18 - The Agenda

1452 Words
Chapter 18: The Agenda Naupo kami sa hanay-hanay na upuan, kaharap namin ang mahabang mesa na kung saan sa kabilang bahagi ay naka-upo ang reyna at ang lima niyang heneral. Heneral ang tawag niya sa pinakamataas at pinakamalakas na sundalo niya na dumaan pa sa maraming mga pagsubok para lamang marating kung saan sila ngayon nakaluklok. Ano kayang pakiramdam na hawak ka ng reyna? Na isa ka sa mga kanang kamay niya? Isa-isa ko silang tiningnan, bawat paglapat ng paningin ko sa kanila ay siya namang lingon nila sa gawi ko. They gave me such a weird feeling. Hindi ko pinahalata ang kaba sa aking dibdib. Malakas ang kanilang reyna tapos dumagdag pa ang mga heneral na ito. Intense 'yong atmosphere namin lalo na sa mata ng limang Alpha na kasama ko ngayon. Hindi rin mapakali si Myrtle dahil maliban sa kakayahan kong nakakadama ng kapasidad ng iba ay kaya niya ring gawin ang ginagawa ko. "Iyon ang pakay ninyo rito? Haha! Maniwala kayo sa'kin, baka mas kampihan niyo pa ako kapag nalaman ninyo kung sino talaga si Argus," usal ng reyna pagkatapos ay tinungga ang inumin. So, may alam siya tungkol kay HM Argus? "Ano pong ibig ninyong sabihin," asked Myrtle. Nanatili akong nakahalukipkip dito sa kinauupuan ko habang nakikinig sa kanila. "Bakit hindi mo tanungin hija itong mga kasama mo," makahulugan niyang usal habang nakangisi siyang nakatingin kay Myrtle tapos ay ipinasada sa limang Alpha ang kanyang paningin. Pinanatili ko ang pagiging kalmado sa harapan nilang lahat dahil ayaw kong makasira ng anumang pagkakasundo namin dito. Nakita ko ang paglunok ni Brace ganoon na rin ang pagkuyom ni Caleb at ang hindi mapakaling sina Drex, Monroe at Klint. "What are you talking about, Your Highness?" magalang subalit may pagkainis na tanong ni Brace. "Oh! You know what I am talking about," ngising sagot ng reyna. "Bakit hindi ninyo sabihin sa amin ngayon? Tutal ang dami ko na ring napapansin sa inyo," walang interes na usal ko. Napatingin sila sa akin, pare-parehong nakakunot ang kanilang mga noo. "Or baka gusto niyo pang hatakin ko 'yang nga dila ninyo upang makapagsalita lang?" banta ko. "See?" ani ng reyna, mukhang pinapanigan niya ako. Ewan ko lang kay Myrtle na nakatungo ngayon sa tabi ko. 'Alam ko naman na may mga tinatago kayong sikreto.' "You remind me of someone, hija," usal ng reyna habang nakatingin sa'kin. She looked at my eyes. Nakikita niya sigiro ang pagkinang ng lila kong mga mata. "Let's not talk about it, ang pag-usapan natin ay kung ano ang tunay na hangarin ng aming HM sa dimensyon namin at sa dimensyon na ito," usal ko, natikom ang reyna dahilan upang mapatingin sa akin ang heneral niya. Tinaasan ko sila ng aking kilay. Ngumiti ang reyna sa'kin, tila inaprubahanban ang sinabi ko. Hindi makatingin sa akin ang limang Alpha ganoon na rin si Myrtle. May alam ba 'tong babae na 'to na hindi man lang sinabi sa'kin kung ano 'yon? Tinaasan ko siya ng kilay. "May alam ka?" seryosong tanong ko sa kanya matapos ko siyang titigan ng sobrang seryoso ay pinasadahan ko naman ang mga Alpha. "May alam kayo?" umuusbong 'yong pagdududa ko sa kanila. Inangat ni Myrtle ang tingin niya at pinantayan ang paningin ko. Nangungusap ang kanyang mga mata, may kung anong pinahihiwatig. Nanatiling naka-upo ang reyna ganoon na rin ang kanyang heneral habang nakatayo naman ako at kaharap ang mga kasama ko. From this moment of truth, hindi ko mawari kung kasama ko ba sila or what? Ilang beses ko na 'yon napansin e subalit hindi lang ako umiimik kasi baka may problema lang sila. "S-sasabihin naman namin kasi sa'yo," nautal na sagot ni Myrtle. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigo. She disappointed me throughout the times na siya ang naging sandalan ko. Everything went wrong. "So, may nalalaman ka nga talaga?" umihip ang hangin sa paligid namin sanhi upang dumaan ang nakakabinging katahimikan. Malikot ang mga mata niyang nilulubayan ang paningin ko. "Wag mo siyang sisihin, Tina," interrupted Brace. "So, sino? Ikaw? Sino sa inyo ang pwede kong sisihin kung ganoon?" ang bigat kasi pakiramdam na sarili mong mga kasama, tinuring ko na nga silang lahat na kaibigan pero sa huli tatraydurin lang pala nila ako? Para ano? "Tina, listen to us please," si Caleb na ang tumayo para sa kanila. "Paano kita pagkakatiwalaan Caleb kung buong byahe natin, dudang-duda na ako sa ipinapakita mo?" straightforward na usal ko dahilan upang hindi rin siya makitingin sa'kin. "See? Mga letse kayo! Mga traydor! Tell me? Hindi ang kapayapaang nais na hinahangad ni HM ang tunay na pakay natin dito 'di ba?" diretsong saad ko, narinig ko ang paggalaw ng upuan ng reyna, maaaring siya ay gulat din dahil sa tanong ko. "What do you mean, hija?" she asked. "Tina, makinig ka naman please, please, isipin mo naman muna na kaibigan mo kami kahit 'yong mga sandaling pagsasama natin, makinig ka naman sa paliwanag namin," maluha-luhang pakiusap ni Myrtle na halos lumuhod na sa harapan ko, hindi rin niya magawang makahawak sa kamay ko dahil iniiwas ko ito sa kanya. "Ang daming araw na pwede kayong umamin sa akin, simula noong una palang, lalo ka na, itinuring pa naman kitang kapatid," nanunuya ko siyang tiningnan. "I have no choice but to follow HM! 'Yon ang totoo! Lahat kami ay sunud-sunuran sa kanya dahil alam nating lahat na walang nakakatalo sa kakayahang mayroon siya!" hindi napigilan ang sarili at umiyak na ito sa harapan namin, subalit hindi ako nakukuha lang sa mga pag-iyak, Myrtle. Nilagpasan ko siya na parang walang narinig mula sa kanya at lumapit ako kay Caleb na walang ibang ginawa kundi ang suminghap at tumingin sa malayo. "Gusto kong malaman mula sa sa'yo ang lahat," sambit ko habang nakatuon ang paningin sa nakatalikod na si Caleb, nakita ko rito ang nakangising reyna na siguro'y gustung-gusto ang mga nangyayari. 'Isusunod ko siya mamaya, 'kala niya may takas siya?' "Really? Gustong mong malaman ang lahat?" sagot niya habang nakataas ang isang kilay, kinukuha 'yong tatag para lang sigawan ako. Napapikit pa ako nang ilang ulit dahil sa ginawa niya. It's my first time being shouted in front of my face. What a good grief! "Caleb, don't-" pigil ni Drex. "No! It's the right time to tell her the whole f*****g truth about this goddamn mission!" bulyaw niya sa kasama niya. Habang sinasabi iyon ni Caleb ay unti-unti naman akong nawawalan ng composure. Nawawalan ako ng gana sa lahat. Muling tumingin sa'kin si Caleb may galit na sa kanyang mga mata na kailanman ay hindi ko nakita noon, pero ngayon, ewan, hindi ko alam kung sino itong nasa harapan ko. He just lied to me! "Gusto mong malaman 'di ba? Gusto kang ipapatay ni HM dahil alam niyang isa kang Forbidden Charmer, upang magampanan ang balak na iyon ay nais niyang pumunta tayo rito sa Sorcery Dimension upang paglabanin kayo ng reyna but it turns out na walang mangyayaring sagupaan dahil bago pa man iyon mangyari ay naunahan na kami ng reyna-" naputol ang susunod niyang sasabihin dahil sa malakas na pagsabog. Ang bolang liwanag na iyon ay tumama mismo kay Caleb. Nag-uumpaw na mahika ang nararamdaman ko ngayon dahilan upang mapalingon ako sa kung sinuman ang nagmamay-ari niyon. "Mga walang silbi! Talagang ako pa ang tatapos sa misyong ito?" rinig ko ang nanggagalaiting sigaw ni HM Argus sa hindi kalayuan. 'He's here! Nandito siya upang tapusin ako!' Subalit bago pa man ako makagalaw ay inunahan na ako ng reyna. She flew outside through the bid whole that created because of the sudden attack made by HM Argus. Lumapit sa akin si Myrtle, "Let's go, Tina, the Queen already gives us her cue, siya na ang bahala rito, ang importante ay mailabas ka namin dito sa dimension na ito." Nagkunot ako bigla. "What!?" naguguluhang usisa ko. Nakita ko pang nakapaligid sa amin ang mga heneral ganoon na rin ang Alpha, tinutulungan nila kaming makatakas. "Pero bakit? Bakit ngayon pa ako tatago? Kaya kong kalabanin si HM," usal ko. Si Caleb na ang nasa tabi ko, 'di ko man lang naramdaman ang pagpalit nila ni Myrtle. "No, you won't stand against him, masyado siyang maalam sa mahika at ikaw, hindi ka pa bihasa sa kapangyarihan mo, maaaring masira mo ang dimensyon na ito sa isang iglap lamang kapag nagkamali ka sa paggamit ng 'yong kakayahan," paliwanag niya, hindi ko alam kung paniniwalaan pa ba sila. "Paano ako maniniwala sa inyo?" hatak-hatak niya ako patungo sa kung saan, hindi pa kami nakalalabas ng kaharian. Nanatili namang mahigpit na nakabantay sa paligid ang mga heneral at ang Alpha, kahit papaano'y may nakita akong tiyansa. I can still forgive them. "Kill us after this, tutal naging traydor kami sa'yo," sa sinabi niya ay napalingon pa ang mga kasama niya, hindi makapaniwala sa sinabi ni Caleb subalit wala rin silang nagawa. "Sige," maiksing sagot ko at hinayaan ko na lang ang sarili kong dalhin nila sa kung saan alam nilang malayo kay Argus. 'I'll kill them for fooling me!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD