25 - Accidentally

1261 Words
Chapter 25: Accidentally I was pushed back when they simultaneously lunged towards my direction. They haven't given me the cue to be ready. I have struggled as I tried to dodge them, fortunately, I thought of a way to escape them in a short period of time. “Mahusay, subalit hindi ang pag-iwas ang makatatalo kay Argus, hija,” puna ni Master Blue. Lumulutang sa palad niya ang bilog na bilog na tubig doon. “Ano pong ibig ninyong sabihin?” I asked out of my mind. “Labanan mo kami,” Master Fu spoke. “I'm sorry,” napapatungong paumanhin ko. Muli ay sumugod sila, but this time ay isa-isa na. Siguro, napagtanto nilang hindi pantay ang kakayahan naming lima, apat laban sa iisa. Inihanda ko ang sarili ko habang pinanonood ang pagsugod ni Master Fu, naga-aapoy ang kanyang dalawang mga braso. Sa bilis ng kanyang paglipad patungo sa akin ay napapailing akong sinangga ang braso niya gamit ang barrier ko. “Lumaban ka, hija, 'wag mong pigilan ang sarili mo, kaya tayo narito ay upang hasain ka ng maayos upang magamit mo ng naaayon sa kagustuhan mo ang kapangyarihang nagwawala sa loob mo,” he divulged at saka siya umatras ng dalawang metro, he raised his right hand and summoned a hundreds of fireballs. Nakahilera ang daan-daang bola ng apoy sa itaas ko at nang ipitik niya ang kanyang daliri ay bumulusok ang mga iyon sa pwesto ko. “s**t!” malutong na mura ko at kaagad na sinalag ang mga mga atake gamit ang pananggalang ko. Lumawak ang mga mata ko ng marinig at makita ang pagkabitak nito. “Huwag mong pigilan ang sarili mo, hija, 'wag kang mag-alala, beterano kami sa paggamit ng kakayahan namin, hindi naman siguro tayo aabot sa puntong may mamatay sa atin dito,” anya na hinihikayat akong gamitin ang totoong enerhiya ko sa kanya. I sighed, pinag-isipan kong mabuti kung gagamitin ko ba. Ayon sa nakikita ko, malakas nga silang apat ganoon na rin si HM Ino na naroon ngayon sa akademya, ginagampanan ang mga responsibilad na iniwan ni Argus. Hindi talaga maitatangging malakas sila lalo pa at sila ang limang guardians. Hindi ko lamang matiyak kong ihahambing sila sa limang nasa konsehong nakaupo ngayon at binabantayan ang buong isla. Maaaring kaya nilang matalo ang konseho pero hindi nila mapapatay. Tuluyang nabasag ang barrier na pumuprotekta sa akin, nahirapan ako sa pag-iwas sa napakaraming mga bola ng apoy, idagdag pa ang mabilis na pagkilos ni Master Fu. I can sense him, he is lunging towarda my direksyon using his flaming fist. Pero hindi rin maitatangging malakas ang instinct ko. Kumilos ako, naghabulan kami sa buong espasyo habang pinanunood ko ang pagbagsak ng lahat ng apoy niya sa lupa. “Magaling,” he surprisingly uttered. I lost my guard, dahilan iyon upang hindi ko maramdaman na may pasugod na ataka sa likuran ko. Isang bola ng apoy iyon, malaki na halos kung susukatin ay kasing taas ko. Huli na nang subukan kong umiwas dahil lumapat na ito sa likuran ko. “Aaaaaah!” I yelled as the fire crawled on my body and burned my suit. Nasunog ang ilang parte nito, kitang kita ko ang kutis ng puson ko. Tumayo ako mula sa pagkakadapa dahil gumulong ako upang mapatay ko 'yong apoy na sumusunog sa damit ko. My burned skin suddenly recuperated. “That's it! Let out your power! Don't let it overrule you, hija,” nakalutang pa rin siya sa hangin at nakalagay ang mga kamay sa likuran. Ang chill niya roon, akala mo'y ganon-ganon lang ako. “Huwag mo masyadong totohanin, Fu, baka magsisi ka,” natatawang usisa ni Master Sy, nakadungaw sa amin. “Wala pa nga ito sa totoong enerhiya ko,” hambog na wika ni Master Fu, hindi naman siya sobrang matanda, mga around 40's kasi silang lahat, kaya malakas pa sila, gamay na gamay pa ang kakayahan nila. “Wag mo 'ko pakiusapan kapag nasaktan ka diyan, dahil hindi kita gagamutin, masyado mong pinaiinit ang ensayo ng bata, Fu. Remember, wala ka sa isang daang porsyentong mahihigitan mo ang mahika niya,” napapailing na wika ni Master Blue. “E paano natin mahuhubog itong batang ito kung hindi natin pahihirapan?” he insisted. “It's up to you,” 'yon na lang ang nasabi ni Master Blue saka umiwas ng tingin sa amin. Muli ay natuon sa akin ang paningin ni Master Fu, nginitian niya ako habang ganoon pa rin ang estilo niya. Hindi siya intimidating, wala akong makitang dahilan ulang maintimida ako sa kanya. Bagay na bagay sa kanya iyong kakayahan niya, masyadong balahura at mainitin ang ulo, oo napansin ko 'yon. “Sumugod ka na dapat kanina noong nag-uusap kami,” mayabang na usal niya. “Lah? Pandaraya po 'yon e,” sagot ko at nginiwian siya. “Haha, mahusay sa pagpapalaki sa'yo ni Miranda, mabuti ka ngang bata,” nakangiting tugon niya, “Subalit hindi ako magiging mabait sa'yo sa puntong ito dahil para ito sa kapakanan mo.” Muli siyang sumugod patungo sa akin, napansin ko ang naglalagablab niyang braso habang nakapwesto iyon sa harapab niya, nakakuyom at talagang sinusubok ako. “Naiintindihan ko po,” nang sabihin ko iyon ay agad kong ikinompas ang mga kamay ko. Pinagdaop ko ito at pinaghiwalat upang gumawa ng simbolong hugis bilog. Gumawa ng kulay lilang liwang ang hilog na iuon habang nararamdaman ko ang pagbubukas ng kapangyarihan ko, ang mga mata ko'y tiyak na umiilaw na naman at pansin ko rin ang nagsisilabasan na kulay lilang mist sa katawan ko. Ang kaninang walang interes na mga Master ko ay napatingin sa gawi ko matapos ko iyong gawin. Napamaang si Master Sy ganoon na rin si Master Terry. Patuloy lamang sa pagsugod si Master Fu kahit na alam niya kung saan ang kahihinatnan ng ensayo ko sa kanya. He smiled. Lumabas ang isang lilang dragon sa bilog na ginawa ko, halos hindi ko makayanan ang pwersa nito dahil sa lakas ng enerhiyang pinakawalan ko. I summoned my dragon spirit at hindi ko iyon inakalang ganito ito kalakas. The dragon was surrounded with violet mist at gawa sa violet na mist ang katawan ng dragon. It wasn't like the other dragon spirit na gawa sa tunay na anyo, mine was way different compared to ordinary dragon spirits. Sumugod ang dragon patungo kay Master Fu. The dragon growled in anger. Walang nagawa si Master Fu nang matupok ang atake niyang apoy at kainin siyang buhay ng dragon. His energy was absorbed by my attack, natapos ang laban namin, nagkaroon pa ng makapal na usok. Nang maglaho ang dragon spirit ay halos kapain ko ang dibdib ko dahil halos ma-drain ako sa biglaang paglabas ng kapangyarihan ko. Nawala ang makapal na usok dahil kay Master Sy, using his power which is the element of air at tumambad sa lupa ang walang malay na si Master Fu, sunog ang kasuotan niya at may ilang paso sa katawan. “He really underestimated you, hija,” natatawang usal ni Master Blue. “Pasensya na po, nasobrahan ko yata masyado,” nagkamot ako ng noo ko. “Haha! Alam ko na kung anong kahihihinatnan ng uhugin na 'to,” umiling-iling si Master Terry. “Then, alam niyo na kung papaano kakalabanin ang batang ito,” inilapat ni Master Sy ang palad niya sa ulo ko, napapahiya akong tumungo. “Pwede bang next time na po 'yong iba? Hehe,” I assumed, nagmakaawa pa ako kasi napagod ako. “Sige, kung iyon ang kagustuhan mo,” ani Master Sy at tumango naman ang dalawa pa, napatingin ako kay Master Fu at napailing saka ako napamaang sa palad ko. 'I accidentally summoned my dragon spirit, muntik ko nang masira ang sarili kong domain, buti na lamang ay tinulungan ako ni Master Fu.' I know that he noticed it, alam niyang walang ibang paraan kundi ang ipaing niya ang sarili niya sa atake upang ma-deactivate ito. Kumabog bigla ang dibdib ko ng mapagtanto iyon. 'I accidentally summoned the destroyer.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD