.
Wala pa ba si Myrtle? Tagal naman. Inayos ko ang pagkakaupo ko. Nakikita ko mula sa peripheral vision ko ang nakaambang apat na babae. Gusto yata nila ng gulo.
"Ayaw mo talagang umalis?" ngitngit ng isa, maganda sana kaso mukhang totomboyin.
Umiling ako, "Not unless tapos na akong kumain," I smirked while raising my eyebrow.
They gasped and gritted in anger. Napakuyom silang apat while 'yong pangahas na leader nila ay basa likuran nila. Pinanunood kami habang nakataas ang kaliwang kilay niya. As if naman papatalbog ako sa kamalditahan niya.
"Hindi mo ba kilala itong binabangga mo?" wala akong interes na malaman ang pangalan nila isa-isa.
Muli akong umiling, grabe, ang sarap nilang inisin.
"Aba't! Hindi mo siya kilala? Siya lang naman ang kauna-unahang babaeng nakakuha ng pinakamataas na ranggo sa test, aren't you supposed to be afraid of her?" taas-kilay niyang wika.
I yawned trying to annoy them and it's very effective.
Dahil sa inis niyong isa ay nakita ko ang pagdaloy ng kuryente sa braso niya. Show off girl.
"What's happening here?" I felt relieved when Myrtle came by.
"Ewan ko sa mga 'yan," usal ko at inabot ang tray na binibigay niya sa'kin.
"Bakit inano mo ba?" pabulong na tanong sa akin ni Myrtle.
I shrugged.
Narinig ko na lang silang nagdabog pagkatapos ay umalis na. Pero bago 'yon ay nakita ko ang matalim na mata niyong leader nila.
'I am so afraid.'
Akala niya tatalab sa akin ang pagka-authoritative niya? Hell no! Pinalaki ako ni lola na lumalaban hindi lang sa kapakan ng lahat kundi pati na rin ang sarili ko. And I think, pinagtatanggol ko lang kung ano ang alam kong tama at sa hindi.
Pero mas nangingibabaw talaga sa isipan ko ang tungkol sa pagbigkas ko ng salitang 'yon kanina. Parang sasakit ang ulo ko sa kakaisip niyon. Makakain na nga lang.