Chapter 9: Tricked
Naalimpungatan ako dahil sa mga katok na naririnig ko mula sa pintuan namin. I groaned irritatingly because of that. Pareho kaming kagigising lang ni Myrtle. She presented to open the door. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko habang hinihintay na mabuksan ni Myrtle ang pinto.
"Miss Salamanca, open the door," sabi ng hindi kilalang nilalang sa labas ng kwarto namin.
Kumunot ang noo ko habang napatingin ako sa wall clock. Pasado alas otso na ng gabi. Tumayo ako nang titigan ako ni Myrtle. Mukhang hindi maganda itong mangyayari dahil napakagat siya sa kanyang labi.
"Sino?" I mouthed Myrtle kaso nagkibit-balikat lang siya, sinasabi na tingnan ko para sa sarili ko. Kainis din e.
Nang marating ko ang pintuan ay tsaka ko dinungaw ang bisita namin na hindi ko alam kung sino. I frowned when I cannot recognize him. Nakatingin siya sa akin ng sobrang seryoso.
Mga nasa mid-30's din yata siya like Headmaster Argus. Unlike HM Argus, mas mukhang terror ang isang 'to and I feel like, I won't dare to deal with him o kung anuman.
I smiled, "Y-yes po?"
"Come with me," utos niya at walang pasabing naglakad na paalis, nais ko raw sundan pero bakit ganon ang pakikitungo niya? Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil feeling ko hindi siya trustable, subalit nilingon niya ako.
"Sumama ka sa'kin, kailangan ka raw makausap ng HM," usal niya pa. Sa linya niyang 'yon ay doon ako nakuha. Nilingon ko si Myrtle at saka tinanguan.
"Alis na muna ako," pagpapaalam ko.
"Gesi!" minsan hindi ko masabayan itong kakonyohan ng babaeng ito.
"Hmm," tango ko pa at humakbang na.
Nakasunod lamang ako sa kanya, patungo sa ibang direksyon. Hindi sa office kundi papunta sa likurang bahagi ng school. Kalmado lanh siya habang nakalagay ang mga kamay sa likuran niya. He wore a blue tuxedo na nagpamukha sa kanya na malinis, professional in other words.
"E-excuse me?" untag ko, subalit hindi siya lumingon, patuloy lang siya sa paglalakad.
"S-sir? Excuse me, maling daan po itong nilalakbay natin," usal ko pa subalit wala pa ring nangyayari.
'Apaka-tuleg naman nitong gurang na 'to!'
Hindi na ako nag-ingay pa, sa halip ay nagtuloy lang ako sa pagsunod sa kanya papasok sa kakahuyan dito sa likurang bahagi ng school. Madilim dito pero naga-adjust ang paningin. Nakikita ko pa rin siyang kalmado sa paglalakad.
We spent thirty minutes of walking at tila nakakalayo na kami, that moment, doon na ako nagtaka kung bakit hindi man lang kami humihinto and that moment, doon lang din nagsink-in sa akin kung bakit ako kakausapin ng HM dito sa gubat? Really?
"Excuse me?" usal kong muli subalit wala talagang nangyayari.
Nagsimula akong makaramdam ng mga enerhiya sa paligid. Limang sinag ng enerhiya. They were all in rage. May galit akong nararamdaman, pagkasuklam, panunuya, at pagnanasa. Nilingon ko 'yong lalaki subalit wala na siya sa paningin ko.
"Hello?" tawag ko, nagbabaka-sakali kung may ibang tao rito bukod sa sarili ko.
Nakarinig ako ng mga hagikhikan. I gritted in annoyance. Nakakapanggigil itong nangyayari.
"May tao ba diyan?" I asked, hindi ko maiwasang hindi lakasan ang boses ko kasi parang wala naman silang naririnig sa'kin.
Nakarinig ako ng mga kaluskos, ang kakaibang pagbayo ng hangin. May ibinubulong sa akin ang hangin. May panganib sa paligid. Nararamdaman ko rin 'yon kanina pa, subalit, anong kinalaman ko rito? Bakit ako ang narito?
I'm not afraid. Wala akong maramdamang takot sa paligid maliban sa pangamba. Mas lumalapit ang mga kaluskos at ang mga yapak ay ganoon din.
Naging alerto ako nang maramdamang may kung anong pagpunit sa hangin, narinig ko 'yon. Matinis at tila rito sa direksyon ko ang pupuntahan niyon. I clenched my fist, a purple mist appeared around my fist. Minsa'y hindi ko mapigil ang enerhiyang ito na lumabas na lang gaya ngayon, I couldn't stop it.
"Aim her!" narinig kong usal ng kung sinuman sa kadiliman.
"May tao ba diyan?" I asked, louder than earlier.
Itinapat ko ang palad ko sa lumilipad na enerhiya patungo sa'kin. Hindi tumama ang atake sa katawan ko maliban na lang sa forcefield na agad na lumitaw to prevent myself from hurting.
Naramdaman ko na rin ang mga mata kong umiilaw. I could feel it. I could feel the oozing of my power that wants to blow, thankfully, suot ko ang amulet na bigay ni lola.
"She's powerful, can't you see?" narinig ko ang nangyayaring kumosyon sa kanila.
"Just f*****g hit her!" nabobosesan ko sila. I raised a brow.
'So, they tricked me para lang ano? Para bumawi?'
"Quiet! May nararamdaman akong paparating na ibang tao, let's go, ituloy na lamang natin 'to next time, retreat!" aniya niyong isa at naglaho sila na parang mga bula.
Her senses are sharp, kasi agad niyang nasense na may paparating na ibang tao. She's right, at mas malakas ang taong ito kaysa sa kanila. I grinned as I saw his silhouette. Even though hindi ko siya makita, naramramdaman ko naman ang malakas niyang enerhiya.
I let my energy subsided. Narinig ko ang mga napuputol na tuyong sanga ng kahoy sa lupa na naaapakan niya. I calmed myself para hindi siya magtaka sa'kin.
"Why are you here?" he asked nang tuluyan na siyang nakalapit sa'kin. Nakita ko na naman ang taong 'to. His cute face suddenly brightened up my mood.
"Why are you here?" taas-kilay kong tanong sa kanya.
"I asked first, kaya sagutin mo 'ko," seryoso niyang usal, kahit papaano ay nakikita ko siya. Hindi naman gaano kadilim dito.
"Ah, nagpapahangin lang," I lied.
"Dito?" 'di makapaniwalang tanong niya.
"Hmm," I nodded. 'Di naman na siguro niya mahahalatang nagsisinungaling lang ako.
He chuckled sexily, napako pa 'yong mata ko sa pagngiti niya at 'yong mapupungay niyang mata. Nakakalaglag puso. Muntik pa ako mapakagat-labi. Flirty side mode on.
"Ikaw?" I asked after.
"What do you mean?" kunot-noong tanong niya.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya, like, one meter apart na lang. I gulped. Hindi ako makatingin sa mata niya. Paano ako titingin e ang gwapo niya plus he's so damn hot sa suot niyang fitted na t-shirt, and one thing, dalawa lang kaming narito.
"Bakit ka nandito?" I asked, humakbang ako.
"On duty," he said, my eyes widen.
'Patay!'
"So, huhulihin mo 'ko?" tamong ko, nangamba ako.
Tiningnan niya ako, he grinned, "What do you think?"
"Huhulihin," I mumbled, sumimangot ako.
"Then, you must go with me, you're my captive for this night," he said and then handcuffed me using his ability. There was a fire suddenly intertwined in my wrist, buti hindi ako nasusunog ng apoy na 'yon.
"San mo 'ko dadalhin?" I asked worriedly.
Bago pa man niya ako sagutin ay may nakita akong liwanag, nagmumula siguro sa flashlight. Myembro din yata ng Alpha. Nilingon ko si Caleb, kaso malayo na pala siya kinaroroonan niya kanina.
"Aish! What a jerk!" I sneered.
Sinundan ko siya dahil ayaw ko namang mahuli na lang ako ng ganon-ganon. Aware ako na patungo kami sa hindi ko alam, pero panatag naman ako dahil kasama ko siya. He's tough kaya panatag ako, not the other way around.
"San ba tayo pupunta?" inis na tanong ko habang nakatali pa rin sa apoy ang mga kamay ko.
"I think you don't have to be tied up," he said and flicked his fingers, in a snap, nawala ang liwanag sa kamay ko.
"Hindi mo ba talaga sasagutin 'yong tanong ko?" pinamewangan ko siya habang naglalakad kami.
"Just follow, did I give you the permission to ask? You're my captive, at wala kang karapatang magtanong," anya habang naglalakad pa rin. I'm curious with his face while saying those.
"Blablabla!"
Naglakad pa kami ng ilang mga metro hanggang sa natanaw ko na ang magandang lugar. Open field, malayo sa kakahuyan na dinaanan namin kanina. May lake na malawak tapos grassy area at may nag-iisang puno sa gitna ng field na ito.
Kumislap sa ganda ang malaking puno dahil sa mga lumilopad ditong mga alitaptap, sakto maliwanag ang paligid dahil sa sinag ng buwan.
"Wow," hindi ko mapigilang hindi mamangha.
"I know, you would like it," he uttered, nagising ako sa sinabi dahilan upang bawiin ang mga pinakita kong pagkamangha.
"Who's liking it?" taas-kilay kong tanong.
Bumungisngis siya at sinamaan ko naman ng tingin. Pasalamat siya cute siya kahit tumatawa kasi kung hindi, itatapon ko siya sa lawa.
"You used to be like that, as always," he mumbled again.
Kumunot-noo ako.
"What do you mean?" lumapit kami sa puno at naupo sa naumbok na ugat nito.
"I remember, hindi ka naman ganito noong sinundo ka namin sa bahay niyo," he said, lumawak ang mata ko.
"Ha? Paanong naroon ka e gurang 'yong mga sumundo sa'kin, tangiks!" tatawa-tawang usal ko.
"Ah, that, that was only our disguises," he explained dahilan upang magulantang ako.
"You can do that?" bilib na tanong ko.
"Nah, HM changed our appearances," usal niya.
"Wow! He's really powerful."
"Truly, he is," he affirmed.
Napalingon ako sa presensyang lumalapit sa amin. Nakita ko ring lumingon si Caleb.
"You have a sharp senses," he said.
"Hehe, that was natural," I joked.
Si Brace lang pala 'yong presensya na nararamdaman ko. Napahinga ako ng maluwag. Marami pa sana kaming pag-uusapan but I halted him kasi lumalalim na ang gabi and I need to get rest kasi napagod kami kanina.
"See you around, tomorrow," sabi pa ni Caleb ng maihatid nila ako rito sa dorm namin.
Ngumiti ako sabay hawi ng buhok at inipit sa tenga. My cheeks turned, I could feel it. Kaya umiwas ako ng tingin dahil baka mahalata niya at magka-awkward moment pa, tsuserang palaka. At ganon na nga, natulog akong may dinadalang tuwa sa puso.
'Bakit ba? Inspired ako matulog e! Okay good night.'