Chapter 34: Announcement Hindi kami nagtagal sa tabing lawa dahil nang marinig namin ang anunsyo ni HM na magtungo ang lahat sa arena ay agad kaming kumilos ni Caleb. Magkasabay kaming naglaho sa kinaroroonan namin at magkasabay din kaming lumitaw sa malawak na bakuran ng akademya. Mabilis ding kumikilos ang lahat ng mga estudyante patungo sa katabing arena kung saan kaming lahat ay pinapapunta ni HM. “May announcement na naman siguro si HM,” wika ni Caleb habang napapakamot sa baba niya. “Siguro,” maikling sagot ko naman. Sabay kaming naglakad patungo sa agos ng mga estudyante. May mga disiplina ang mga bata dahil sa maayos nilang pagkakahanay at pagkakasunud-sunod sa linya. Napatingin sila sa amin nang lagpasan namin sila sa pila at agarang pumasok sa tarangkahan ng arena. Nang

