Chapter 10: Punishment
Magaan ang loob ko nang magising ako, pagkatapos naming maligo ni Myrtle ay pumasok na kami para kumain ng agahan sa hall. She was sleeping last night kaya hindi niya namalayan na nakauwi na ako, hassle-free rin kasi hindi siya aware sa nangyari. Baka kung ano pa ang gawin nito 'pag nalaman niyang niloko ako kahapon.
Pagkadating namin sa hall ay unang sumilay ang ngisi sa bibig ko matapos makita ang grupo nina Fiona sa pwestong pinag-awayan namin noong mga nagdaan na araw. She suspiciously raised her brows, so did I.
"Trip ka na naman yata nitong Fiona na 'to," uttered Myrtle.
Mas malayong maganda ang pangalan ni Myrtle kaysa kay Fiona, get me? Regardless sa ugali niya na sumira sa ganda ng mukha niya ay hindi rin nakisama ang pangalan niyang pang disney character.
"What the hell are you glaring at?" she exclaimed out there.
Myrtle gasped, "Freak talaga, warlahin ko e!" inis niyang hawi sa hibla ng buhok niya.
"Don't mind her, pumunta tayo rito para kumain," I snapped.
"Yeah, right?" she rolled her eyes.
Dating gawi, humanap ako ng mauupuan tapos siya naman ang kumuha ng makakain. Pagkaupo ko, hindi pa man ako nako-comfort ng upuan ay may dalawang lalaki na lumapit sa pwesto ko. 'Yong isa cute at 'yong isa, 'di ko type, baka si Myrtle type niya.
None other than, Caleb and Brace. I smiled as I nodded, 'di pa man siya nakakahingi ng permiso upang umupo ay inunahan ko na.
"Thanks," usal ni Cutie.
"Hmm," simpleng pagtango ko.
Umupo namang nakangiti itong si Brace while searching someone. Baka alam ko kung sino hinahanap niya.
"Si Myrtle?" he asked.
'Told you!'
"Kumuha ng makakain," I replied.
"Ahhh."
Nagkwentuhan lang kami while waiting for Myrtle to arrive, kasi ang haba nga naman ng pila. She took fifteen minutes to finally get there in front. Nagutom tuloy ako.
"Woah! Syesta? May bisita?" gulat na wika niya habang bitbit ang tray.
"Bisita mo, hinahanap ka," birong usal ko, nagulat na naman siya.
"Really?" 'di makapaniwalang tanong niya, ngumiti naman si Caleb at itong si Brace, hindi ko alam kung kinikilig ba o nahihiya dahil sa pamumula ng kanyang mukha.
'I smell something fishy!'
Napalingon ako sa mga katabi naming mga mesa. Nagulat ako dahil mga nakatingin sila sa'min like parang may kasalanan kami sa kanila.
"Bakit nandiyan ang dalawang Alpha?"
"Ang swerte naman ng dalawang 'yan."
"Baka nilandi-landi nila?"
"Sssshh! 'Wag ka ngang maingay!"
Kahit naman siguro magbulungan kayo ay maririnig ko pa rin ang mga pinagsasabi nila. Napatingin sa akin si Caleb, kumunot-noo siya. Napahinto pa tuloy kami sa pagkain. Napansin niya siguro 'yong mga nangyayari.
"Are you okay?" he asked, napatingin na rin sina Myrtle at Brace.
"Hmm," tango ko.
"Anong meron?" si Myrtle.
'Kailan ba 'to nakaramdam sa paligid?'
Then, may mas lalong nagpainis sa'kin. Okay na sana na sila lang pero dumagdag 'yong si Fiona. What they did to me is below the belt, pinalampas ko na nga 'di ba?
The spoon that I was holding suddenly twisted because of my anger. Nagulantang ang mga kasama ko dahil naglutangan ang mga kinakain nila pati na ang mga gamit namin. My purple mist emerged. All I know is naglaho na lang ako and appeared in front of Fiona and strangled her furiously.
Nakita ko sa salamin na bintana ang enerhiyang nagsisilabasan sa katawan ko. Ang mga mata kong umiilaw sa kulay purple at ang kamay kong nagmi-mist.
"Aaacck!" she gasped.
"What is your problem?" seryosong tanong ko, nakita ko ang pagreflect ng mata ko sa mata niya. She was shaking in fear.
'Matakot ka lang!'
They are trying to stop us pero walang magawa ang mga nasa paligid namin dahil sa forcefield na ginawa ko, kahit na si Caleb, nakikita ko silang sinusubukang basagin ang barrier na ginawa ko. Wala ring nagawa ang mga alipores ng babaeng ito.
"
H-help she is going to kill me!" she startled.
"Papatayin talaga kita kapag hindi mo 'ko tinantanan, letche ka!" everyone gasped as they heard what I uttered. Ibinaba ko na rin ang barrier at agad na naglaho sa harapan nilang lahat.
Maliban sa dorm, may isa akong bagong alam na puntahan, at dito 'yon. Where he brought me last night. Inis akong naupo sa ugat ng puno while a cruel battle inside my mind. Parang gusto ko na lang siyang sakalin habang buhay. Nanggigigil ako.
I looked around to see if who is coming. There is a flaming magic circle appeared two meters away from where I seated. I heared his sighing when he successfully appeared.
He can easily find me because there is no place for me to hide. They can just easily track my vessel and poof! Heto na nga siya.
"The HM wants to see you," he mumbled. Frustrated din yata siya.
I sighed irritatingly.
I frustratedly stood up and looked at him emotionlessly. I got doomed for the very first month of the school year just because of a single childish creature.
"You don't have to do that," sita ko sa kanya nang lagyan niya ako ng handcuff using his ability, again.
Napahiya ko yata siya kasi pinitik niya agad ang daliri niya at kaagad naglaho ang nakagapos na kapangyarihan niya.
"Sorry," he mumbled.
Hindi ako sumagot dahil pinangungunahan ako ng inis.
Nang mabuo ang magic circle niya at nilamon kami nito at dinala sa loob ng office ni HM. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya at nakapatong ang kamay sa ibabaw ng mesa. Nakita ko rin ang nameplate niya sa ibabaw ng mesa.
Inis akong napalingon sa nakaupong si Fiona sa may gilid kaharap ang upuang bakante where I think, doon ako uupo.
"Sit down, Miss Salamanca," utos ni HM, naupo ako.
"She started it, HM," hissed Fiona dahilan upang magtaas ako ng kilay.
"Let me hear first her side before concluding," mahinahong usal ni HM.
"Miss, ano ba talaga ang totoong nangyari? Can you elaborate to us?" HM asked. Nasa tabi ko naman si Caleb.
"I'm sorry, it is really my fault," I gulped.
Nakita ko rin ang pagbaba ng panga ni Fiona. Hindi siya makapaniwala, right?
Napansin ko rin ang paggalaw ni Caleb. He's discarding what I have said kasi alam niya ang totoong nangyari but I halted him to not to interfere with my decision.
"Dahil inamin mo na ikaw ang nagkamali, para fair dahil pareho kayong gumawa ng komosyon sa loob ng cafeteria, bibigyan ko kayo ng hindi ninyo malilimutang parusa," HM grinned.
"What?" the cat shrieked.
"Bakit? Kulang pa ba ang simpleng parusa na ipapataw ko sa inyo?" taas-kilay na tanong ni HM. Doon, doon tumiklop ang bibig ni Fiona.
"Let me ask kung ano po 'yon?" I mannerly asked.
"Good question," ngiting usal niya. Kinabahan naman ako kung ano 'yon.
At hindi ako makapaniwalang kasama pa talaga itong Fiona na ito. Ayos lang naman sa'kin kahit na mag-isa ako, kaya nga ako nagpakumbaba, kaya nga ako umamin sa kasalanang hindi ko naman ginawa.
'Tsk!'