22 - Feeling

1320 Words
Chapter 22: Feeling “Pasensya na po, kamahalan dahil imbes na kapayapaan ang dala namin ay iba ang kinahinatnan ng lahat,” paghingi ng paumanhin ni Myrtle sa reyna, kanina pa niya 'yon ginagawa, hindi nagsasawa. “Hindi, wala 'yon, hija,” nakangiting sagot ng reyna at ikinompas ang kanyang mga kamay sa hangin. Nagliwanag ang mga kamay niya dahil sa flare na naroon. Lumakbay ang kulay pulang flare sa hangin, tumungo ito sa kinatitirikan ng kanyang palasyo at namamanghang pinanood iyon ni Myrtle, halos mapatalon siya sa pagkamangha. Napatingin ako sa mga palad ko. I can also do that pero hindi ko pa gamay masyado. Muli ay nagbuntong hininga ako, napansin ko ang paglapit ng reyna sa kinaroroonan ko. “Hija,” tawag niya sa akin, hindi ko magawang gawing payapa ang kalooban ko dahil sa umuusbong na sama ng loob. Hindi ako umimik. “Maaari ba kitang makausap?” dagdag niya pa. “Kung tungkol ito sa pagitan nating dalawa, give me some time, Your Highness,” diniinan ko ang posisyong mayroon siya dahilan upang tapatan ako ng sandata ng mga heneral niya, ibinaba lamang nila iyon ng magtaas ng kamay ang reyna sa kanila, pinipigilan sila sa ginagawa nila. “Kung ayaw mong pag-usapan ang tungkol doon, maaari bang sumama ka sa limang guardians upang magamit mo ng maayos ang 'yong kapangyarihan?” paghingi niya ng pahintulo't. Walang emosyon ko siyang tiningnan, “Kahit hindi niyo sabihin sa akin ay iyon ang gagawin ko, Kamahalan,” muli ay siniringan ko siya. Huminga siya ng malalim at sinenyasan ang mga heneral niya na umalis. Humakbang siya, hindi pa man nakakalayo sa akin ay huminto rin, “Kailangan mong baguhin ang nasa propesiya,” sinabi niya iyon habang nakatalikod. “Hindi mo na kailangang ipaalala sa'kin,” naiinis ako sa pahihing maawtoridad niya. Hindi ko gusto ang ginagawa niyang pangingialam sa buhay ko. Hindi niya makukuha ang simpatya ko kahit siya pa ang reyna, what she've done is enough for me to disrespect her. Buti nga mababaw ang pagiging bastos ko, kung iba lang siyang tao'y maaaring nilisan ko na ang lugar na ito. Maya-maya'y si Myrtle naman ang lumapit sa kinaroroonan ko. Narito kami sa harapan ng palasyo, rito sa malawak na hardin. Napako ang paningin ko sa fountain na nasa tabi. “Uyy! Okay ka lang ba?” masiglang tanong niya. “Oo.” “Weh? 'Yong totoo?” “Oo nga,” inis na sagot ko. “E mukha kang ninakawan ng halik diyan sa itsura mo!” bungisngis niya. “Ang ingay mo!” “Hala! Suplada ha! May dalaw ka? Katatapos lang laban, dapat masaya ka kasi wala na si HM Argus!” hyper niyang usal. “Tss! Hindi ako ganoon tao,” poker face na wika ko. “E 'di sasanayin ka namin! Tara?” she tried to touched my hand kaso inilayo ko 'yon, nawal 'yong pagkakangiti niya dahilan upang makaramdam ako ng guilt. “Kayo na lang, pagod ako,” seryosong sagot ko at nagkunot-noo. “Ganoon ba? Sige, lapit ka na lang if okay ka na,” lumaylay ang balikat niya pero hindi siya nagpadala roon at bigla muling umaliwalas ang mukha. Tinanguan ko siya bago niya lisanin ang kinaroroonan ko. Nanatili akong nakahalukipkip at nakataas ang kilay habang nakatingin sa kalangitan. Hindi nagtagal ay naramdaman ko naman ang presensya niya. His presence gave me something. Ang weird kasi kahit na anong tanggi ko ay pinipilit ng damdamin ko. Yes! Kahit na kinamumuhian ko siya dahil sa panloloko sa akin, aaminin kong binibigyan ako ng presensya ng kapayapaan. Si lola ang isang taong nagpaparamdam sa akin niyon, at siya ang ikalawa. “Grapes?” inalok niya sa akin ang chalice na may lamang kulay lilang likido. “Nah,” umiling ako upang tanggihan siya. “Seriously, inumin mo 'to, it might subside your feelings about what happened awhile ago,” nanatiling nasa level ng dibdib niya ang chalice saka tumungga sa sarili niyang chalice. 'f**k! What am I doing?' Nainis ako sa sarili ko dahil inabot ko ang inalok niya at tinungga ko iyon hanggang maubos. Nagugulat pa niya akong tiningnan saka pinamulahan ng pisngi. Nagkamot pa ang loko. “Ba't inubos mo agad? Ayaw mo 'kong kausap? Mag-uusap pa tayo e,” sumimangot siya sa harapan ko, napapikit ako ng kurutin ng kalandian ko, ipinilig ko sa ibang direksyon ang paningin ko matapos mahiya sa sariling kaisipan. “G-ganon ba 'yon?” natampal ko ang noo ko nang mautal ako. Hinagod ko pa ang lalamunan ko para lang malihis ang kahihiyan. “Yoy don't drink wine?” nagugulat pang tanong niya. “First time 'to,” seryosong sagot ko, kinuha niya sa 'kin ang chalice. “Kuhanan lang muna kita, sandali,” anya at hindi na hinintay pa ang sasabihin ko. Napakamot tuloy ako sa batok ko, nang mamataan ko sa pwesto si Myrtle, nasa isang tabi, kausap sina Brace, nang maglapat ang paningin namin ay saka niya ako nilabian. Makaraan ang ilang mga sandali ay bumalik si Caleb, dala ang chalice naming parehong may laman. Kinuha ko iyon sa kanya nang ilahad sa akin, saka muling napatingin sa fountain at humigop sa wine. “You're so amazing,” bigla ay wika niya, hindi ko alam kung saan ko ilalagay 'yong tuwa ko, hindi ko nga rin alam kung tama ba itong nararamdaman ko ngayon. I should be thinking of how I should defeat Argus instead of this pero wala akong magawa, si Caleb ito e, kahit na anong gawin kong paraan upang magalit sa kanya ay ako ang kaagad na tumitiklop. “Ngayon mo lang alam?” mayabang na tanong ko, I didn't stare at him kasi 'pag ginawa ko 'yon baka magtitigan kami tapos—hmm, tapos—what the heck am I thinking? Really, Tina? In the middle of all this? “Yabang ha,” gulat na sagot niya. Nakasuksok 'yong isang kamay niya sa kabilang braso niya habang nakahawak naman sa wine 'yong isa. “Kayabangan ba 'yon?” “E ano 'yon para sa'yo?” pareho kaming humigop. “Talent 'yon, baliw,” ngisi ko. “Hmm,” tumikhim siya, naramdaman kong nakatitig na naman siya sa'kin. “Tina,” wika niya. “Bakit?” pinanatili kong hindi siya nililingon. “Papatayin mo ba kami?” bigla ay tanong niya dahilan upang matawa ako sa kaloob-looban ko. Naalala ko na naman ang malamyang linya na 'yon. Pinaniwalaan ba talaga nila 'yon? “Pag-iisipan ko,” hindi niya mahihimigan ang pagkapilyo ko dahil magaling ako sa bagay na ito, ang magtago ng ekspresyon sa mukha, easy pizzy boy! Napalunok siya saka tinanggal ang paningin sa'kin, “Akala ko biro mo lang 'yon,” bigla ay nalungkot siya. “Hindi biro ang traydurin ka ng sarili mong kakampi lalo na ng sarili mong kaibigan at kapanalig,” pawang katotohanan, masakit sa aking sabihin 'yon subalit 'yon ang totoo. “S-sorry,” nagsasawa na rin ako sa salitang ito. “Nakakasawa nang pakinggan ang salitang 'yan,” wala sa isip kong usal. “Bakit?” “Ginagamit lamang 'yan ng mga taong may disiplina sa sarili,” makahulugang sagot ko, nagkunot siya ng noo. “What do you mean by that?” “Magsorry ka kung hindi mo uulitin,” diretsong sagot ko, walang kurap-kurap, muli ay napalunok siya. “What if magkamali ulit kami, patatawarin mo ba ulit kami?” that moment, doon ko siya tiningnan. “Hindi ko pa nga kayo pinatatawad, advance ha?” mahina akong tumawa. “Gusto kita—” “What!?” gulat kong bulyaw sa kanya at umatras ako ng kaonti. “I mean, g-gusto kitang nakikitang tumatawa,” utal na dagdag niya roon sa naudlot na sinabi kanina. “Baliw na ako kung nangyari 'yon.” “Seryoso kasi e!” inis na kamot niya sa batok niya. “'Yon ako e,” sagot ko muli at nagbuntong hininga. “Pero mapapatawad mo ba kami? Ako?” sinsero niyang tanong na nakatingin na naman sa akin. “Hindi mo pa naitatanong nagawa ko na,” matapos ko iyong sabihin kahit na pinamumulahan ako'y ginawa ko ang lahat upang hindi niya mahalata. Tinungga ko ang natitirang laman ng chalice ko at saka ngumiti. Hindi siya nakapagsalita, nakatingin lamang siya sa akin hanggang sa ilahad ko pabalik sa kamay niya ang chalice. Kumaway ako sa mismong mukha niya at nginisihan siya. “'Wag ka ngang ganyan sa harapan ko, mukha kang bading!” tinawanan ko siya dahil doon, napansin kong napalingon sa gawi namin 'yong nga kasama namin. Kaya agad akong tumiklop sa hiya. Naglabas pala ng mahabang mesa ang reyna at napagpasyahang dito raw sa labas i-celebrate ang pagkapanalo namin. At sa iksi ng oras na inilaan ko sa tabi ni Caleb, nakaramdam ako ng kapayapaan, kapayapaan na akala ko gaya ng kay lola subalit hindi dahil habang tumatagal, mas nagiging matibay ang nararamdman kong iyon. 'Baka masanay ako at magsisi rin at the same time.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD