Chapter 19: Another Chance
Wala akong nagawa noong kuyugin nila ako palabas ng kaharian at magtago sa malapit na gubat. Hindi mapakali ang mga kasama ko, habang naging matunog naman sa tenga ko ang malalakas na pagsabog mula sa kahariang pinanggalingan namin. Siguro ay naglalaban na ang reyna at si HM.
“Huwag ninyong hahayaan na makuha ni HM si Tina,” usal ni Caleb na may pagpupursigi, tiningnan ko siya na may nangungusap na mata. He suddenly changed.
“Bakit? Saan ka pupunta?” asked Myrtle, nag-aalala siya.
Caleb sighed deeply, then looked at me, “Tutulungan ko ang reyna.”
Natahimik sila maliban sa'kin na kanina pa tahimik, wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang panoorin silang itakas ako. Pero, habang ginagawa nilang lahat ang pagtatakas sa akin, namumutawi naman sa kalooban ko ang maraming katanungan.
Kung bakit tinutulungan kami ng reyna kahit na mas maliwanag pa sa araw ang kahulugan ng lahat. Ang panig namin laban sa panig ng reyna. Hindi por que mapayapa ang koneksyon ay isasawalang-bahala na ang katotohanang magkatunggali ang dalawang dimensyon. Naghalukipkip ako matapos intindihin ang mga bagay-bagay. Sumandal ako sa malapit na puno at pinanuod ko ang mga kasama kong mahing alerto sa paligid.
Hindi ako nakakaramdam ng kahit anumang uri ng pakiramdam ngayon, maliban sa pagiging panatag ko. Hindi ako takot at hindi ako kinakabahan. Ang weird lang kung iisipin. Nawiwirduhan nga rin ako sa kakayahan na mayroon ako, kung bakit hindi ko magawang matakot sa HM namin.
“Hmm,” tumikhim ako matapos siringan si Caleb na papatalikod pa lamang. He halted there, alam niya sigurong may sasabihin pa ako.
“Sabihin mo na kung may gusto kang sabihin, baka kasi hindi ko na 'yon maririnig pa pag-alis ko rito,” makahulugang usal niya. Palihim ko siyang tinaasan ng kilay.
“Bumalik ka,” seryosong usal ko dahilan upang mapatingin sa gawi ko ang Alpha, si Myrtle at ang mga heneral. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Dahil ako ang papatay sa'yo,” dagdag ko pa, umihip ang mahinang hangin, inilipad nito ang ilang hibla ng buhok ko.
“Hmm,” tumango siya at ikinuyom ang mga palad. Saka siya naglaho sa harapan naming lahat. Naiwan naman kami ritong sobrang tahimik, especially itong mga kasama kong parang pinukpukan ng martilyo sa ulo.
Natakot yata sa sinabi ko kay Caleb.
“Hindi ko siya kilala, pero sa paraan ng pagkakasabi niya niyon kay Alpha Caleb, isa lang na patunay na malakas siya,” rinig kong komento ng isang heneral.
“Nabibigyan na tayo ng kakaibang pakiramdam ng mga Alpha, paano pa kaya sa kanya?” pagsang-ayon naman niyong isa pa.
“Manahimik kayo,” sita niyong isa habang hindi makatingin sa akin.
Lumapit sa kinaroroonan ko si Myrtle, nakatungo siya habang nasa harapan niya ang kanyang naglalarong mga kamay. Siniringan ko lamang siya saka inilayo sa kanya ang paningin ko.
'I can't believe that she betrayed me for just being afraid of that rugged old man!'
“May kailangan ka?” walang tonong usal ko, hindi ko siya nilapatan ng tingin, nanatiling nasa malayo ang paningin ko.
“Hmm,” tumango siya habang nakatungo pa rin.
“Anong kailangan mo?”
“'Yong about s-sa...”
“Hmm??”
“Sorry,” she apologized.
“For what?”
“For betraying you,” nauutal na usal niya.
Hindi ako sumagot, nanatiling nasa malayo pa rin ang paningin ko dahil hindi ko maatim na tingnan siya dahil kapag ginawa ko iyon, naaalala ko lang iyong ginawa nila sa akin.
“M-may hihilingin lang sana ako,” she spoke, pautal-utal iyon.
Hindi ako umimik o kahit man lang gumalaw, nakikinig lang ako sa kanya. Hindi por que may galit ako ay hindi ko na siya pakikinggan? I'm not like that.
“Hihilingin ko sanang kalimutan mo 'yong sinabi sa'yo ni Caleb,” she said without looking at me.
“Ang dami niyang sinabi, alin doon?”
“Iyong,” nahinto siya saka huminga ng malalim.
“Hmm,” I sighed.
“Papatayin mo ba kami?” she straightforwardly asked, ngayon ay hinay-hinay na umangat ang kanyang mukha at tiningnan ako habang may luha sa mga gilid ng mata. Napalunok ako.
Napatahimik ako, nanatiling nakasuksok ang bawat kamay sa bawat braso ko. I felt intimidated, parang ayaw ko sa tanong niyang iyon. Gusto ko siyang bulyawan o pektusan kaso nawala na 'yong closeness na iyon sa amin. Wala na akong karapatang gawin iyon sa kanya.
Inilayo ko muli ang paningin ko at pinanuod siya sa peripheral vision ko, umaagos pa rin iyong mga luha niya.
Tumikhim ako.
“Pag-iisipan ko,” seryosong usal ko habang nakatingin sa malayo.
Nagpunas siya ng kanyang mga luha. “Masaya na akong marinig iyon mula sa'yo dahil feeling ko may chance pa kami na bumawi,” she smiled. How can she even smile while crying? Weirdo.
Saka kami naalarma matapos makita ang malakas na pagsabog na nagmula sa kaharian. Nakita ko ang malakas na liwanag na nagmula doon at ang makapal na ulap na umere sa kalangitan. Napalunok ako matapos pumasok ang pag-aalala sa kalooban ko.
'No! He betrayed you, Tina, you shouldn't feel that!'
Pero may parte sa akin na naaawa at nag-aalala. Dahil mayroon kaming pinagsamahan ni Caleb, though it was a bit of time, kokonting oras at panahon lamang pero may mga bagay siyang ginawang maganda sa iksi ng oras na iyon. He became a friend to me. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko kayang magalit sa kanila ng sobra-sobra.
Pero pagbibigyan ko sila this time, patatawarin ko sila sa ngayon at kapag may ginawa ulit sila sa akin na hindi maganda. Doon ako magdedesisyon hindiboara sa kapakanan nila kundi para sa sarili ko. Humakbang ako at nakita iyon ng mga kasama ko. Umawang ang labi nila nang lumutang ako sa hangin.
“Where are you going?" hinarangan ako ni Myrtle.
“Ako ang haharap sa HM, manatili kayo rito, kailangan ko munang tapusin ang HM bago kayo,” I decided, napalunok siya sa sinabi ko at walang nagawa noong maglaho ako sa harapan nilang lahat.
'This will be the last time na pagbibigyan ko sila, hindi ko na alam kung mauulit pa ito.'
Nang lumitaw ako sa kinaroroonan nila ay laking gulat ko nang makitang wasak na ang kalahating porsyento na bahagi ng kaharian. Hindi na ako nagulat sa kakayahan nila, na magiging ganito ka lala ang mangyayari rito.
Nilapatan ko nang tingin ang reyna na suot ang battle suit niya, kita ang ilang sensitibong parte ng katawan niya at ang nagngangalit na mahika ni Caleb. Pare-pareho kaming nakalutang sa hangin. Tinanaw ko ang distansya ng HM habang nilalapatan ako ng masamang tingin at nakangisi. Totoo, malakas nga siya at hindi ko sukat akalain na ang kakayahan niya'y bibigyan ako ng kakaibang pakiramdam sa katawan.