21 - The Guardians

1538 Words
Chapter 21: The Guardians As I raised my right arm above, a purple light ball created in my palm. A sparkling of thread of lightning is visible on its surface. Nakakamangha, it was my very first time using that kind of energy. There's this tingling sensation that abruptly grovelled from my innermost self. “T-that is—” hindi naituloy ni HM ang kanyang mga sasabihin dahil inuunahan siya ng takot. Umawang ang kanyang labi ng pagkalawak-lawak habang nakikita ko ang repleksyon ng liwanag sa mga mata niya. Hindi siya makakilos doon sa kanyang kinaroroonan, he may be very overwhelmed. I threw the ball in his direction while he was dumbfounded standing there. He was like an idiot for a second. Pero napapabilib niya talaga ako dahil kahit gaanong kalakasan ang ginawa niyang pananggalang ay perpekto niya iyong ginawa sa loob ng maikling oras. “Hmm,” ngumisi ako matapos makita ang paglapat ng atake ko sa barrier niya. Nanatiling nakatitig ang paningin ko sa kanya at nakita kung paano mabasag ang barrier niya at tumilapon siya sa ibaba. Humukay ng malalim na tipak ng lupa ang pagkakabagsak niya roon. Gumawa rin ng malakas na pagsabog ang impak na iyon at nagsiliparan ang mga debris sa iba't ibang direksyon. Sa isang maliit na bola ng kapangyarihan ko ay isang iglap ding nabura ang lugar na kinaroroonan namin. That is what he was telling me, I should have been killed once when I still don't know what life is for. Pero, huli na sila dahil ito na ako ngayon. Pinanghahawakan ko ang mga itinuro sa akin ng aking lola. Naaalala ko ang lahat ng pamamaraan niya. Kung paano niya ako tinuruang bigyan ng kahalagahan ang mga bagay-bagay sa akin paligi, nabubuhay man o hindi. With her, I learned how to value family even though I don't have one but I considered lola as my family. She taught me how to live my insecurities kahit na nagkukulang siya. She kept on pushing me to overcome my flaws. Pinalaki niya akong mayroong sense of humanity kahit na sa mumurang edad. Natutunan ko kung paano intindihin ang gaya kong taong nabubuhay dito sa mundo. Lagi kong ipinaaalala sa isipan ko ang palagi niyang sinasambit sa tuwing nasa ensayo kami ni lola. 'Lahat ng tao sa mundo pantay-pantay, walang malakas, walang mahina. Nabuhay tayong pare-parehong ipinanganak sa pare-parehong proseso, lagi mo iyong tatandaan apo. Lahat ng tao may karapatang mabuhay, kinasusuklaman man, o may dalang sumpa.' Tumindig ako ng maayos habang tinitingnan siyang tumatayo sa pagkakalugmok doon sa kalupaan. Muli ay gumuhit ang pagkakangisi sa kanyang mukha dahilan upang magtaas ako ng kilay. Nararamdaman ko na naman ang kapangyarihan niya, umaakyat sa tuktok ng hangganan. Ngayo'y alam ko na kung bakit siya tinawag na pinakamalakas na mahikano sa buong Maharlika. He has that extraordinary power that hebl possesses. Absorption and extrication. Kaya nagagawa niyang makangisi matapos matamo mula sa akin ang mga kapangyarihang pinakawalan ko. Now, I get it! He's absorbing my attacks, habang naiipon iyon sa vessel niya, it's getting stronger and stronger saka niya ibabalik sa akin ang atake ko ng doble sa lakas na ginawa ko, absorption and extrication. Mula rito sa ere na kinaroroonan ko ay nakita ko kung paano siya gumawa ng malaking bola ng kidlat. Nagsasayaw sa buong lugar ang ilaw nito na gumuguhit pa sa kalangitan. Isinasayaw ng hangin ang maalikabok na hangin dahilan upang tabingan ko ng mga palad ang mukha ko. Napaawang ako nang makitang itulak niya patungo sa akin ang malaking bola ng kidlat, buong pwersa niya iyon ginawa bago ito lumipad ng mabilis patungo sa akin. Muling humampas ang malakas na hangin sa lupa dahilan upang humuho ang ilang mga parte nito at gumawa ng malaking bitak. Ilang segundo bago lumapat sa katawan ko ang malaking bola ng kidlat ay nagawa kong makagawa ng pananggalang. Pinagtatagpi-tagpi ko ang isang daang kalatagan nito upang maging mas matibay pa kompara sa normal kong ginagawa. Inihulma ko ang pananggalang sa katawan ko, naging matibay itong baluti sa katawan ko. Pinandiinan ko ng tingin ang bola at nang isang metro na lamang ang layo nito sa akin ay ganoon na lamang ang tunog na nagpairita sa pandinig ko. Naramdaman ko ang pag-ilaw ng mga mata ko ganon na rin ang buong katawan ko, nang lumapat ang bola ay saka gumapang ang purple mist sa surface nito at sa isang iglap ay naglaho sa usok na kulay lila. Nakita ko ang pagkagulat niya dahil sa ginawa ko. Maski ako'y hindi inaasahan na ganoon ang mangyayari. 'I have defused his attack in a snap.' Nagngitngit siya saka naglaho at naramdaman ang presensya sa likurang bahagi ko. Nararamdaman ko ang bisig niyang umaatake sa leeg ko gayunpaman, nagawa itong nailagan at masangga. 'Sinasabi ko na, hindi siya uubra sa pisikalan.' “Mahina ka,” usal ko na hindi tinatanggal ang pagkakangisi. “Hindi nahuhusgahan ang pagiging mahina sa ginawa mong pagdefuse sa atake ko, Charmer,” ngisi ring sagot niya habang nagsasagupaan ang mga braso, kamay at paa namin. Sa kung saan-saan kami dumadako dahil naglalaho siya sa tuwing muntikan ko nang mabasag ang mukha niya. May konsiderasyon naman ako, kapag sumuko siya, pagbibigyan ko siya at palalayain. “At hindi rin nasusukat ang lakas mo roon sa pag-atake mo,” straightforward na usal ko dahilan upang umusok sa galit ang kanyang ilong at mamula ang kanyang mga mata. “Manahimik ka! Hindi ang isang tulad mong isinumpa lamang ang makakatalo sa isang dakilang tulad ko!” nawawala sa sariling sigaw niya habang pinauulanan ako ng pagkarami-raming mga apoy. He's elemental din pala, kasi kaya niyang manipulahin ang dalawang elemento ng mundo. Kaya niya ring baguhin ang itsura ng ibang nilalang. He's also a wizard. “Let's us consider this small fight as training, HM kasi saanmang anggulo ka tumingin, wala kang laban sa'kin, alam mo ang tungkol diyan,” usal ko na pinahuhupa ang kapangyarihan ko. Nagbalik muli ako sa dating normal. Doon ko nakita ang malaki niyang pagkakangisi dahil maaaring naisip niya na iyon ang tamang oras para umatake dahil ibinaba ko na ang kapangyarihan ko, pero doon siya nagkamali. Nang umatake siya, mabilis siyang nakalapit sa kinaroroonan ko pero mas mabilis ako dahil patakbo pa lamang siya, nakaatake na ako. Itinapat ko sa kanya ang palad ko. “I can turn you into a dust,” naging abo siya, “Ugly creature,” naging malaki siyang halimaw na sobrang pangit ang pisikal na katangian. “Kaya kitang gawin sa kahit na anong gusto ko like pasabugin,” sumabog ang buong katawan niya, “Gawing kung anu-ano,” at nagbago-bago ang itsura niya, mula sa tao hanggang sa maging bagay siya. “At ang isang tiyak kong ayaw mong mangyari ay ito,” when I flicked my fingers ay naghiwa-hiwalay ng pira-piraso ang katawan niya, from malalaki hanggang sa maging kakarampot na hugis. Hanggang maglaho siya sa hangin at sa paningin ko subalit may konsiderasyon ako, mayroon akong pinanghahawakan. Kaya ibinalik ko siya sa dati niyang anyo. “See? You can't win against me kahit na pagbali-baliktarin mo ang mundo, natulo ng isang tulad ko ang dakilang tao sa buong Maharlika, umalis ka na rito, Argus, go wherever you want to go, magtago ka kung gusto mo basta huwag na huwag mong ipapakita sa akin ang pagmumukha mo dahil kapag nangyaring humarang ka muli, hindi na kita pagbibigyan pa,” banta ko sa kanya habang tinatalikuran siya. “Isinumpa man ako ng mundo upang wasakin ito, hindi niyon mapapalitan ang kabutihang itinuro sa akin ng nag-iisang tao, huwag mo kong husgahan, letse!” dagdag ko pa nang lumapat ang mga paa ko sa lupa. “Hindi pa ito ang huli nating pagkikita,” usal niya, tiyak kong nagulat siya dahil hindi niya na makapa ang kwentas sa kanyang leeg. “Ito ba ang hinahanap mo?” nilingon ko siya na may ngisi sa labi, itinaas ko ang kwentas at lumambitin ito habang hawak ko ang tali nito. “Babalikan kita, at sa panahong iyon, tiyak kong mapapaslang na kita,” he's trying to calm himself. “Be my guest!” sigaw ko at nginitian ko siya saka binasag ang amulet sa palad ko. Umilaw ang amulet ng kulay asul na mist at lumitaw sa harapan ko ang limang guardians na nawawala. “Maraming salamat,” sinserong usal niyong mukhang lider sa kanilang limang guardians, tinanguan ko naman siya dahil wala akong masabi. Wala lang akong maisip. Matapos kong gawin 'yon ay saka ko tinanaw ang papalayong si HM Argus. Tinanaw ko ang buong paligid, inayos ko muli ito, nakalapit na rin ang reyna at ang mga tauhan niya, nakasunod naman ang mga kasama ko. Mangiyak-ngiyak na lumapit sa akin si Myrtle at niyakap ako ng mahigpit. “Salamat, bes,” usal niya habang humahagulgol. Hindi niya na napigilan ang sariling maiyak. “Ang hina mo, nakakahiya ka,” pagbibiro ko, hinampas niya ako saka tumawa ng mahina. Baliw. “Ang bad mo talaga!” anya ng humiwalay siya sa mga yakap niya, sunod namang lumapit ang limang Alpha at tinanguan lamang nila ako maliban kay Caleb na nakatitig lamang sa akin. Naimbyerna tuloy ako bigla. “What?” inis kong tanong sa kanya, umiling siya saka pinamulahan. Naku! Naging bakla na! “W-wala,” nauutal na sagot niya, ganoon pa man ay masaya akong makitang ligtas silang lahat. Huminga ako ng malalim dahil ramdam ko na ang pagod sa katawan. Tumingala ako at pinagmasdan ang asul na kalangitan. 'Kung isinumpa ako, hindi ko kailangan gampanan ang nakasulat sa propesiya, iyon ang paniniwalaan ko, kaya kong gumawa ng sarili kong tadhana, hindi ang tadhana ang gagawa niyon para sa'kin.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD