Chapter 8: Procedure
I turned around to see her. Nagliliwanag ang mapang hawak ni Myrtle. She became uneasy for awhile. Lumapit ako sa kanya upang makita kung ano ang pinahihiwatig ng mapa. It was glowing in light blue mist, and it was twinkling in my eyes.
"Mukhang may koneksyon ang mapa sa lugar na ito," usal ni Myrtle.
"Or maybe, our instructor purposely made this thing for us," yamot ko.
"Maybe yes and maybe no!" masiglang sagot naman ni Myrtle.
Naglakad kami palapit sa isang talon. Blue Mountain Falls ang tawag rito, 'yong ang nabasa namin sa mapa. Surprisingly, blue nga ang kulay ng tubig, and there's something in the water.
"Let's see kung ano nga ba ang gamit ng mapa sa assignment natin," usal ni Myrtle habang sinisiyasat ang hawak niyang mapa.
Nanlaki ang mata ko nang makitang lumutang ang mapa sa kamay niya and turned into a light ball. Nabigla ako nang lumipad ito patungo sa'kin and then kay Myrtle tapos sa'kin ulit. Weird.
The light ball protruded a mist, dumaloy ang liwanag na 'yon sa hangin patungo sa katawan namin. Nang dumampi ang liwanag sa sa'min ay nakaramdam ako ng malamig pakirandam tapos nakita ko na lang na lumulutang na kami sa ere. I turned to look at Myrtle, she just smiled.
Lumipad kami habang sinusundan ang bolang liwanag pataas ng bundok. Habang lumilipad papunta sa kaitaasan ay may napansin ako. Kaya pala tinawag na blue mountain ay dahil sa kulay asul na bulaklak na narito.
It's not just a simple flower. Ang bulaklak na ito ay nagliliwanag sa kulay na asul at kahit na maliwanag ngayon dahil tirik na tirik ang araw ay naging visible sa mata ko ang pag-ilaw ng mga bulaklak.
Nang marating namin ang isang patag na parte ng bundok ay ibinaba kami ng bolang liwanag tsaka ito naglaho sa paningin namin. Awesome right?
"That was awesome!" halos mapatalon na sigaw ni Myrtle.
"Look," I spoke.
Nagningning ang mata ko sa nakikita ko. Ang daming mga asul na bulaklak dito. At ang gaganda, nagdagdag sa view ng bundok. Now I know, kaya naman pala ito tinawag na Blue Mountain dahil sa sinasakop ang bundok ng asul na bulaklak. Fantastically glowing. Parang nakaka-adik tingnan.
Humakbang ako upang makapitas na sana kaso pinigilan ako ni Myrtle.
"Wait, bish! May sinabi pa ang instructor, sabi e, isa lang dapat ang kailangang makuha, 'yon lamang daw nabubukod-tangi sa lahat," paliwanag niya.
"Ano? May paganon pa?" umakyat ang inis sa katawan ko.
"Unfortunately, yes," she responded.
Bumaba ang balikat ko sa sagot niya. Tiningnan ko siya ng walang kainte-interes.
"Paano naman natin makikita ang nabubukod-tangi rito?" I hopelessly asked.
"Try sensing each one," she suggested.
Umismid ako, "Why would I do that?"
"Gusto mo bang makuha ang ingredients o gusto mong bumagsak tayo sa klase niya," pinamewangan niya ako.
"Gusto, gusto kong matulog," I rolled my eyes.
I stood up firmly and tried to be focused. Pinalawig ko ang pakiramdam ko at ikinalat ang enerhiya ko sa mga bulaklak. Maaaring narito ang bulaklak na 'yon pero may possibility din na wala. Ang dami nga ng bulaklak pero wala ring saysay dahil sa ingredients na kinakailangan namin. I sighed as the incurious thought popped up inside my head.
'Gotcha!'
As I sensed the so-called-worthy flower, I immediately opened my eyes and teleported to pluck the flower. Natatangi ngang tunay dahil parang crystal ang mga petals nito na nagningning sa mata ko.
"Is that it?" Myrtle asked.
Tumango ako tsaka siya nilingon at pinakita ang hawak kong bulaklak.
"One down!" ngiting usal ko.
"Yehey! Come over! Ilagay natin dito sa basket na dala ko," masiglang wika niya. Hindi ko man lang napansin na may dala pala siyang basket, pero maliit lang na basket 'yon. Kasyang-kasya nga sa bag ko e.
"Blue Mountain Flower, check! Next target, Butterfly Wing," usal niya habang nilalagyan ng check ang hawak niyang tickler. Isa 'yong checklist na sticky note.
"Let's go?" alok ko.
Tiningnan niya ako tapos 'yong nakalahad kong kamay, tumango siya at inabot ang kamay ko tsaka kami naglaho patungo sa kapatagan. Nang lumitaw kami rito ay nagulat kami nang makitang naririto ang iba naming mga kasama.
"Wow! Ang daming butterfly!" namamangha na namang wika ni Myrtle.
"Can't you stop doing that?" inis na bulalas ko sa kanya.
"Bakit ba! E ang ganda-ganda ng mga butterfly e!" protesta niya.
I sighed hopelessly. Mukhang ganiyan na talaga ang attitude nitong babae na 'to towards everything.
"Now, it's your turn," usal ko naman tsaka siya nginisian.
"W-what!?" she hissed.
"Anong what ka diyan! Syempre ako kanina, ikaw naman ngayon! Ano 'to hayahay? Ikaw ang boss? Kapal mo ha!" sabi ko.
"Nyenyenye! Oo na nga, ako na!" naglakad siya papunta sa mga kaklase namin na busy ding nangunguha ng mga paru-paru. Maaliwalas ngayon at sobrang ganda ng mga paru-parung lumilipad. Sinabayan pa ng sariwang hangin at ang masilong na paligid.
The greeny ambiance of the lawn made me feel relief. Ang gaan sa pakiramdam. Ang sarap-sarap bigla matulog. Napailing ako. Tatapusin muna namin 'tong activity namin before sleeping, wala na rin naman kaming klase afterwards.
"Kyaaahhh! Ang saya neto!" guess who?
Napailing ako tsaka napatampal sa noo ko nang makitang naglalaro na roon ang magaling kong kasama s***h kaibigan. Ang sarap niyang batuhin ng basket, really.
"Kyaaahhh! I got one! OMG! I got one!" she enthusiastically cheered over there. Nagtatalon na parang bata tsaka lumapit sa kinaroroonan ko. When she put the butterfly wing inside the basket, our sorrounding shifted, nagbago ang setting na kinaroroonan namin.
"Woah!"
Nandito na kami sa harap ng akademya.
"Cool! Gusto ko ulit pumunta dun!"
"Tss! Isip-bata!" inis na bulong ko.
Bumalik kami sa klase upang ipakita ang mga nakuha namin, buti na lang at partner kami nitong childish na kasama ko. Narito na kaming lahat maliban sa instructor namin na kanina pa namin hinihintay.
"Impresionante mga bata! Mahusay ang inyong ginawa!" kakapasok lang ng instructor namin, she's wearing her white and neat uniform. Nakapusod ang buhok niya. She's all normal, hindi mukhang masungit.
I learned a lot about Latin language, mabuti na lang at may lola akong magaling magturo. Lola taught me about casting spell using Latin language at mahirap noong una pero noong paulit-ulit ang session namin, parang wala na lang sa'kin.
Our instructor said, impresionante, which means in Filipino, makabagbag-puso or in English, impressive! If you're learning something from me, thank me later on.
"Students, all you have to do is to stick with the procedure, just follow whatever is in the book, understood?" paalala niya pa.
"Yes, Miss!" we all answered.
"Okay! Magsimula na kayo," anya.
"Kyaaahhh!" guess who?
So, ang una naming ginawa ay ang basahin ang procedure sa book. Ang step-by-step procedure that will probably lead to our success in making the healing potion, if not, then, we are really doomed.
"Step 1, painitin ang tubig na nasa palayok," paalala ni Myrtle.
Instead of using the modern things sa pagluluto ay mas-prefer sa amin ngayon ang alternative way of doing this. Suggestible daw sabi ni Instructor.
"It's boiling already!" I cheerfully said.
"Step 2, banayad na ilagay sa surface ng kumukulong kawala ang bulaklak, kailangan ay dapat lumutang ito, hayaang sakupin ng init ng tubig ang mga petal hanggang sa magpalit ang kulay ng bulaklak at humalo sa tubig ang kulay nito," basa niya ulit.
Nagmukha akong alalay niya, really. Kanina ko pa 'to napapansin ha, pero pinagpapasensyahan ko lang siya. She should feel that, but I think, it's not really possible. Feel na feel niya ang pagiging bossy this time. Tss!
"Step 3, sumalok sa pinakuluang bulaklak at ilagay sa isang maliit na container, pero bago 'yon ay kailangang ilagay ang pakpak ng paru-paru sa loob ng maliit na container at saka ibuhos ang asul na likido rito," basa ulit ng tagabasa. She liked doing that.
"And there we have it! May healing potion na tayo!" masiglang punyagi niya.
"Can you lower down your voice?" sita ko sa kanya.
"Sorry! Masaya lang ako hehe," pumilantik ang pilikmata niya. Nagpapalusot pa.
"E wala ka namang ibang ginawa kundi ang magbasa nang magbasa e! Halos ako ang gumalaw para sa'yo!" inis akong naghalukipkip.
"At least nakatulong ako kahit papaano," she smiled.
"Time's up!" pagkasabi ng instructor ay inilagay namin sa harap ang potion upang masuri niya kung tama ba ang procedure na ginawa namin.
"I'll be giving your points tomorrow, class dismiss!" usal ng instructor, sakto naman ang paghikab ko.
"Kapagod ngayon 'no?" si Myrtle, pinanlakihan ko siya ng mata.
"Ikaw pa talaga may ganang magsabi niyan?"
"Hehe, I just feel it e, ano ba?" tatawa-tawang usal niya.
Bumalik kami sa dorm upang magpahinga, I just want to rest and relax kaso hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako. I just learned something new this day. Thanks to our instructor.