Chapter 16: Energy
Napakakampante naming pito rito habang hinaharap ang limang hindi kilalang tao, pero tiyak ko ay tauhan sila ng Reyna. We should know that. Palagingmay bantay ang portal, dahil laging bukas ang portal nila.
'Yon ang tanong, kung bakit laging bukas ang lagusan nila.
"Nandito kami upang makausap ang Reyna, hindi ba 'yon maliwanag sa inyo?" naiirita nang usal ni Caleb kaya naman ay nilapitan siya ni Brace.
"Kalma lang muna, Leb," anya.
Humakbang ako, palapit sa kanila, nakita ko ang hindi nila maayos na pagkakatingin sa gawi ko. They might be sensing my magic power, as well as my unwanted presence.
"Siya ba ang ipinadala ng Maharlika upang panakot sa atin?" usal ng isa na nasa kaliwa.
Nakita ko ang pagkasindak sa mga mata niya dahilan upang ngumisi ako. Dalawang metro ang layo ko mula sa kanila. Hindi na rin maayos ang pagkakatayo niyong nasa gitna na tiyak kong isa pinakamalakas sa kanila dahil sa binibigay nitong babala sa'kin.
"Kailangan naming makausap abg Reyna," walang emosyong usal ko.
Hindi sila umimik o kung anuman. Hindi nakawala sa paningin ko kung paano kumuyom 'yong basa gitna nilang apat. Nagtitimpi siya pero walang ding nagawa dahil wala talaga siyang magagawa kundi ang padaanin kami.
Sinulyapan ko ang mga kasama ko.
"Tina!" Myrtle exclaimed, she stepped forward kaso napahinto rin, lahat ng kasamahan ko ay gulat na gulat sa pangyayari, pero alam ko na darating kami sa puntong ito.
Nilingon ko siya, 'yong lalaking nagbibigay sa'kin ng konting sipa sa katawan. Oo, 'yong hunghang na 'yon na pinakamalakas sa kanilang lima.
Nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa mabigat niya sandata habang nakasangga ang palad ko na muntikan na niyang hampasin gamit ang patalim na iyon. It's his weaponry. And I admit that he's kinda trouble. Nginisihan ko siya dahil lumilikot ang mata niya habang nakamasid sa kulay purple kong mga mata.
His allies gasped as I kicked him back to his former position. Malaki-laki 'yong sandata niya and wala man lang saysay 'yon
"She dodged your attack!" usisa niyong isa.
"Gaano ba siya kalakas?"
"Nakakapanindig balahibo ang nararamdaman kong kapangyarihan mula sa kanya, sino ba siya?" ani naman niyong isa.
I grinned as I tried to compose and calm myself. Nawala ang mist na lumilipad sa katawan ko. Bumalik ako sa normal kong kapasidad.
"Pararaanin niyo ba kami o dadanak ang dugo rito?" si Myrtle.
They gulped. Ito yata ang unang pagkakataon na mayroong tumalo sa kataasan ng tingin nila sa kanilang mga sarili. Well, malas nila, kasi hindi kami basta-basta.
"Hindi pa ito ang huli!" matapos iyong sabihin niyong lider nila ay saka sila pare-parehong naglaho.
"Woah!" gasped Klint.
"What was that?" si Drex.
"Ang astig mo naman!" masiglang usisa ni Monroe sa'kin tsaka umakbay sa balikat ko. Tuloy, naamoy ko 'yong pabango niya.
"Wala 'yon, kinausap ko lang hehe," kamot ko sa batok ko.
"Now I know kung bakit isa ka sa mga napili para sa sampung gintong upuan," usal ni Klint. Nginitian ko naman siya dahil sa sobrang pagkakapahiya.
"Kaya nga," si Drex dumagdag pa.
"Uyy! Lakas ng kamandag mo ha?" si Myrtle na sinundut-sundot na naman ako sa tagiliran ko.
"Tss!" inirapan ko siya.
"Aba! 'Pag gwapo ang kumakausap sa'yo go na go ka tapos 'pag ako na ay asdfghjjk," tinampal ko kasi 'yong bibig niya.
"Pwede ba? 'Wag ka ngang ma-issue riyan!" inis na bulong ko sa tenga niya.
"Pero alam mo, ang lakas ng magical power mo kanina, takot na takot nga 'yong limang hunghang na 'yon e!" anya pa.
"As if naman kaya nilang tapatan 'yon," usal ko naman na nagmamayabang.
"Yabang a," usisa niya sabay irap.
"E puro kayo satsat kanina e! Inis na 'ko!" wika ko.
"So, kailangan bang magpakitang-gilas ka?" she sarcastically spoke.
"Hindi 'yon pagmamayabang, talent 'yon," astig na usal ko.
"Talent!?" hindi makapaniwalang singhal niya.
Ipinagpatuloy namin ang aming paglalakad hanggang sa mapadpad kami sa isang sapa. Tiningnan ko si Myrtle, tumango siya.
"Thanks goodness!" masiglang usal ni Myrtle at nagtampisaw na sa sapa.
"Hep!" pinahinto niya si Brace.
"Bakit?" he was haulted, gustung-gusto na rin yatang maligo.
"Humanap kayo ng spot niyo na kayo lang, dito na kami ni Tina," irap niya.
Napakamot tuloy si Brace habang tininingnan ko siya na nakahalukipkip. May balak pa yatang manantsing. Lumusong na rin ako sa tubig nang makita kong wala na sila, pumunta sila sa ibabang bahagi ng sapa. Hindi masyadong maaliwalas ngayon dahil sa atmospera ng dimensyon na ito.
"Ahh! Ang sarap maligo!" pagtatampisaw ni Myrtle.
"May napansin ka ba kanina roon sa limang 'yon?" I asked absentmindedly.
"Maliban sa pagiging mataas ay wala na, ano bang napansin mo na hindi namin napansin?" she asked, sinasabuyan niya 'yong buhok niya.
"Tauhan sila ng palasyo," usal ko.
"Alam naman nating tauhan sila, pero anong gusto mong palabasin, Tina?" kunut-noong tanong niya.
"W-wala," sagot ko habang nakatingin sa malayo.
Ilang mga minuto'y natapos na rin kami sa pagtatampisaw, buti na lamang at may saysay ang kapangyarihang mayroon kami kasi kaya naming palitan ang mga kasuotan namin sa wari na gusto namin. Like, kung gusto naming magpalit, agad-agad na mangyayari.
'Yon at 'yon pa rin ang suot ko, binago ko lang. Ang astig ko kasi sa suot na 'to lalo na rito sa combat shoes, ang sarap ipangsipa ng potching.
Sakto nang makapagpalit na kami ay sakto ang pagdating ng limang Alpha na bihis na bihis na rin. Mukhang pinaghahandaan ang Reyna. Napalingon ako kay Caleb na nakatingin din sa gawi ko. He smiled, agad kong naramdaman 'yong pag-iinit ng pisngi ko.
'Enebe?'
"Let's go?" alok ni Brace, natauhan naman ako sa pagi-imagine at tumango habang napapahiya sa harapan nila.
Kanya-kanya kaming hanay, maliban kay Myrtle na nakalingkis sa braso ko. Ginawa pang monkey bar 'yong braso kong patpatin.
"Kinakabahan ako sa misyon na 'to," she spoke.
"Bakit naman?" I asked curiously.
"Hindi ko alam, feel ko lang," she uttered.
Huminga ako ng malalim at napatingin sa hindi kalayuang palasyo. Hindi maganda sa paningin hindi rin naman malaswa, sakto lang, bagay sa mga kontrabidang karakter tulad ng Reyna. May tatlong dragon na nagliliparan sa taas ng palasyo at tila napapansin ng mga ito ang presensya namin.
Habang papalapit ay mas nakakaramdaman ako ng kaba, hindi ito normal na kaba lamang kundi nagpapahiwatig sa akin na hindi magiging madali ang gagawin naming misyon. Mula rito sa kinaroroonan namin ay nararamdaman ko ang enerhiyang 'yon.
'Ang reyna,' mahigpit akong napakuyom.