Chapter 15: Portal
We took the whole day traveling towards the portal. Ramdam na ramdam ko 'yong pagod at panlalagkit ng katawan ko. Gusto kong maligo, kaso papaano? Kanina pa nga nagrereklamo 'tong si Myrtle.
"I'm so sweat! Gusto ko nang maligo!" himutok ni Myrtle as she wiped her sweat on her forehead.
Ramdam ko rin 'yong pagod namin. Akalain mo 'yon? Halos abutin kami ng gabi marating lamang ang portal. 'Di pa kasi gumamit ng sasakyan, ewan kung may ganoon dito. Sa tingin ko, wala, kasi wala namang gumagamit dito ng mga de-motor.
They're more on to teleportation and so on, lalo na sa casting spells and magical circles. 'Yon ang medium ng transportation dito na napapansin ko. How I wonder na magsummon sila ng dragon. I giggled imaginatively.
"Wag ka ngang magreklamo riyan, pare-pareho tayong pagod dito," usal ko at inirapan siya.
"E kasi naman!" angil niya pa.
"Ay! Ewan ko sa'yo!" inis na dagdag ko pa sabay irap ulit.
Tiningnan ko muli ang lagusan, wala pang nakikitang portal doon actually, kasi, we will summon it. Para ma-activate. Hindi ko lang alam kung papaano namin ito isusummon.
"Simulan na natin, kanina pa ako nangangati," Brace spoke up. Tumango rin 'yong tatlong Alpha excluding Caleb. He's again out of his consciousness.
Nasa tabi lang siya, may limang metro ang layo mula sa akin. Like, para siyang tanga na nakatanaw sa malayo. I wondered, kung ano ba ang iniisip niya. Ako kaya 'yong iniisip niya? Natampal ko ang sariling bibig at napangiwi ng 'di oras.
Lumapit sa kanya si Brace at tinapik ang balikat nito, natauhan siya dahil doon. Napatingin ito sa amin at napapahiyang nagkamot ng kanyang batok.
"Y-yes?" he asked.
I winced disappointedly. He's spacing out, at kaninapa siya ganoon.
"Okay ka lang ba?" asked Brace.
Maigi akong nakinig dahil baka malaman ko ang rason kung bakit siya nagkakaganoon.
"Hmm," tumango siya sabay ngiti. Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang pisngi ko sa tuwing makikita ko 'yong ngiti niyang 'yon. Ang cute e.
"Kanina ka pa tulala," dagdag pa ni Brace.
"Asan na ba tayo?" pag-iiba ni Caleb ng topiko, napatingin pa ito sa gawi ko dahilan upang alisin ko ang ipinukol kong atensyon sa kanya.
"Making the portal," answered Brace.
"Ah, tara na, nanlalagkit na 'ko e," ngiti na namang usal niya sabay akbay kay Brace. Automatic na nagsalubong ang mga kilay ko dahil doon. Is he really a bipolar? Oh no! It can't be!
'Sayang siya!'
Wala sa sarili akong napailing at nagfocus. Naroon na nga silang lima sa may platform na bilog. May nakaguhit sa bawat inaapakan nilang maliliit na bilog na may linyang kumukonekta sa bawat pwesto nila. Pabilog din ang kanilang ginawang hugis.
Namangha ako nang magsimulang umilaw ang kanilang inaapakang bilog. Unang dumaloy ang puting linya ni Caleb patungo sa bilog ni Brace and then kay Monroe at sa dalawa pa hanggang sa mas tumindi ang liwanag niyon na gumuhit ng malaking liwanag at tumusok patungo sa kadiliman ng kalangitan. Sumilay ang nagtatagong buwan sa makakapal na ulap.
The rays of the moon travelled towards the arc creating a whirlpool bluish light. Namangha ko itong tinitigan. Matapos niyon ay isa-isa kaming pumasok. It was my first time entering a portal at nakakahilo nga. Muntik pa ako ma-out of balance nang iluwa kami sa ibang dimensyon.
"We're finally here," usal ni Myrtle.
Kinusot ko ang mga mata ko upang masigurado ang nakikita ko. Imbes na mamangha ay nagduda ako kung ito nga ba ang dimensyon na pupuntahan namin. Napalingon ako sa mga kasama namin.
Narito kami sa isang matayog na rock formation, hindi ko mawari ang taas nito dahil madilim ang paligid namin. Nakakaramdam din ako ng kakaibang feeling. Bizarre, ganoon.
"Narito na naman tayo," Klint protruded.
"As always," Drex na naghalukipkip.
"Let's go," si Monroe na pinangunahan na kami sa pagbaba ng matayog na rock formation na ito.
Lumapit ako kay Myrtle na parang casual lang.
"Dito ba talaga tayo pupunta?" I asked.
"Hmm, bakit? Takot ka?" she asked straightforwardly.
"Gusto ko itulak kita?" banta ko, nginitian niya ako ng sobrang pakla.
"To naman! 'Di na mabiro e!" anya at lumingkis pa sa bisig ko. Sarap itulak e, 'tas share niya sa'kin kung paano 'yong feeling ng mahulog tapos walang sumalo, what?
Going back to the reality, hindi talaga ako mapalagay sa paligid namin dahil sobrang eerie na ng lugar ay dumagdag pa ang kakaibang klima. Parang ang weird. Nasabi ko na yata lahat ng pwedeng sabihin kaso hindi pa rin sakto ang pagbibigay kahulugan ko sa lugar na ito.
"Ang creepy talaga rito," usal ni Klint.
Kalalaki niyang tao, tapos sa kanya ko pa narinig 'yon?
"Natakot ka? 'Di ba Alpha ka?" pambabara ni Myrtle. Napahiya naman ng tunaysi Klint dahil sa sinabi ni Myrtle. Kinurot ko siya.
"Paliparin ka pa niyan, sige, barahin mo," babala ko, nanlaki naman na ang mga mata ni Myrtle at agad na nagsorry.
"Ngeh! Uyy! Sorry, joke lang 'yon," namumulang paumanhin ni Myrtle. Napa-iling ako.
Nagtawanan naman 'yong tatlo maliban syempre kay Caleb na lumilipad na naman 'yong diwa sa ibang dimensyon. Naku! Sinasabi ko na, sayang siya 'pag totoong bipolar siya. Naku!
"Haha! Ano ka ba, okay lang," ngiting sagot naman ni Klint sabay kamot ng kanyang batok.
"Really?"
"Hmm," tumango si Klint.
"Kyaaahhh!" yayakapin na sana niya si Klint kaso humarang si Brace, using his right hand, tinampal niya ito sa noo ni Myrtle preventing her to get close to Klint.
'Nangangamoy!'
"Pft!" tawa ko.
"Guys," usal ni Drex nang makarating kami sa ibaba.
Nalingon kami sa kanya at namataan ang limang mga kalalakihan. Nakasuot sila ng nga asul na hoody, may mga patusok silang sombrero na parang ewan. Parang pang-wizard yata 'yong suot nila. I guess so.
Hinarang nila kami sa daanan. Isa itong tulay, old and antiquated bridge. Nakahanay silang lima while holding a staff. Napataas ang kilay ko dahil sa nararamdamang magic power na nagmumula sa kanila. Hindi nakakasindak pero masasabi kong maaaring magkagulo kapag sinubukan naming gumawa ng komosyon.
"Anong ginagawa niyo dito? At ano ang mga pakay niyo sa dimensyon namin?" tanong niyong nasa gitna nila. Isa sa pinakamalakas sa kanilang lima.
"Narito kami upang makausap ang Reyna," replied Caleb. Nilingon ko siya dahil sa pagbabalik niya sa sarili niya. I slightly smiled.
"Hindi pinahihintulutan ng Reyna ang mga taga labas na gaya ninyo at wala ni sinumang mga nilalang ang nakakalagpas sa amin o maski tumapak sa kaharian ng Reyna," mayabang na usal niyong nasa gitna.
"Tss," Caleb grinned.
Lahat yata kami ay naiirita sa tensyon binigay ng limang nasa daanan namin. I never expected that we would end up fighting with this absurds.
"Our Headmaster sent us here to arrange some misunderstanding with the Queen regarding the sudden weakening of the bonds, we came here to bargain, again," dagdag pa ni Caleb. Hindi ko lang alam kung naintindihan ba nila o ewan.
Ang isa lang na napapansin ko ay ang nagiging makapal na tensyon sa pagitan naming lahat. Iba itong nararamdaman ko mula sa mga kaharap naming mga tao. They're not just a simple human being that possesses magic power, they are troubles, in other words.
'Lalo na 'yong nasa gitna nila.'