Chapter 20: Argus
Pinagmamasdan ko lamang ang mga pangyayari. Hinahayaan kong ihangin ang aking buhok sa iba't ibang direksyon habang tintingnan silang naglalaban. Ngumiwi ako matapos makitang pandilatan ako ni Caleb at ganoon na rin ang reyna. Maaaring tinatanong nila kung bakit ako narito o kung ganoon nga ang nais nilang ipahiwatig gamit ang ekspresyon na iyon.
“What the hell are you doing here, Tina!?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Caleb.
Kapansin-pansin ang panghihina ng kanyang enerhiya. Maaaring pagod siya sa paulit-ulit na pag-aatake kay HM na kung saan nakikita kong hindi man lang nito kayang madaplisan gamit ang kakayahan niyang hindi nalalamangan ang enerhiya ng HM na kaharap niya.
"May sarili akong desisyon,” walang interes na sagot ko at itinuon ang paningin kay HM na noo'y nakangisi lamang habang pinagsasangga ang mga atake ng reyna.
“At maaari kang mapahamak sa desisyong ginagawa mo ngayon!” sigaw niya roon sa kinaroroonan niya.
Nagtaas ako ng kilay at walang emosyong nilingon siya, “Puwes, tamabi ka kung ayaw mong mapahamak sa gagawin ko,” umarko ng kaunti ang labi ko.
Naging matunog sa pandinig ko ang kanyang mahinang pagmura subalit mas inaalala ko ang kalagayan niya ganoon na rin ang reyna. Nilingon ko ang reyna na sa sandaling iyon ay pinalilibutan ng kanyang sariling panggalang dahil sa atake ni HM.
“Your Highness, ako na ang bahala rito,” I spoke.
She heaved a sigh, alam kong nanghihinayang siya pero hindi niya nagawang kwestiyunin ang sinabi ko dahil hindi siya nagdalawang isip na lapitan si Caleb at maglaho sa paningin ko. I know where they go dahil hanggang dito ay ramdam na ramdam ko ang panghihina ni Caleb ganoon na rin ang reyna.
“Napapahanga mo ako, hija. Maski ang reyna ay nauutusan mo ng ganon-ganon lamang,” sinabi niya iyon habang nakaguhit ang ngisi sa kanyang labi.
Wala akong nakikitang galit kay HM, oo, wala sa ngayon. Kaya hindi ganoon kabigat ang pakiramdam ko sa kanya. Isa lang ang dahilan kung bakit nagsisitindigan ang mga balahibo ko, dahil 'yon sa kakayahang tinataglay niya. Ang enerhiyang dumadaloy sa kanya na dahilan upang mahing tiga-pamahala siya ng akademya. His overwhelming power and the prowess that pushed him to do this things.
Nagningning sa paningin ko ang kwentas na nakatali sa kanyang leeg. Sa amulet na iyon, doon nakakulong ang limang guardians. Wala sa sarili akong napahawak sa suot kong amulet na ibinigay ni lola. Sa pagdaan ng panahon na pamamalagi ko sa akademya, nalaman ko ang gamit ng kwentas na ito.
Lola didn't want me to overuse my power dahil siguro alam niya kung anong kakayahan ang nasa loob ng katawan ko. Kung ano ang tinataglay ko at kung ano ang dala kong panganib.
Simula noong narinig ko mula kay Myrtle ang tawag sa kakayahang ito ay nagsimulang umusbong ang kagustuhan kong alamin ang tungkol sa kapangyarihan ko. Wala nasabi si lola sa akin tungkol dito pero masaya na akong pinahalagahan niya ang katauhan ko. Masaya na ako sa paraang ginawa niya dahil mas inuuna niya ang kapakanan ng nakararami.
Forbidden Charm.
Ito nga yata ang tawag doon. Nang mahawakan ko ang amulet ay saka ko ito hinigit at natanggal nang tuluyan mula sa pagkakasuot sa akin. Matapos ko iyon gawin ay kaagad kong naramdaman ang paggapang ng napakalakas na enerhiya na noon pa man ay pinipigil ng amulet na buksan.
My body produces a purple flare that surrounds me, umikot-ikot ang mga ito habang gumagapang naman sa mga ugat ko ang ilang enerhiyang nagtago sa kaloob-looban ko ng mahabang panahon. Isang napakalakas na liwanag ang nakita ko sa mga mata ko nalaman kong ang mismong ang mga mata ko pala ang umiilaw. Ramdam na ramdam ko ang buong kapangyarihan ko dahilan upang maramdaman kong kabahan na ang taong nasa harapan ko ngayon. Pareho kaming nakalutang sa hangin habang tinatanaw ang pagkasira ng lupain sa aming ibaba.
“What are you trying to do, HM Argus?” may dalawang kahulugan ang tinuran ko, isa ay tanong at isa ay paghahaka-haka.
Nanliit ang mga mata niya at kumulot ang noo, inilagay pa niya sa likuran niya ang kanyang mga kamay. Sumayaw-sayaw sa hangin ang kanyang sotana, nakikita ko ang repleksyon ng kulay ng apoy na naroon at naglalagablab sa aming paanan.
“Maaaring nalaman mo na iyon noong nasa akademya ka pa lamang, bago ko kayo papuntahin dito, tama ba ako?” ngumisi siya. Napansin ko ang naglalarong mga kidlat sa kamay niya. Kahit hindi ko man nakikita iyon dahil nasa likuran niya ito.
“Hmm,” mahinang ungol at pagtango lamang ang isinagot ko sa kanya dahil wala akong makitang dahilan upang bigyan siya ng katiting na salita.
“Kung ganoo'y alam mo ring ipinaing kita sa misyong ito subalit mukhang tumaob lahat ng planong inisip ko na noon pa mang imposible kung sakaling nakaharap na kita mismo,” mahabang litanya niya.
Napahigpit ako sa pagkakakuyom ng palad ko.
“Alam niyo naman palang imposible pero ginawa niyo pa rin,” wika ko at inilihis ang paningin sa natutupok na mga kabahayan . Out of consciousness, I gestured my hand at sa isang iglap ay nawala ang naglalagablab na apoy, naiwan ang makapal na usok.
“Hindi ka pa lang dumarating sa mundo, pinagpaplanuhan na ng lahat ang kamatayan mo, hindi ko lang lubos matanggap na hinayaan kang mabuhay ni Miranda,” maayos naman ang pagkakasabi niya niyon, maliban sa pagbigkas niya sa pangalan ng lola ko. Gumapang ang galit sa kaloob-looban ko dahil doon.
“'Wag kang magbigkas ng taong wala rito,” umihip ang hangin ng sabihin ko iyon.
“Subalit iyon ang totoo! Pinaghandaan ng buong Maharlika ang pagdating mo! Nagsinungaling lamang sa amin ang iyong pinakamamahal na lola," nanunuyang usal niya.
“Dahil alam niya ang tama, higit na alam niya kompara sa inyo,” sagot ko, hindi nagpasindak sa enerhiyang namumutawi sa katauhan niya.
“Tama bang mabuhay sa mundo ang isanh tulad mo? Tama bang mabuhay ka kung ikaw ang itinakdang sisira sa mundo? Sa mga dimensyon? Sa kaayusan? Sabihin mo sa'kin, tama bang mabuhay ka?” hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang pagkasuklam na iyon sa akin gayong wala naman akong ginagawang masama sa kanya, ni hindi ko nga maalalang sinaktan ko siya.
“Anong problema niyon sa'yo? Sa pagbuhay ko, mulat ako sa mundo, wala akong ginawa sa mundo,” huminga ako ng malalim upang mapagaan ang diskusyon na nangyayari sa pagitan namin, “Hindi mo mahuhusgahan ng ganun-ganon ang isang tulad ko o sinumang taong nabubuhay o mabubuhay sa mundong parehong ginagalawan natin, dahil iisa lang ang tanging may karapatang gumawa niyon, at alam kong mahihindik ka sa takot kapag sinabi ko kung sino siya,” usal ko, napansin ko ang pagkakabado niya matapos kong banggitin ang tungkol doon.
Nagpakawala siya ng malalakas na kidlat sa kalangitan. Nagawa kong makailag sa unang atake niya subalit nadaplisan ako niyong pangalawa. Ganon pala kakati iyon kapag pumupunit sa balat.
“Ngayo'y naiisip ko na kung bakit kinamumuhian mo ako, Argus,” walang galang na wika ko. Halos magulantang siya nang sabihin ko iyon at mas nagpakawala ng mas maraming kidlat.
“Manahimik ka!” nagngangalit na sigaw niya.
“Hindi ba't natatakot ka dahil ako ang itinakda? Itinakdang magbabalik sa'yo kung saan ka itinapon,” nakangisi ko iyon sinabi habang sinasangga ang mga pag-atake niya. Malakas ang mahika niya pero malas siya, kasi mas malakas ako sa pisikalan.
'Ako ang magbabalik sa kanya sa pinanggalingan niyang lungga na kung saan igagapos ko siya sa pitong nakamamatay na kasalanan, mga kalanang magluluklok sa kanya habang buhay!'