17 - The Queen

1143 Words
Chapter 17: The Queen "Ganito ba talaga ang estraktura ng kaharian nila?" Hindi mapigilang wika ni Myrtle, kamot-kamot ang batok habang nakatingala sa hindi gaanong nakakasiyang kaharian. Napako ang paningin ko sa tatlong dragon na paikut-ikot lamang sa paglipad sa tuktok ng kaharian. "Judgmental ka," I spoke, natampal niya ang bibig niya at sinamaan ako ng tingin. "I mean, ganito talaga?" she's trying to explain and I can clearly get what she wants us to understand. Nagkibit-balikat ako, "Aba malay ko? Ngayon lang naman ako napadpad dito!" "Guys be ready, paparating ang mga kawal ng reyna," babala sa'min ni Drex, I can sense it too, ang mga yapak nila. "This feeling is so obnoxious," maktol pa ni Myrtle. Bumukas ang malaking tarangkahan ng kaharian at tumanbad sa mga mata namin ang looban. May kalayuan pa ang lalakarin namin. Sinalubong kami ng mga kawal. Suot-suot nila ang armor nila, naisip ko lang kung may araw ba na hinubad nila ang metal na baluti na 'yon. 'Ano bang pakialam ko?' "Anong kailangan ninyo at naparito kayo sa aming dimensyon?" tanong niyong isa, magkakapareho sila ng kasuotan pati na ang kanilang mga mukha'y hindi namin makita o masilayan dahil may baluti rin, ang kanila lamang mga mata ang nakikita namin. "Ang reyna, kailangan naming makausap ang reyna," spoke Caleb. "Sino ang nagpadala sa inyo at saang dimensyon kayo nanggaling?" tanong pa niya. "Maharlika," maikling sagot ni Caleb. Nagkatinginan ang sampung mga kawal at tumango rin sa huli, pinapasok nila kami na parang may paga-alinlangan. "Anong nangyari rito?" asked Brace sa isa sa mga kawal. "Pasensya na subalit wala ako sa posisyon upang magsalita ng tungkol sa bagay na iyan," sagot niya. "Ah, I see," 'yon na lang ang tanging naisagot ni Brace. Makaraan ang ilang minutong paglalakad ay narating na nga namin ang palasyo, pinapasok nila kami, naiwan 'yong siyam na kawal at sumama sa amin ang isa upang ituro ang daan. Tiningnan ko ang bawat sulok ng estraktura, magara, at maganda ang pagkakagawa. May pulang carpet na dinadaanan namin patungo sa pugad ng reyna, kung saan matatagpuan ang kanyang trono. May mga chandeliers na nakabitin sa mataas na kisame na nagsisilbing ilaw namin papasok sa madilim na espasyo hanggang sa marating na nga namin ang trono niya. Nagngangalit ang bagang kong pinigil ang sariling kabahan dahil sa namumutawing lakas na meron ang reynang nasa harap namin. She was sitting there while grinning at us. Nakaupo siya ng sobrang nagmamahinhin. Sinulyapan ko pa ang koronang nakapatong sa kulay itim niyang buhok na may haba hanggang bewang. Ang mga mata niya'y sakto lang upang hindi siya tignan ng mga taong walang laban sa mga titig niya, maliban sa'kin. "You brought a new companions," she started, boses pa lang nakakapanggigil na. Halos magtindigan ang mga balahibo ko dahil sa nararamdamang enerhiya na nagmumula sa kanya. "We came here to talk with you, Your Highness," magalang na usal ni Caleb tapos ay tumungo bilang respeto at ganon na rin sila, maliban ulit sa'kin. Nakatitig lamang kasi ako sa reyna. Natauhan ako nang kalabitin ako ni Myrtle, "What the hell are you doing?" "Ha?" wala sa sariling utal ko. "Give her some respect," gigil na bulong niya sa'kin. "Ah, I'm sorry," sapilitan akong napatungo, hindi ko alam kung bakit ako nawawala sa sarili habang pinakikiramdaman ang enerhiya ng reyna. Hindi gumalaw ang ulo ng reyna nang lapatan niya ako ng kanyang tingin. Ang mga mata lamang niya ang gumalaw sanhi upang magtaas ako ng kilay. "Who's this one?" walang anu-ano'y nasa harapan ko na siya, she just teleported. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Matangkad siyang reyna, suot niya ang kulay itim niyang kasuotan, gown iyon na sumasayad sa sahig. May mga palamuting nakalagay roon na mas nagbigay ng ganda sa suot niya. "Hamak na estudyante ng Maharlika, mahal na reyna," sagot ni Brace, nilingon ko siya habang sinasabi 'yon. Nakatingin siya sa reyna. Umikot ang reyna sa kinatatayuan ko. Mariin niya akong tinitigan, parang sinusuri niya ang pagkatao ko by just staring at me. Naintriga ako sa kulay pula niyang mga mata at ang mahahaba niyang pilik-mata. Maganda siya, no doubt. "She's my right hand," nabigla ako sa biglang lumabas sa bibig ni Caleb. Maawtoridad at seryoso habang mariin ang tingin na ipinukol sa reyna. "Oh? I see, kailangan nga pala ng unang Alpha ng kanang kamay," wala na ang tingin niya sa'kin dahil nasa kasamahan ko na. Huminga ako ng matiwasay. Inaamin ko, nagulantang ang katauhan ko sa presensya ng reyna. Malakas nga siya, malayo pa nga lang ay nararamdaman ko na ang presensya niya, how much more ngayong nasa harapan na namin siya. Nakakapanindig balahibo, tama, 'yon ang tamang pagbibigay larawan sa isang tulad niya. "And you, who are you?" tumapat siya kay Myrtle. Naningkit ang mga mata ni Myrtle na hinarap ang reyna. Hindi makatingin ng diretso si Myrtle sa mga mata nito. I can feel that she's afraid. "A-ako po si Myrtle Fyere-" she was haulted. "You are a mage, aren't you?" diretsong wika ng reyna. "O-opo," nakatungong sagot niya habang naglalaro ang mga daliri niya sa harapan. Naglakad ito palapit sa'kin. "Ikaw, hija, kakaiba ka, iba ang nararamdaman ko sa'yo," usal niya habang nasa tapat ko. Hindi ako takot na tumingin sa kanyang mga mata, nagtiim-bagang lamang ako at nanatiling walang imik. "You should be frightened, Your Highness," walang emosyong usal ko. Biglang tumahimik ang paligid, ang kakina'y mainteres na mukha niya'y napalitan ng pagkamangha. "Woah!" napapalawak na manghang usal ng reyna mismo sa harapan ko na kulang na lamang ay mapapalakpak ito. "What a brave lady! I like you, ang taas ng tingin mo sa sarili mo," iyong huling linya niya ay doon nawala ang interes at napalitan ang reaksyon ng kanyang mukha. "I've no choice, Your Highness," sagot ko pa dahilan upang marinig ko ang paglunok ng mga kasama ko. Nakikita ko rin ang paghahanda niyong nakabantay na kawal dito pero pinigilan sila ng reyna. "Gusto ko ang tapang na mayroon ang batang ito, ano ang pangalan mo hija?" she asked. Inayos ko ang pagkakatayo ko. "Tina, Tina Salamanca, Your Highness," sagot ko. Buti na lamang at dumating na 'yong isang tagapamahala niya, "Your Highness, nakahanda na po ang konseho," anya. "Mainam, tara, tumungo na tayo roon at pag-usapan ang dapat pag-usapan," usal ng reyna at binigyan ako ng makahulugang tingin. Nang maglakad siya ay saka lumapit si Myrtle at kinurot ako ng mahina sa siko. "What the heck! Ano 'yon?" she hysterically said. "Ano?" walang interes na sagot ko. "Yong sagutan ninyo ng reyna!" anya pa. "Wala 'yon, masinsinan lang kaming nagkamustahan, I guess gusto niya 'ko," I grinned. "What! Oo, gusto ka niyang katayin dahil sa pagiging disrespectful mo kanina, ako pa tuloy ang natakot para sa'yo! Kainis ka e!" naiirita na 'ko sa bunganga ng isang 'to kaya naman ay sumunod na kami sa mga kawal na papasok sa konseho. What happened lately ay wala lang. Wala namang nangyari sa'kin and naging totoo lang ako sa harapan ng reyna. Hindi ko kailangang magpakitang tao sa harap niya just to have her side, upang makuha namin ang pakay dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD