24 - Domain

980 Words
Chapter 24: Domain Sa araw ding iyon, wala kaming nadatnan sa loob ng opisina ni Argus which means, lumayo siya. Kailangan niya talagang lumayo dahil kapag nakita ko siya rito, hindi na siya masisikatan ng araw dahil nagngangalit sa galit ang limang Alpha. They have already realized that from the very first start, they have been used. Sa akin, masakit din 'yon. 'Yong kinilala mong guro, tatay at kapamilya'y sa simula pa lamang ay pinaiikot ka lang sa mga palad niya. He's toying everyone, at ngayon lamang nabunyag ang katotohanan dahil sa takot na kanyang nararamdaman. Inayos ng limang guardians ang buong espasyo ng Maharlika. Inayos ang mga sira at ibinalik sa dati ang lahat. Ganoon kalakas ang limang guardians pero may hangganan din ang kailangan nilang gamiting enerhiya dahil sa kanilang edad. Sa araw ding iyon ay itinalaga ang bagong mamamahala ng akademya. Si Master Ino ang napiling maging bagong Headmaster ng Maharlika at ang apat na guardians ay naitalaga namang maging gabay ko sa ensayo. Kinakailangan kong mamanipula ng maayos ang kakayahan ko upang hindi makapanakit at makasira sa mga taong nasa paligid ko. May isa akong kakayahang kahit ako mismo ay pinabibilib nito. Rare kung tawagin ng iba. Pero sa pagbuklat ko sa librong ibinigay ng reyna, rito ko nalaman kung ano ang tawag sa kapangyarihang ito. Isa sa pinakamalakas na tinataglay ng forbidden charmer. Ang 'domain'. Nakakagawa ako ng sarili kong espasyo sa pamamagitan ng kapangyarihang mayroon ako. Parang sa mirror dimension lang na hindi nakakapanakit ng tao maliban sa mga nilalang na napapaloob sa dimensyon. Ang pinagkaiba lamang ay puting-puti ang ang nakikita ko sa paligid ko, parang nullifying room lang. But as I continue on visiting inside my domain ay kahit paunti-unti ay nagagamay ko na ito. Naisipan kong gumawa ng sarili kong tahanan at hindi nga ako nagkamali. Nakakabilib at sobra akong nasisiyahan. Mapayapa kasi at nagagawa ko ang gusto kong gawin. Nagising ako kinabukasan dito, tirik na rin ang araw, nakita kong naghahanda ng makakain si Myrtle at amoy na amoy ko ang mga iyon. Nagutom tuloy ako bigla. “Halika na, alam ko namang nasasarapan ka sa luto ko e,” she ragged, umagang-umaga nagbubunganga na naman siya. “Tch!" inirapan ko siya at nagtungo ako sa banyo. “Bilisan mo! 'Di ba ngayon ang simula ng pag-eensayo ninyo ng mga gurang?” natawa siya sa mismong sinabi niya. Nang matapos ako ay dumiretso ako sa dining table at nginisihan na naman ako. Sabay nguso sa may kabilang table. Nangunot ang noo ko at tiningnan iyong nginunguso niya. Nagkakamay kasi kaming kumain at todo supalpal siya ng pagkain sa bunganga niya, 'apaka buraot. Walang interes kong sinulyapan ang bungkos ng bulaklak na naroon saka ko siya kununutan muli ng noo. “O? Bakit ka ganyan makatingin sa 'kin? Ako ba binibigyan niya niyan?” sarkastikong dipensa niya. “E sayo na,” I said saka naghimay ng prinitong isda. “Are you crazy? Binigay 'yan para sa'yo!” “Kaya nga binibigay ko rin sa'yo,” I insisted. “Hindi ko matatanggap 'yan!” inirapan niya ako. Tiningnan ko siya ng masama. “At bakit hindi?” “Dahil hindi ko type 'yong nagbigay niyan!” “Sino bang nagbigay?” “Aba malay ko?” “Ikaw tumanggap tapos 'di mo alam kung sino?” “Ano ba! Ba't ang dami mong tanong?” inis na bulyaw niya sa 'kin. I sighed matapos ipaalam sa kanya na nasa hapag kainan kami. May ibinigay na food supply sa amin si HM Ino at dahil doon, hindi na kami nakipagpilahan pa sa breakfast hall. Masyadong hassle at makakasagabal daw sa oras ko lalo pa't kailangan ko raw mag-ensayo. “Sa'yo na 'yon, kung ayaw mo, itapon mo, allergic ako sa bulaklak,” wika ko matapos kumain at nagtungo sa sink upang maghugas ng kamay. “Nye! Palusot ka! E bakit sumama ka roon sa activity natin sa bundok? 'Yong kumuha tayo ng blue mountain flower?” naalala pa niya 'yon? “Tch! May napakalaking pagkakaiba ng bulaklak na 'yon kompara sa ordinaryong bulaklak na 'yan,” inis na paliwanag ko. “E pareho rin naman bulaklak!” “Magkaiba nga!” “Hay naku! Bahala ka na nga, ididisplay ko na lang 'to,” anya. “You decide,” usal ko at kinuha ang blazer ko sa kwarto, nadatnan ko siyang inaayos iyon sa vase sa may sala. “Gotta go,” paalam ko, mamaya pa naman klase nila kaya mauuna na ako ng ilang oras sa kanya. “Geh,” anya at 'di man lang ako tiningnan kaya naman ay lumabas na ako ng dorm namin. Nang makarating ako sa office ni HM Ino ay nadatnan ko roon ang apat na guardians, nakangiti nila akong tiningnan while nilapatan ko lang sila ng walang interes. “Hija, nabasa mo na ba ang librong ibinigay sa'yo ng reyna?” tanong ni Master Sy. “Hindi pa ho ako natatapos," sagot ko, nakaupo silang lahat. “Tiyak kong alam mo na ang tungkol sa domain mo, hija,” Master Fu spoke, nakahalukipkip siya. “Hmm,” tunanguan ko siya. “That's it, she already discovered about it kaya hindi na tayo mahihirapang ituro 'yon sa kanya,” ngiting usal naman ni Master Terry. “Bakit ho?” takang tanong ko. “Sa domain mo, roon tayo mag-eensayo upang hindi natin masira ang buong isla ng Maharlika,” paliwanag ni Master Blue. Napamaang akong tumango-tango. “Kailangan mong gumawa ng espasyo para sa training mo using your domain,” usal pa ni Master Blue. “Naiintindhan ko ho,” magalang na usal ko. “Mainam kung ganoon, magsimula na tayo,” dagdag pa niya. Itinihaya ko ang palad ko, lumabas doon ang kulay itim na sphere, isa-isa ko silang tiningnan at tinanguhan. Isa-isa silang pumasok sa itim na bilog at nang ako na lang ang natitira ay sumunod na akong pumasok. Iginaya ko ang paningin ko nang makita ang paligid ng domain. Walang hanggan na puting liwanag ang nakikita ko sa paligid namin. Kumilos si Master Terry at minanipula ang inaapakan namin. Gumawa siyang pansamantalang bundok-bundok na malalaking tipak ng bato. Si Master Blue naman ay gumawa ng malawak na lawa, si Master Fu ay gumawa ng malawakang lawa ng lava at apoy, napailing ako sa mabigat na ensayo na ito. At ang huli ay si Master Sy na lumutang sa ere, nakahalukipkip pa. 'Ganito pala talaga sila kahusay na gamitin ang kanilang mga kapangyarihan, nakakabilib at nakakamangha.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD