Chapter 7: Ingredients
Actually, this school is not all about the different subjects that we need to learn. Since nagsimula kasi ang school ay iisang subject lang ang pinag-aaralan namin and that is History. Ewan ko lang kung 'yong experimentations ba ay part din ng subjects.
"That's all for today, class dismiss," wika ng instructor namin at nagpatiuna ng umalis.
Nang makalabas na kami ni Myrtle ay kumapit siya sa braso ko. Makalingkis naman 'tong isang 'to.
"Lab tayo ngayon," anya.
"Hmm," pagtango ko.
Subalit, hindi pa man kami nakakarating sa Lab ay may humarang na sa daraanan namin na asungot. I blew out an air up to my face in frustrations.
"We're not done yet," nakapamewang na bulalas niya.
"What's her name again?" taas-kilay kong tanong kay Myrtle.
Lumapit siya sa tenga ko at bumulong.
"Fiona," bumungisngis siya ng mahina malapit sa tenga ko covering her hands to hide her muttering.
"Pang disney," bungisngis kong mahina.
"Anong tinatawa-tawa niyo diyan, losers?" hasik niya.
"None of your business, Fiona!" I frankly replied.
Natatawa ako sa pangalan niya. Shrek might be really worry now. Paano nandito 'yong asawa niya. They're creatures from another dimension, just guessing.
"Well, I do have an unfinished business with you two," duro niya sa amin, nakangisi naman 'yong mga alipores niya.
"Dinamay mo pa ako!" hissed Myrtle.
"Of course! Your presence stinks, naaalibadbaran ako sa katauhan ninyong dalawa, especially, you," she pointed out to me.
Ayaw na ayaw ko 'yong dinuduro ako ng walang anumang rason para gawin 'yon.
I put my two hands behind my back and moved dauntlessly. Hindi ko alam na ang aga kong nayamot sa ugali ng babaeng Fiona. Naiinis ako sa kaepalan niya. Nagmumukha siyang kontrabida sa nobelang ito, at 'yon ba ang gusto niya? Then, I should invite her to be my guest.
"Stop there!" duro niya muli sa'kin. Strike two.
Hindi ko siya sinunod. Bakit sino ba siya upang sundin ko?
"I said, stop!" she screamed horribly. She created a little bit commotion around us. Everyone is watching us here in our place, pero hindi 'yon ang rason upang huminto ako sa paghakbang patungo sa kanya.
Nanatiling kalmado ang sarili ko. Isa't kalahating metro na lamang ang layo ko sa kanila, naiwan naman sa pwesto namin si Myrtle, I told her to support once this gals made something horrible.
"You know, if you really want to mess up with me, just tell me, bibigyan kita ng hindi mo malilimutang laban, but this? Sinisira mo lang 'yang pinagmamalaki mong ranggo or baka nga nagsisinungaling ka lang upang gawing panakot sa ibang estudyante," I spoke.
"What-"
"I'm not finished yet, I have one thing to say, hindi ako sanay sa mahahabang salaysayan pero pagbibigyan kita, hindi ako natatakot sa 'sang tulad mo," giit ko while raising my eyebrow.
Hindi sila makatingin sa akin ng diretso lalo na itong si Fiona. Paano e pinanunood kami ng ibang mga estudyante at parang nababahag ang buntot niya. As I could figure out, she's a popular figure but it doesn't mean na kikilalanin ko siya with that attitude?
"And if you mind, I do have a lot of works to do this morning, see you around, Fiona," I grinned.
Humakbang ako at walang takot na binangga ang kaliwang balikat niya. I did that to sway them away from my way. Daanan 'yon hindi runway.
Nang makalayo ako ay narinig ko ang mga yapak ni Myrtle. She's panting.
"Ang cool mo kanina a, ikaw ha, may tinatago ka palang coolness diyan a!" masiglang wika niya.
"Tss! It's not coolness, ang tawag dun ay astigness!" tumawa ako sa naisip ko.
"And you know what, hangang-hanga sa'yo 'yong ibang mga estudyante, and alam mo ba, may nalaman ako," she said, napatingin ako sa kanya.
"What?"
"Sikat nga 'yong Fiona na 'yon dito dahil sa kagandahan niya and many of them said na sumikat lang naman siya dahil ex niya ang isang myembro ng Alpha," kuwento niya.
We were walking towards the Laboratory pero napahinto ako nang marinig ang sinabi niya.
"At sino naman ang pumatol sa kanya?" I unbelievably asked.
She shrugged.
"E iniwan mo 'ko kaya ayon, hindi ko na narinig kong sino, but who cares, anyway? Do you care?"
"Not a chance," isinuksok ko ang dalawang kamay ko sa parehong bulsa.
Buti na lang at walang uniform policy sa dalawang linggo ng unang buwan ng klase. Maganda 'yong uniform namin pero hindi pa ako handa na magsuot muli ng skirt na above the knee na halos kita ang kalulwa ko. Napailing ako.
Pumasok kami sa Lab ng makarating kami sa pintuan nito. Hindi kami late, kararating lang din ng instructor namin.
Matapos magbigay ng instructions ang instructor ay nagsimula na kaming basahin ang nasa procedure at hindi lang 'yon. We needed to go outside to get what we need in the making of the potion we need. Healing potion daw.
"So, these are the ingredients, blue mountain flower and butterly wing," basa ni Myrtle sa hawak niyang scroll.
"Saan naman tayo kukuha niyan?" inis na tanong ko.
Nakaalis na ang karamihan at kami na lang ang naiiwan dito kaya naman ay hinawakan ko si Myrtle. I grabbed her arms toward me.
"Let's go," usal ko and in a snap ay naglaho kami. Lumitaw kami sa labas ng akademya.
"You can do that too?" manghang tanong niya sa'kin.
"Unfortunately, yes!" ngiwi ko.
"You should be happy! Kyaaah!" impit na tugon niya habang lumingkis-lingkis na naman sa braso ko.
"Why would I, blimp?" I sarcastically said.
"Maka-blimp ka naman, hindi ako tanga ha! Sakit mo magsalita ha!" kunwari naiiyak siya.
"Tss! Tara na nga, baka maunahan pa tayo ng lahat," usal ko at nakapamulsang naglakad.
"My gosh! Sabi nga pala ng instructor, kukonti lang ang mga ganon dito kaya pasensyahan daw sa walang makukuha," kagat-labing paalala niya.
"What?" hasik ko.
She shrugged.
"You should've told it to me earlier!" pinamewangan ko siya sa inis.
"E nawala sa isip ko kanina e!" inis ring sagot niya.
"Aish!" inis kong tugon.
Malawak ang floating island na ito at may mga karatig pang mga floating island sa karatig nito. Nakakamangha nga lang na hindi kami bumubulusok paibaba.
"Where's the map?" asked Myrtle.
Ikinompas ko ang kamay ko at lumitaw ang mapa na naka-scroll sa palad niya. Lumiwanag ang mukha niya dahil sa pagkamangha.
"Hindi ito ang tamang oras para mamangha, Myrtle, kailangan nating makakuha ng ingredients bago ka pa tayo mawalan kaya tingnan mo na diyan kung saan matatagpuan ang bundok na 'yon," paalala ko sabay utos.
"Heto na! Heto na!" anya at agad na hinagilap ang mapa.
Pagkaraan ng ilang mga segundo ay tsaka siya umismid.
"I think this way," turo niya sa may masukal na gubat.
"Are you sure?" I raised my eyebrow.
"Sabi North eh!" inis na hiyaw niya.
"Let's go, we're really doomed here, wala pa tayong nakukuha ni maski isa!" inis na untag ko.
Nagsimula naming tinahak ang daan. At sa pagdaan ng oras ay ang mga hinaing nitong si Myrtle ang naririnig ko. Naririndi na nga ako sa paulit-ulit niyang pagrereklamo.
"Isa pa talagang buka ng bibig mo, iiwan kita rito!" inis na sigaw ko sa kanya na halos lumipad ang mga ibon na narito.
She smiled and zipped up her mouth.
Twenty minutes naming nilakad ang nasabing bundok, trip ko lang maglakad ngayon. Hindi rin kasi ako sanay na ginagamit ang teleportation sa pansariling kagustuhan lang maliban na lang kung emergency.
Fortunately, we're here already. Looking up to the huge mountain, hindi naman talaga siya blue kaya ewan ba kung bakit tinawag nilang blue ang bundok na'to. At wala man lang akong nakikitang isang kulay asul na bulaklak.
"Tama ba talaga 'yang mapa na 'yan?" I irritatingly asked her.
Tumango si Myrtle.
"Then, bakit walang bulaklak dito?" I asked again, pinamewangan ko siya at walang interes na sinulyapan ang bundok.
Umatras ako at tumalikod then naglakad paalis. Subalit hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag ni Myrtle ang pangalan ko. Nang lingunin ko siya ay nanlaki ang mata ko sa nasaksihan.