23 - Maharlika

1119 Words
Chapter 23: Maharlika Kinaumagahan, maaga kaming bumangon dahil kailangan naming maglakbay muli patungo sa dimensyon namin. Balak naming umuwi na kahapon subalit pinigilan kami ng reyna at pinatuloy sa palasyo niya. Hindi na kami tumanggi dahil hinahanap din ng katawan namin ang pahinga. Bago kami umalis kanina ay kinausap ako ng reyna. Nakinig ako dahil humupa ng kaonti 'yong pagkainis ko sa kanya. “Dalhin mo ito,” narito kami sa malawak niyang library at may binibigay siya sa aking lumang libro. “Ano ho ito?” hindi ko man naibubuka ang bibig ko'y inilapat na niya ito sa mga palad ko. “Nariyan ang kakaonting kasagutan sa kakayahang mayroon ka, basahin mo ng maigi, hindi man kompleto gaya ng libro ng propesiya ay kahit papaano'y may matututunan ka kahit kalahati lamang nito,” paliwanag niya. “S-salamat ho,” magalang na sabi ko, umiwas ako ng tingin nang titigan niya ako. Nagkunot-noo lamang ako nang haplusin niya ang mukha ko, nang lapatan ko siya ng tingin ay napansin ko ang nagbabadyang luha sa gilid ng kanyang mga mata. “Pasensya ka na, 'yan lamang ang maitutulong ko sa'yo sa panahong ito,” paghingi niya ng tawad. Inalis niya 'yong pagkakahawak sa pisngi ko at inayos niya ang sarili niya tapos ngumiti siya. Maganda siya, ilang ko nang sasabihin 'yon at hindi mahahalatang nagkaanak na minsan ang reynang nasa harapan ko. Umiling ako at tumingin sa kanya. “B-babalik na ho ako doon,” pagpapaalam ko. “Sige, hintayin niyo ako roon sa tarangkahan bago kayo umalis,” tinanguan ko siya saka nilisan na ang lugar. Nang marating ko ang tarangkahan ay naroroon na pala ang mga kasama ko, ang mga Alpha, si Myrtle at ang limang Guardians. Nakatingin sila sa akin tapos saka lumipat ang paningin nila sa hawak kong libro, hindi na sila nagsalita pa maski na ang limang guardians. Naramdaman ko namang nasa likuran ko na ang reyna nakasunod ang mga heneral sa likuran niya. “Maraming salamat po sa pagpapatukoy, Kamahalan,” ani niyong lider ng limang guardian. “Walang anuman, kung nais ninyong bumisita rito, bukas ang dimensyon namin para sa inyo,” nakangiting wika niya, nag-iwas ako ng tingin matapos isiping paano siya nakakangiti ng ganoon habang narito ako sa harapan niya. Nawala na iyong makakapal na ulap na nagpapatindig ng balahibo ni Myrtle. Hindi naman talaga kanais-nais 'yong taktika na ganoon pero mainam dahil nasindak nito si Myrtle. 'Siya lang kaya 'yong nasindak.' “Babalik po ako rito 'pag may kasama ako, gusto ko po 'yong grape wine niyo po, Kamahalan,” hayon ang madaldaling si Myrtle. Napakamot si Brace sa kadaldalan niya kaya naman upang manahimik ay inakbayan niya dahilan upang manahimik siya at pamulahan, ganoon na lamang ang panunukso nilang lahat sa kanilang dalawa. Kahit papaano'y nagawang umarko ng mga labi ko. “Magnobyo at magnobya ba kayo?” agarang tanong ng reyna sa kanilang dalawa. Natawa sila nang subukang kumawala ni Myrtle sa pagkakaakbay ni Brace subalit wala siyang laban sa lakas nito. Hindi na rin maipinta ang mukha ni Myrtle, nagmukha siyang langaw sa pangit niyang mukha na 'yon. “Opo/Hindi!” sabay nilang sigaw saka nagtitigan at tinawanan na naman sila. “Ano! 'Wag ka ngang assuming!” nang matanggal ni Myrtle ang braso ni Brace ay pinaulanan niya ito ng malalakas na hampas sa mismong braso rin saka sila naghabulan. Natawa ako dahil sa pagkakakuyumos ng mukha ni Myrtle. 'What kind of face is that?' Dala nang lahat ang galak sa kalooban nang lisanin namin ang dimensyon ng reyna. At nang makabalik kami sa dimensyon namin ay ganoon na lamang kung magbago ang mga ekspresyon naming lahat. “Anong nangyari rito?” nagugulat na tanong ni Myrtle sa amin gayoong hindi rin namin alam kung ano pero iisa lang ang pumapasok sa isipan ko. “Nagkagulo ba habang wala tayo?” tanong ni Drex. “Obvious ba?” sarkastikong sagot ni Klint. “Anong ginawa ni Argus dito?” nagtatakang takong ni Master Ino. Siya 'yong lider ng guardians. Napahigpit ako ng kuyom sa aking mga kamay, huminga ako ng malalim at ikinompas ang aking kamay. Lumipad ang lila na liwanag na nagmula sa mga kamay ko ay agad na ibinalik nito ang lugar sa dati nitong anyo. “Wow! Nagagawa mo rin ang ginawa ng reyna, Tina!” exclaimed Myrtle at kumapit pa sa braso ko habang nakangiti. “Hindi ko pa masyadong gamay,” paliwanag ko, nginitian lamang akong ni Master Ino, pare-pareho naming pinanuod ang pagbabalik ng lahat ng nasira rito at kapag may nalalagpasan kaming sira ay agad kong inaayos. Nagpagod ako noong halos maka-ilang baryo na kami at malapit na ito sa akademya. Matiwasay naming narating ang akademya dahil sa tulong ng aming kapangyarihan, ang teleportation. Naabutan namin ang magulong akademya, ang sira nito. “Nakabalik na sila!” “It's too late,” malungkot na usal niyong isang estudyante. “Tama, ang daming namatay dahil sa pakikipaglaban kay HM Argus,” doon ay napakuyom ako muli. “Tinulungan pa siya ng mga taksil na estudyanteng napiling maupo sa gintong upuan, maliban sa kanya,” tiyak na itinuro niya ako dahil alam ko na ako lamang ang nag-iisang narito, ang nakaupo sa gintong upuan ang tinutukoy niya. “Lintik na!” singhal ni Caleb as he heard that. Nasapo rin ni Brace ang kanyang noo nang marinig iyon. Lumapit sila roon sa nagsabi niyon at kinausap nila. Narinig ko ang mga sinabi nila dahil malapit lang sila sa akin at kahit naman malayo sila ay maririnig ko pa rin dahil malakas ang pandinig ko. “Sinamantala ni Argus ang pagkawala natin dito,” usal ni Caleb nang makalapit siya sa 'kin. “Akala ko ba alam ninyo ito,” usal ko na hindi siya nilalapatan ng tingin. “Ha? Anong ibig mong sabihin, Tina?” he asked. “Di ba nga plinano niyo ang paslangin ako, hindi ba parte rin ito ng plano ninyo?” diretsahang tanong ko, napalingon din sa gawi namin ang mga kasama namin at ganon na lang kung manlumo sila. “Hindi ganoon iyon, Tina, inunahan lamang kami ng takot dahil alam naming mas malakas ang HM kaysa sa amin,” paliwanag niya. “Tss! Malakas o hindi dapat alam ninyo ang karapatan ninyo bilang nag-aaral dito, may karapatan kayong tanggihan siya, 'yon ang alam kong pinaka-esensyal na paraan, tingnan niyo, ang daming nadamay sa kademonyohan ng Argus na iyon,” seryosong wika ko, natahimik na naman siya. “Magkakaiba tayo ng pananaw at pakiramdam, iba kami sa'yo,” sagot pa niya saka ako tinalikuran, subalit napahinto rin dahil sa sinabi ko. “Hindi sa palakasan dinadaan ang pakikipaglaban, Caleb, kaya nga tinawag tayong mga mahikano dahil hindi lang kapangyarihan ang tinataglay natin, oo, malakas si Argus kaysa sa inyo, pero mas malakas kayo kung nagkaisa kayo, mayroong kapangyarihang hindi tinataglay si Argus na maaaring tumalo sa kanya at hindi niyo iyon ginamit upang paslangin siya,” mahabang litanya ko, hindi man siya lumingon tiyak kong sapol siya sa linyang iyon. Lumapit si Myrtle, “Paano natin hahanapin si Argus?” Ngumisi ako, “Hindi tayo ang hahanap sa kanya, siya ang kukusang lalapit sa atin.” “O-okay,” 'yon na lang ang nasambit ni Myrtle dahil ramdam niya ang pagiging seryoso ko. 'Siya ang lalapit at magmamakaawa sa amin.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD