Chapter 35: Suspicious Kinabukasan, nang pumasok kami sa akademya ay napansin kaagad namin ni Myrtle na nagkakagulo ang lahat. Naalala kong itong araw na ito ay ang paghahanda nila sa pagsusulit. Paroo’t parito ang lahat. Hindi ko na nga rin mahagilap ang Alpha dahil sa rami nila. Saanmang sulok ay may estudyante at hinihikayat nila ang mga sophomore nila na turuan sila at gabayan. May mga nahahatak sila, at mayroon ding iyong wala. Nilingon ko si Myrtle, napatingin siya sa akin at nginusuhan ako. “Anong tingin ‘yan?” tanong niya habang pinagdududahan ako. Kitang-kita ko naman na siya talaga itong mas kaduda-duda dahil sa pagiging easy-go-lucky niya ngayon habang nagkakagulo ang lahat. “Hindi ka ba manghahatak din ng magtuturo sa’yo?” tanong ko habang naglalakad kami patungo sa he

